BRITNEY SPEARS!!!!! capslock at madaming exclamation point para intense!! kasi sobrang intense talaga nararamdaman ko...DAHIL HINDI AKO NAKANOOD NG CONCERT NYA 3 days ago. haaaaay.
Nung nalaman ko na may concert sya dito, June 14 na bes!! bukas na yung concert saka ko lang nalaman din na 20k ang ticket. taenang yan! Hindi ko man lang nasilayan ang idol ko nung 7 yrs ako! haaaaay. Grade school ako sinasayaw ko yung opps i did it again sa harap ng nanay ko! Sumaya ako nung sometimes na kanta nya nung grade 3 ako..kasama ng mga tropa ko sa girls scout event namin sa Quezon City Memorial Circle! Kinakanta ko yung Stronger sa CR pag naliligo, halos isabuhay ko ang lyrics ng Toxic at I love Rock and Roll nung highschool ako!Sabay kaming lumaki ni Britney Spears, oeri syempre sya yung icon ng 90s, ako kasama lang sa 90s babies.:p
Ayun nga, nalaman ko na lang yung concert nya late na..well super late na. Nag message pa ako sa bestfriend ko "bes pag may concert si britney spears dito manood tayo ha?"..at sya din sumira sa pangarap na kakagawa ko lang, "ha? bukas na yung concert nya bes. May bnbenta nga yung kawork ko na ticket 19k!!!". Wala na, nasira na ang mundong unti unti kong binuo nung naimagine ko sarili kong nanonood ng concert ni Britney Spears!! ngunit, subalit, datapwat, bigla ding nawala ng isang iglap, dahil bukas na nga ang concert..ano tatae ako ng 19k, para lang mapanood ko at marinig ko ang simbolo ng puberty ko? Well, naisip ko din naman, kahit pa man malaman ko ahead of time yung concert na ang presyo ng ticket ay 20k, baka magka depressive stage lang ako, mawalan ng gana kumain (well, medyo di naman ata to mangyayare), mangangayayat (ulit, hindi ata pwede), maubusan ng fluids sa katawan, mawala sa katinuan, maligaw na lng sa kahabaan ng EDSA at maging taong grasana ng tuluyan!
Kinabukasan, wala na akong muwang sa mundo, sabi ko na lang.."haaaaay, britney. What have i done to deserve this sadness? Mabuting anak naman ako ah? Nag sshare naman ako lagi ng blessings ko. Bakit wala akong 20k?" Charot lang yung huli..hahaha,ang sayang kaya ng 20k kung manonood ako nun for one night, samantalang pwede ako makapag enroll ng ilang crash course don, o pwede ko na ipang tuition yon para sa pangalawang kurso na gusto ko!! Sige no thanks na lang Britney!
Buti na lang nauso ang...Spotify! di ako music lover masyado, mas gusto ko ng tahimik na kapaligiran, mas naeenjoy ko yung nakakabinging katahimikan lalo pag may ginagawa ako. Pero bakit gusto ko ng music pag nag aaral? weird! Anyway, ang weird lang, kasi 2 weeks before concert (di ko pa alam na may concert si Britney), gustong gusto ko sya pakinggan sa Spotify, like everyday ko syang pinapakinggan!! Nanonood pa ako ng videos sa Youtube! Ok na din,pwede na! solb na din. Salamat sa tekonolohiya nasasagot ang pangangailangang hindi kayang ibigay ng walang 20k! :p
(parang madumi ang dating..pero yun na din yon) Para pala akong nagka premonition..tsk! Ibang level! Pang final destination. Cheret.
Matapos ng ilang araw, nalaman ko na nga diba? Syempre nakikinig padin ako ng Britney spears songs..at the top of my lungs!! Nagssend pa ako ng sound clips sa mga labwans ko. :p Magsawa kayo sa napakaganda kong boses! hahaha. Pero napansin ko lang..hindi na katulad ng dati yung mga kanta ngayon. Yung tipong merong instrumental portion lang tas sasayaw si Britney ng matindihang dance number. Ngayon puro kalaswaaan na lang alam ng mga musikero. Chaka nung umpisa ng career ni Tita Britney,puro lab story at pagpapalawig ng katatagan ng kababaihan!! (cheret! ano daw?)
Ang tunog Britney Spears,tatak na yan! hindi na natin mabubura sa history ng music scene, kahit saang panig ng mundo..Madami syang fans!!! kaya dapat ang concert tickets, abot kaya ng maralitang Pilipino! Amen!
P.S.
bakit pa ba ako naghahanap ng ibang britney, kung nasa bahay lang naman namin sya everyday:
Meetmy bebi dog na nakakulong, kasi sobrang kulit..Britney.
Ang tunog Britney Spears,tatak na yan! hindi na natin mabubura sa history ng music scene, kahit saang panig ng mundo..Madami syang fans!!! kaya dapat ang concert tickets, abot kaya ng maralitang Pilipino! Amen!
P.S.
bakit pa ba ako naghahanap ng ibang britney, kung nasa bahay lang naman namin sya everyday:
Meetmy bebi dog na nakakulong, kasi sobrang kulit..Britney.
Comments