Ang pagtulog ay isa sa mga bagay na bet na bet gawin ng..mga panda. Pero bakit malaki padin ang kanilang eyebags kung mahilig sila mag hibernate?
Char.
Bakit kailangan matulog ng tao? Simple lang naman ang ekplanasyon ng siyensya, upang manumbalik ang mga nawala sa atin habang tayo ay gising: tissue repair, cell rejuvination at kung ano ano pang pag synthesize ng hormones sa katawan.
Pero bakit goal ng tao ang hindi matulog? Kasi kung hindi naman yun ang trip natin gawin, walang kape, walang energy drink, walang sting, cobra, ahas, isda, lipovitan, red bull, monster, at diablong buang. diba?
Anong magaganap sa tao pag hindi natulog? Magiging bampira ba tayo? or magiging taong lobo! Cheret. Nood kayo ng La Luna Sangre, weekdays, pagkatapos ng Ang Probinsyano.
Dahil sa pagbbrowse ko kung anong magaganap sa tao pag hindi natulog, nadaanan ko ng basa ang Russian Sleep Experiment, na bonggang kinalikot ang imahinsayon ko. Hindi ako mahilig sa creepy na mga babasahin, dahil narin sa matindi mag retain ng pictographic stuff ang utak ko, ako din naman ang mag ssuffer. Pero yung RSE,para kasing possible sya, convincing masyado for me to just ignore it.
Google mo na lang girl, CTRL T tas paste mo na yung Russian Sleep Experiment, ng malaman mo anong sinasabi ko. Ang pinaka nakakabulabog ng subconscious mind eh yung posibilidad na ang tao outside the equilibrium ay magiging asal hayop, maging predator. Dahil ba sa nag evolve tayo galing hayop? Pero hindi naman sa lahat ng hayop galing ang tao, sa iisang species lang. Although, may common cell tayo na pinagmulan. So iisa lang ang instinct ng tao at hayop? Nag tthink out loud lang ako. Hirap arukin. Ayoko na.
Ayon sa pagbbrowse ko sa makapangyarihang internet, sabi ay ang pinakamatagal na kayang hindi natulog ng isang tao ay 11 days.Isang studyante na sinubukan na lahat ng produktong naimbento para hindi makatulog! 11 days. ano lang ginawa nya?Maliban na lang kung ikaw si Edward Cullen eh hindi ka talaga makakatulog, magpiano ka na lang gabi gabi. Bakit nga ba hindi natutulog ang bampira?
Ayon sa pag rresearch ko na naman sa mundo ng internet, natutulog daw ang mga bampira!!!
MY LIFE IS A LIE. Mali daw ang pinapakita sa telebisyon na di sila natutulog, o kung mag hibernate mas sila eh sa kabaong sila chumichill. Nag ssleep daw sila katulad ng normal na tao. Pota.baka bampira ako!! dahil isang akong nocturnal human being at kumakain ako ng betamax!
Shet!
Eh ang mga may insomnia, sila na ba ang modern life vampires? Di sila nakaka sleep eh.
Ayon sa doctor internet, sila ay hindi makatulog dahil sa madaming dahilan. Unang una na lifestyle. Kasama na sa mga may sala ay ang sigarilyo. Ang nicotine at stimulant na sumasagupa sa melatonin na hormone para sa pagtulog.
Nasubukan ko na ang ibat ibang klase ng insomnia, hirap ako makatulog, nakakatulog ako pero nagigising ako agad, hindi ako nakakaramdam ng antok. Mga ganyang level. At ilan sa mga epekto sakin ay mood swings,vivid disturbing dreams, lagi akong nagugutom, yung cravings ko pa pang junk at galit ako sa mundo lagi.
Ngayon, ilang buwan na akong hindi nagyoyosi, wala na akong bisyo!! Pero may panahon padin na di ako makatulog at nakakapanaginip padin ako ng mga mala Chuck Palahniuk yucky dreams..so may sayad na ako!
Bakit nga ba di natutulog ang mga bampira? Kasi sabi ng direktor sa tv!! Wag maniwala!
P.S. just another weird convo with myself

Comments