Skip to main content

ALAMAT NG KOKO KRUNCH

Isang araw, sa kaharian ng T'uti na puno ng kasiyahan at ang mga hayop ay nagsasalita may isang mahiwagang pangyayare na di inaasahan.
 May isang batang mataba at maitim ang nakapasok sa kaharian. Nag panic ang mga isagani... eto ay ang mga gatekeepers ng T'uti. Mukha silang mga langgam na malalaki tapos meron silang helmet at dalang espada. 'stig!!! Pero dahil ang matabang bata ay wais, nag dala syang asukal para ipang entice para makatulog sa kabusugan ang mga isagani! awesome!
Habang sya ay naglalakad sa kaharian, nakarinig sya n tugtuging may titulong teach me how to jagger na tila nag paparty sa di kalayuan.
"wow!party peeps! hanapin!" at tumakbo sya na parang si superman.
Habang sya ay naglalakad naisip nya na ang 'di kalayuan' na distansya ay malayo pala. naisip din pala nya na ang kagubatang yun ay wala pa syang nakikitang hayop..."it's weird mate!" sabi pa nya.
Inabot sya ng 3 days kakalakad, pumayat na sya wala padin yung party kaya naupo na lang sya sa malaking bato na kulay orange.
"pagod na ako..gutom na ako, ang payat ko na..what is this place? may gas!"
"OUCH!!"
ano yun? shocks!!may nagsasalita..!!pero di naman sya tumayo nagulat lang sya kasi may umaray nung umupo sya.
"aray!don't sit on me!gardammit!!"
napatayo sya at biglang tumaba.
'holy smokes! pasensya kaibigang bato, pagod ako kaya napaupo na lang ako sayo..ang comfy mo..
ahm..alam mo ba nasan yung fartee?'
"teka ang laki mong nilalang..teka ano klaseng creature ka? Ang taba mo, bilugan, maitim, malagong buhok, apat ang paa mo pero dalawa lang ginagamit mo...baliw ka ba?"
'tao ako,di ba halata? chaka makapanlait ka, perfect ka? ikaw nga orange na bato e!
"tao?huh?ano yun?hahahaha"
 'tao..ahm..ako..basta ano ba naman yan!saan na kasi yung party?'
 "dude di ka pwede dun!pag nakita ka nila kakatayin ka nila,di ko nga alam pano ka nakapasok dito e.."
biglang may kumaluskos sa likod ni pareng...(oh shoot di ko pa pala napapakilala ang batang mataba na nag ngangalang Cholo) cholo..cholo nga ang pangalan nya..:)
'ano yun?'
"magtago ka sa likod ko bilis!may paparating!"
Nagtago si cholo sa likod ni don bato, nakasilip sya kung sino ang paparating...
*drum roll! leaves falling! snowing*
 May iba akong naaamoy na nilalang!!amoy pawis!!masarap!


* Nagpapatuloy ang ating kwento sa ulat ni...
Wala nalang mahirap din kasi mag isip ng punchline ee....ituloy na lang natin..haha

Sambit ni Kuru ang matikas na leyopardo! Nagtulug tulugan si Don Bato, kasi mahirap na pag tinanong sya tas nag sinungaling sya magkukulay pink sya..PATAY! buti na lang dumaan ang isang isagani..pero problema pala yun lalo!humahangos ito at nagtanong kay Kuru.
"Nakita mo ba ang nilalang na bilugan at maitim?"
Napaisip si Cholo: " ...kung makapan lait mga creatures dito wagas lang! Ayoko na!"
"SSSHHHH!" sabi ni don bato.
"May problema ba Bato?" sabay tanong ni Kuru
"Wala naman, nabahing lang naman ako..." kinakabahan na sagot ni Bato.nararamdaman na nya ang daga sa kanyang dibdib..teka saan banda ang dibdib nya?nevermind..
tinignan sya ng masama ng isagani at tinanong..."nagsisinungaling ka ba?"
Sa sobrang kaba ni Don Bato ay naging rosy cheeks sya. Nilapitan sya ng isagani at inamoy...
sumagot si don bato..."ahm..hin...hindi ah!bakit naman ako magsisinungaling??"
Pero masyado na syang obvious dahil nanginginig sya at kulay rosas na sya. Kinuha sya ng isagani, binuhat at at..at...
BAGAAAAAM!!!! (sound effects yan!)
"ano yun?!,"  hinihingal na tumingin sa likod si Cholo "shet!! buti na lang tumakbo ako!!this is abatoir!!"

Sa lugar na pinangyarihan ng krimen, nabasag si Don Bato at nahati sa dalawa. Nagtaka ang isagani, wala naman palang tinatago yung bato, bakit sya naging pink?hhhmmm..interesting!
"Tara na!hanapin natin ang pawisang nilalang!" sambit ni Kuru na gutom.

