Kasalukuyan akong nag mememorize ng mga electrolytes natin sa katawan ng may narinig akong “… nagpapatunay lang na ang talento ng pinoy ay hinahangaan sa buognmundo.” Sa una iisipin mo, syempre proud ka, Yes! Pilipino din ako! KAbabayan ko yan! Tama, may angking galing (nose bleed) ang mga Pilipino, pero may pagkakaiba ang Pilipinong mahusay (sheeeet) na nagtatrabaho dito sa Pilipinas at ang Pilipinong nagttrabaho sa ibang bansa. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Wala akong itulak kabigin sa mga kababayan natin na talaga naming maipagmamalaki ang talentopero naisip mo ba na saying dahil foreigners ang nakikinabang> Oo nga;t proud tayo dahil kababayan natin sila pero Pilipino din ba ang nakikinabang sa talento nila? Hindi. Bakit? Dahil walang asenso dito sa Pilipinas, mayaman lang ang yumayaman. Hindi mo masisisi ang mga banyaga na kinukuha nila ang mga Pilipinong ‘gifted’ at di rin kasalanan ng mga kababayan natin na tanggapin ang chance na umasenso. (kata ang natitira sa Pilipinas walang pakialam, pero di naman lahat!!!)
Kahit sabihin pa nating Pilipino sya ipinanganak, may parte sa akin na nagsasabing karamihan sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na at maganda ang buhay ay hindi na 100% Pinoy. Iba na ang nationality nila (na hinding hindi binabanggit sa tv!)
Hindi ko alam sino ang may kasalanan sa totoo lang. NAkakaawa lang na ang bansa natin ay puro pagiging proud na lang sa kababayan ang kaya. Walang mangyayare dito satin. Talagang napag iiwan na ng panahon. Sana darating yung araw na lahat ng Pilipinong nasa ibang bansa ay bumalik dito, magtulungan at bigyan ng magandang kinabukasan ang Pilipinas. L
RGS120909
Comments