Kasalukuyan, ako ay isang estudyante ng Trinity University of Asia. St. Luke’s College of nursing. Wag mo ng itanong kung bakit Nursing ang kinuha kong kusro kasi baka sabihin ko sayo ay pang Facebook na sagot—‘it’s complicated’. Nursing. Nusing. Ayon sa iba, ito daw ay ang ‘kurso ng bayan’, tama sila, dahil halos lahata ngayon gusto maging nurse, hindi dahil sa gusto nilang makatulong (oh! Wag na pa humble, may mas mabigat pa tayong rason diba?!), kundi dahil ito ay in-demand ngayon sa ibang bansa. Ibig sabihin, dollars, pounds, dinar ang pinag uusapan dito. Pera. KAsalukuyan tayong nahaharap sa ‘global financial crisi’ (mahirap yan itagalog wag mo na tanungin ano yan) kaya lahat ng tao ay ngahahanap ng paraan para magkaroon ng pera. Ano nga ba ang magiging resulta ng pagpapakahirap ng nakararami para lang sa pera?
Sa totoo lang, hindi ito ang gusto kong isulat e, pero dahil andito na, sige na nga, hindi na ako magpapapilit.
Ayon sa pagsusuri, dito sa ating bansa, iilang lamang ang nagtapos ng kursong nursing na nagkarron ng trabaho na ayon sa kanilang tinapos taon taon. KAdalsan ang mga graduates ng Nursing ay nagiging call center agents. Bakit? Dahil maraming call center sa Pilipinas at kadalasan ang mga Nursing graduates ay magaling magsalita sa wikang ingles.
Bakit nga ba ako nag nursing? Isang simpleng sagot at sobrang sikat na sagot. Gusto ko mag abroad.( magkapera.umasesno at makatulong) dahil kahit mahal ko ang pilipinas, alam kong hindi kaya ng pagmamahal kong ito ang mabigyan ng magandang kinabukasana ang aking pamilya. Ordinaryong sagot. Cliché.
Sa buhay natin ngayon, kelangan maging praktikal. Hindi tayo kayang pakainin n gating pagmamahal at pride. Sa Pilipinas, mahirap ang maging mahirap, dahil mayayaman lamang at makapangyarihan ang umaasenso. Bakit? Kasi nga mayaman sila. Kotrolado nila ang takbo n gating komunidad. Kaya bakit pa ako magpapakahirap makipag kompitensya sa mga may pera dito sa Pilipinas?
Bilang isang taong malapit na sa poverty line (pero medyo malayo pa pala), hindi ko hinihikayat ang makabasa nito na mag Nursing at mag abroad. Kundi para lang ipakita na unfair talaga ang buhay. Hindi ka kaytang suklian ng bansa mo ng pagmamahal din, dahil ang mga namumuno pa lang ay alipin na ng kumikislap na pera ng bayan.
Maging praktikal, dahil sa panahon ngayon, matitibay lang ang natitira at kung hindi ka sasabay sa agos ng kanal (madumi at dumuduming sistema) baka matabunan ka na ng mga mas malalaking basura na gustong mauna.
Walang masama sa pagiging praktikal. Wag ka lang pasisilaw sa madaling pagkakaron ng pera, baka sa ibang lugar ka mapunta hindi sa abroad..:))
Rgs 070309
Comments