Sa kabilang ibayo, di na alam ni Cholo kung saan sya pupunta..Palinga linga nyang inanalisa ang tatlong daan na nasa kanyang harapan.
"saan ako pupunta?oh juskooooo..ano ba naman ito diba?langhiyaaaa..nagmukha akong tanga, pinaasa nya lang ako!!1lecheng pag ibig toooo oohhhh huwooooo.."
Napakanta na lang sya at tinahak ang ikatlong daan.
Narinig nyang muli ang party song..tooogsh toooogsh!! tenet tenenet tentenet tenetenenet!!
(walang ka tono yan, kaya wag ka na mag isip)
"wow buhay pa sila at pumaparty!!tae yan!ngayon makikita ko na ang party animals woohooo!!yellow submarine!!"
Masayang naghanap si Cholo at pumitas pa sya ng buko at kinain na parang kornik...(uuuuyyyy..nag  isip sya.:))
At habang palakas ng palakas ang ugong ng speakers, tumakbo sya ng tumakbo papalapit habang winawagayway nya ang panyo kulay puti!...

**Dahil paputol putol ang aking pag gawa.gusto ko na din putulin ang akong mga daliri..pero joke lang..pano naman ako makakapag sulat diba?wag ganuuuun..hahaha..:))
eto na ang kasunod sa ating adbenchur!!

Napahinto si Cholo... Napanganga. tumulo ang laway at na awestruck!!(spell mo nga!)
"Huwaaaww!! Ang daming pagkain!"
Sa pagkain pala sya unang tumingin kaya sya na awestruck. nung hinigop nya ulit ang yung laway nya kasi napatingin sya sa paligid at nagtaka...May tugtog pero walang speakers!
 "Saan nanggaling ang tunog??Napapasayaw ako ng walang sisidlan! Oh yeah! oh yeah!"
huminto ang tugtog.
"Oh bat nawala?" tumingin sya sa itaas.
"wow ang daming insekto!!iba ibang kulay! pati shapes, galing galing!"
tumalon si Cholo para humuli ng isa, pero di sya successful dahil alam mo naman ang timbang..Habang sya'y tumatalon, nagkaron ng malakas na lindol at nagitla ang lahat ng animals sa kaharian ng t'uti.

Nagsalita ang isang ipis na kulay peach na syang pinaka magandang ipis sa kanilang uri.," Ano bang nilalang yan? bakit ang taba taba? at ang dami nyang libag! masarap yan! Tawagin na natin ang lahat ng ma prito na sya!'"
tumugtog ulit ang classical na pang Mozart at Vivaldi at...at...alam mo ba yun?hahaha
Nagsi tayuan ang mga animals na neon ang mga kulay: lion na kulay pink at may ribbon, tiger na kulay green at may malaking tenga na parang elephant. Ang elephant nila kulay violet! tas yung ilong nya parang microphone. sya kasi ang speakers pag may party. at ang zebra na kualy red at green. parang pasko lang. sya ang nagsisilbing pinao pag nasa party din.:) party animals e!

anyway, sabay sabay sila nag marcha sa Plaza Miranda, sa may luneta att sa Mendiola para mag welga at patalsikin ang presidente...Teka ibang usapan to..
Oh ayun nga, nagpunta na ang mga animals sa party ng mga insekto dahil kelangan nila ng tulong, nandun ang matabang nilalang na maitim!
"SUGOD mga peeps!! let's get this party started!" sigaw ng siang cow na kulay blue. yuck blue!

Habang si Cholo ay nakikipag sayawan sa siang punong kahoy, dumating ang mga party peeps. Natulala sa ichura ni Cholo, naseksihan  sila sa kanya at ang kanilang mga mata ay nagningning at bumibilog ang kanilang mga nguso na tila...wala naman..
Napansin ni Cholo na maraming mata ang nakamasid sa kanya, huminto sya at nagisip. tumingin sya sa ibaba at nakita nya si Don Bato nakangiti at ang isa pa nyang kahati na si Dona Bato. Yikeee..kabiyak na literal..:))

"Don Bato! buti nandito ka! ano gagawin ko mukhang hungry peeps ang mga animals dito?"
"wag kang mag alala!may naisip ang aking kabiyak para makatakas ka."
bumulong si Dona Bato kay Don (wala kasing script si Dona Bato sa kwento nati  kaya pa whisper whisper lang sya)
"eto ang plano! Ilapit mo ko sa tenga mo baliw, secret lang to e!"
"ah ganun ba sorry." matapos bumulong ni Don Bato, ibinulsa na ni Cholo ang magka biyak at hinarap ang mga party animals at ang mga insektong neon.

Tumindig si Cholo na parang sin tikas ni Derek! (ohgosh!) at inilagay ang panyong kulay puti sa kanyang leeg at nililipad lipad pa ng hangin na parang kapa ni superman. at sinambit nya ang mga salitang...
"anong kelangan nyo sakin? nakikiparty lang naman ako, ang mga tingin nyo, para akong hinuhubaran!wala akong yaman na maibibigay! wala akong talentong maipapakita. pero di nyo ko kelangan  apihin ng ganito!, kung di nyo ako kayang tratuhin bilang kapatid, kapamilya nyo tratuhin nyo namnan ako bilang tao!!!!"
(pang star awards!) may luha pagn tumulo sa kanyang  mga mata.
Sumagot si tigerlicking good..
"tao? what the hell is that??"
"Anak ng poooh! pati ao di nyo alam? makalayas na nga!" sabay takbo. tinawag nila ang mga isagani...

