Skip to main content

Yung Minsan...

May isang araw na sa gitna ng pagkuha ko ng litrato ng magandang tanawin, naalala kita.
Naalala kong hindi na kita makikita.
Sa buhay na to,wala ng pag-asa na ikaw pa'y maging akin.

Ganun pa man, may ngiti padin sa mga labi,
nagpapasalamat na minsa'y naranasan kong makapiling at makatabi kang lagi.
Hindi man pang habangbuhay, pero ang alaala mo sa puso't isip ay .

Alam kong masaya ka na, iniwas ko man na alamin pa ang bawat detalye,
pero alam kong nasayo na lahat ng maari mo pang hilingin.
Hindi ko man maiwasan malungkot ng bahagya,
hindi naman ito tanda ng pagkasawa..
sa pag alaala ng mga masasaya nating nagawa.

Wala na akong ibang kayang isipin pa,
kundi pintahan na lang na makukulay na tinta,
ang mga ulap na mabigat at tila gusto nang lumuha.

Pero sa kabila ng bawat kalungkutan,
hindi natin maipagkakaila, na ang mga okasyong naiisip kita,
ay tanda lang na ako'y dadatnan na.
PMS lang pala besh. sakto nagccrave ako ng mangga,
samahan mo pa ng bagoong alamang na may siling hiniwa hiwa.

Comments

Anonymous said…
napanaginipan kita. kagabi lang.
ikaw yon. alam ko ikaw yon. kutis, kulay, amoy, buhok, reaksyon, nung nilagay ko ang hamak kong labi sa iyong batok. may hawak nga lang akong sitaw. di ko alam kung bakit. sa loob ng grab. yun lang.
Anonymous said…
* dinampi
Anonymous said…
Anong role ng sitaw sa panaginip mo? Feeling ko kilala kita. Umamin ka na!
Anonymous said…
hindi ko alam kung bakit ko sya hawak. pero alam ko ikaw yung kasama ko.
kilala mo ba kung sino ang asawa ni mother ignacia?
RV said…
ano secret weapon na ba ngayon ang sitaw?
father ignacio. o kaya si eugenio lopez..sino ba kasi?

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...