Skip to main content

Hula the the Title

Yesterday, I went out for a movie with a friend. Habang nanonood ng Venom na funny..possible palang malungkot ka while watching a funny movie, tapos masarap naman yung popcorn. Nagsisi lang ako dahil cheese ang gusto kong flavor sa popcorn, pero bbq binili ko. Why did I do that? Weird.

I promised not to post anything about him anymore..well,technically, this isn't. I just feel sad, alone..and as if the world revolves faster than it should be.

Lahat na lang nagmamadali,ang bilis ng mga araw, pero yung pakiradam ko, wala namang nagbabago.Malungkot padin, gusto ko na lang mahiga, magbasa, magsulat, kumain ng patatas, chaka manood ng Star Warsand HIMYM. Gusto ko na lang maging halaman, maging kabute na cute sa kahoy sa labas ng bahay namin. Gusto ko sana tumigil muna kahit saglit yung oras,kung pwede lang na makapagpahinga muna kahit sandali, na walang iniisip na kahit na ano. Pwede ba yun?

Gusto ko na makarinig ng hampas ng alon sa dalampasigan,damhin ang lamig ng simoy ng hangin sa tabing dagat. Gumising sa liwanag ng sikat ng araw, na matataas na puno ang unang masisilayan. Gusto ko sana na ganun na lang na pamumuhay. Gusto ko magtanim ng pwede kong makain bukas, magkaroon ng bakuran na puno ng halama't mga bulaklak. Gusto ko din ng puno ng kalamansi, bansot na baging ng kamatis at talong,halaman ng sili na pwedeng pitasin na lang para ilagay sa sawsawan na patis sa tinola.

I long for a simple life. I dream about it lately, but it gets overshadowed with darkness, with loneliness, with agony.Pero last night! I dreamt about rotten and falling teeth. So according sa pinagpipitaganang si Google, related daw sya feeling of loss sa life. Connected naman pala.

Today, I feel my body getting weaker, my back hurts, my batok, my hands, my legs..lahat na! Para akong magkakasakit. Or is it just my cells saying I am lonely?Ampangit kasi sabihin na lonely ako. Parang wala ng pag-asa sa mundo yung tunog nya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa, ng lamanglupa at mga amoeba sa buong planeta. Pati mga pagkain, hindi din sila appealing for me. Walang masarap na pagkain. haaaay. Pakiramdam ko may hinahanap ako na di ko alam. Yung bagay na di ko naman makukuha! Ito ay..lotto jackpot.

Anyway, katatapos lang ng stressful day at work. I have very limited time to be sad pag nasa work, kasi na sstress ako sa mga kliyenteng akala mo pag aari nila ang aking pagkatao. hahaha. Akala mo binili nila yung oras ko. Pero masaya ako, dont get me wrong!Because I am right. Charot!

Making aliw thyself so I dont lose my katinuan. Sana isda na lang ako sa aquuarium namin. Kasi cute sila..diba?



P.S. Pang MMK yung title netong entry ko. Mananalo ng 300 peso load pag nahulaan.:p

Totoo ba na iniskip ng utak mo yung pangalawang 'the' sa title?

Comments

Anonymous said…
Ang Pangarap kong Jackpot
RV said…
WRONG. hahahaha.
Anonymous said…
A Polaroid Girl in an Instagram World

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...