Para dakpin ang chubby na nilalang habang sila ay naghahanda para sa kanilang piyesta.
Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa…dead end… Nasa itaas sya ng cliff. Tubig na ang nasa ibaba.
“Tumalon ka na!”, sigaw ni Don Bato.
“Ayoko!!mababasa ako! BBRRR!”
“Dali wala ng oras!ayan na ang mga isagani, kelangan mo ng tumalon, may tunnel sa ilalim ng ilog  papalabas ng kaharian!” , pagpupumilit ni Don Bato.
Pero hindi pinakinggan ni Cholo ang panawagan ng kaawa awing Bato. Takot maligo.
Tinaas ni Cholo ang dalawang kamay.
“Take me!Take me!!” habang mya luhang pumapatak sa kanyang mga mata.
“OA ka, wala pa yung mga isagani.” Di nakatiis at nasambit ito ni Dona Bato. (palapakpakan ang sambayanan)
“Ah wala pa ba? Pft!” *whistle* *whistle*  tagal!nakakainip!”
Ayaw talaga nyang tumalon.
“Hayst!” eto na lang ang nasabi ng mag asawang bato.
Nakatulog na sila, tumatakbo pa lang papalapit ang mga isagani.
“Walang kikilos ng masama! Taas ang kamay!”
zZZZzzzZZZZZzzz….
Dahil di magising si Cholo sa himbing ng kanyang pagkakatulog. Dinala na ulit sya ng mga isagani sa venue.
Sa bagal ng mga isagani mga 12mn sa sila nakarating. Dahil handa na ang lutuan at nagbabaga a\na ito at kumukulo na ang mantika inihulog na lang si Cholo sa loob. Walang ingay ang narinig. Katahimikan.
Lahat ay tulog na. Puyat. Si Cholo ay nakaupo lang sa malaking palayok, kumibot kibot, naramdaman nyang mainit. Minulit nya ang kanyang mata, tumayo at nagulat sa kanyang ichura! Dark brown. Animo’y sunog na sya. Humakbang sya papalabas at nag isip, natutuklap ang kanyang balat. Tinuklap nya ang kanyang sarili. Tinanggal tanggal nya ito hanggang sa naging maputi na sya. Sing puti ni Enchong Dee. Wow!
“tulog sila ah! Tapos na ata party. Boring!”
Pinulot nya ang mag asawang Bato at umalis.

Habang sya ay naglalakad, sinusundan ang GPS/ Dona Bato instructions, nakadaupang palad nya si Kuru na nakatingin sa kawalan. Nilapitan nya ito, "Pare! Mahal ka nun, wag mo masyado isipin."
Biglang umiyak si Kuru ng walang sisidlan at niyakap nito si Cholo.
"Tahan na..ssshhh..sama ka na lang sakin, yung kapit bahay namin may malaki silang pusa, type mo yun."
"huhuhuhuhu" ayun na lamang ang naisagot no Kuru at sumunod na lang sya kay Cholo. (broken-hearted ang adik!)

Habang tuluyan ng nakalabas ng kaharian si Cholo at nasa Quezon City na sya, nagising na ang mga kahayupan sa mundo ng T'uti.
*hikab*
*hikab*
*hikab* 
*yawn* (sosyal!)
*hikab*

Oo kagigising nila lahat.  may sumigaw na isa.
"Nawawala ang matabang nilalang!"
"HANAPIN!!!"
lahat ay tumayo at naghanap sa ilalim ng mga bato!ng biglang..
"Teka!ano itong maiitim na balat dito" sambit ng isang langaw.
Lumapit ang lahat. Kumuha ang isang rebet at tinikman.
*KKKKRRRUUUNNNCCCHHH*
"woah!" sigaw ng lahat. "crunchy sya ah!"
nagsipulot ang lahat at tinikman.
KKKKRRRUUUNNNNCCCCHHHH
Nagningning ang mga mata ng isagani habang naglalaway at sinabi...
"KOKOOOOO"
sumigaw din ang ibang animals sa sobrang sarap..."krunch!"
Bago pa man nila naubos ang pinagbalatan ni Cholo...
*ubo*
*ubo*
*ubo*
isa isa silang natumba at bumula ang bibig. Nilisan nila ang mundong ibabaw na may ngiti sa labi dahil sa tamis ni Cholo...Malungkot man ang kinahinatnan ng mga party animals..may naiwan padin na alaala ang mga ito..ang pagpapangalan sa cereals na sikat na sikat sa buong mundo ngayon...ang KOKO KRUNCH.

Ito ang alamat ng koko krunch.

Epilogue
Bakit namatay ang lahat?
Nakalimutan kasi nila lagyan ng gatas...Be careful next time!:)

























Comments

Unknown said…
to be continued pa? Hala. .
RV said…
HINTAYIN MO LANG..NAHIHIRAPAN AKO TAPUSIN EE..HAHAHA

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...