Skip to main content

Fathers Day na Naman

Unang una sa lahat, aaminin ko na hanggang ngayon awkward day para sakin ang Fathers Day. Wala naman ako papa, and medyo sensitive ang topic na to for me. In a sense na, kaya ko sagutin mga tanong ng tao asan papa ko, pero when all is said and done, at the end of this specific day, ang tanong ko lang naman lagi...how does it feel to have one?

Alam kong hindi na to taboo sa bansa natin, normalan na ang pamilyang hindi nag cconsist ng mama and papa with children. Well, hindi lang naman don masasabi na may pamilya ka...ika nga, hindi naman sa dugo ang basehan para masabi mong pamilya kayo, nasa pagmamahalan at pag uunawaan ng bawat isa. Masaya ako at malaking pasasalamat ko kung ano mang klaseng pamilya meron ako ngayon, wala akong sinisisi, wala din akong masasabing pagkukulang sa amin.

But really, at the end of the day...I still long to feel a fatherly love.

I grew up in the care of the female species,I never lived with a man in my life, under the same roof. Hindi asawa sinasabi ko..lalake talaga, tatay, tito, lolo, pinsan. Hindi ko na experience na magkaron ng dugyot sa banyo na kasama sa bahay, amoy lalakeng di naligo ang kwarto, amoy carpet na hindi nalabhan ang mga damit at ang higit sa lahat, yung pakiramdam mo safe ka dahil alam mong may mas strong person sayo sa bahay.

I feel bad writing about this, dahil baka isipin nila napaka ungrateful ko...isipin ng iba, sobra na akong blessed sa buhay pero bakit naghahanap padin ako ng wala?

Browsing through my social media accounts, puro, 'thank you for the sacrifices you've made to make this family together, thank you for showering us with love and protection, thank you for spoiling us with all the good things in life, thank you for being the best dad this world could ever ask for...' and the list goes on.

Pakiramda ko cnconvince ko na lang sarili ko na walang kulang, kasi sa sa araw na to, nararamdaman kong meron...nakakaiyak man isipin, sana hindi na lang to human nature. Sana hindi na lang nakakaramdam ng empty space sa puso...ano nga bang tawag sa empty space kong yon? Inggit? dahil meron ang iba na wala ako? Siguro nga. At isa ito sa mga mortal sins!!! Makasalanan ako! I should perish! Kikilitiin hanggang mamatay!

Anyway! Alam mo ba saan nagmula ang selebrasyon ng Fathers day? Ako din hindi ko alam..
Sabi ni google, nagsimula pa ito noong mga ancient times ng Babylonianssssss. Nakita nila sa mga kwebang tararat na may isang Babylon child na nag alay sa kanyang ama ng mensahe, tungkol sa good health and longevity. So hindi tama na sabihin, na ang paggunita sa kahalagahan ng ating mga ama ay nadiskubre lamang ng mangilan ngilan na nagpabibo na sila daw ang nagpasimula..bakit kelan lang ba nagka tatay sa mundo?

Trivia ulit..na hindi sa lahat ng panig ng mundo same day ang celebration ng Papeeee's day. In most countries, THIRD SUNDAY ng JUNE. Dito kasi satin laging nagkakagulo, taena, yearly to mga brad, lagi nyo padin nakakalimutan? me bumabati na agad ng second sunday ng June..Hunghang, mothers day yung second sunday..ng May nga lang. Kaabnormalan.:p Hindi ako galit.:p
Sa Australia at New Zealand, first Sunday ng September sila nag cecelebrate, sa Thailand December 5, at sa Brazil naman second Sunday ng August.

Bilang paggunita at pagbubunyi ng kanilang role na ginagampanan sa ating buhay, bakit hindi gawing holiday ang araw na ito sa lahat ng ama? Isang araw lang naman.. rest day ganon, may documents naman na magpapatunay na ama sila..Well, may tax exemption naman sila.sige wag na lang..business as usual mga brad. :p

Matapos ko mag emote at pagnilaynilayan ang mga self-pitying act ko kanina...may mga tao padin naman akong binabati ng genuine happy fathers day..:) Ang mga lalakeng nag procreate sa mga taong minamahal ko ngayon, nagpapahalaga sa akin,m nagmamahal at nag aaruga. Kung nasaan man sila, alam kong hindi ko mararamadaman na loved and cherished ako by many people, if not because of their dads dibaaaaa.I love my little tribe, I am thankful to be the way I am now because of their influence and the different things I learned from them. To men I am truly honored to have lived a few years with you guys, nasa puso ko kayong lahat..Lolo, Daddy, Tito, Kuya, friends and countrymen. Salamat sa magigiting nyong pagkatao! Happy Beer day naaaaaa.<3

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...