Skip to main content

Posts

Paano ba ang magmahal? (ooops, ibahin natin) paano nga ba masaktan?

Nang mga nakaraang araw, nakasanayan ko nang manood ng mga Tagalog movies na nakakakilig, pero alam naman natin kung gaano ka predictable ang filipino films.. syempre merong climax na mag hihiwalay yung mga bida, pero mgababalikan din para merong happily ever after sa dulo. Ngayong gabi, ang nasa menu ng panood ko eh 'the Breakup Playlist'. di ko masasabing maganda sya in a sense na bago sya sa panlasa ko, pero pwede na. I'd give it a 7, kasi tumagos sa puso ko at may mga thoughts akong gusto ilagay dito na narealize ko lang din while watching. Sabi ni ate Sarah,''pwede bang mag sorry ka na lang? wag mo na lang akong mahalin, nakakapagod na yang sinasabi mong pagmamahal. nakakapagod ka na mahalin". Aray diba? pero alam natin na kahit pa ilang eksena pa ang dumaan, hindi nya makakalimutan si piolo..mahal padin nya yun kahit sagad sa buto yung sinabi ni kuya mo na 'do me a favor?umalis ka na din sa buhay ko, at pwede ba wag ka nang bumalik'. huda...

Tunay bang may sumpa ang buhok ng kababaihan?

Sa di maipaliwanag na kadahilanan, naging kaugalian na ng kababaihan ang magpagupit kung may malaking pagbabago na nagaganap sa kanilang buhay. Totoo nga ba na may angking kapangyarihan ang aming buhok kaya nangangailangan pa kami ng pagpapagupit or pag renovate ng buhok para maging hudyat ng aming pagbabago? Bilang isang babae, hindi ako nagpapagupit para maging sign ng new beginning or end of a heartbreak.Nag papagupit lang talaga ako para pag eksperimentuhan ang ayos ng aking buhok. Pero bilang isang babae, alam kong alam namin sa isa't isa na ang aming buhok ay may impluwensya sa aming mood, outlook in life, disposition, at madami pang iban aspeto sa buhay. Ang babae pagkatapos ng break up, nag eemote pa muna ng ilang buwan or kung hanggat kelan nila gusto. Sa gana ni Taylor Swift,ayun eh hindi ata uso sa kanya ang salitang move on. Meron agad kapalit na lalake sa buhay nya pagka break sa isa. PArang ngayon!!! after nya ke Calvin Harris, si Tom Hiddleston naman! puta si Lo...

Pain...

Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag kung pano nararamdaman ang sakit.. Unang una sa lahat, ang pain ay very subjective. Ibig sabihin, ang masakit para sa isang tao ay maaring hindi naman masakit sa iba. Pero may isang bagay na nagkakapareho para sa lahat, lahat tayo nakakaranas ng sakit. Hindi lang minsan sa buhay ng isang tao ang makaramdam ng sakit, hindi mo rin masasabing hindi ka masasaktan kahit alam na alam mong memoryado mo na ang isang bagay na iyong ginagawa. siguro pwede nating tawagin na destiny yun. Oo, destiny mo na masaktan...para gumaling. Wala namang sakit na hindi natatapos...siguro nga tama sila, walang forever, at lahat nagbabago. Bago pa ako mapunta sa ibang bagay, gusto ko lang talaga sabihin na masakit...Gusto ko na nga minsan sabihin na sanay na ako masaktan, kasi katulad ng sinabi ko kanina, kahit pa saulado ko na lahat ng mga naranasan ko before, hinding hindi ko padin masasabi na di ako masasaktan. I've been through a lot of relationships, ...

Kaibigan

Madami kang makikilala sa buhay, may mga taong alam mong mamahalin mo, mga taong magtatagal sa buhay mo dahil alam mong magiging kaibigan mo sila dahil sa napakadaming rason o di kaya maraming darating sa buhay mo para turuan kang bagay na di mo matutunan sa iba.. Masasaktan ka, maliligayahan ka, pero higit sa lahat, matututo ka sa lahat ng mga taong nabanggit. Sisimulan ko na lang yung kwento ko sa salitang..akala. Hindi ko kayang simulan 'to ng masaya, kasi alam ko naman sa simula palang na sumugal na ako...minsan di ko alam kung kelangan kong pagsisihan na nasayang yung pagkakaibigan namin nang dahil lang sa akala kong magiging ok ang lahat. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na handa ako kung ano man maging kahihinatnan nang pinili kong desisyon...ang mahalin ang matagal ko nang kaibigan. Masasabi kong kilala ko na sya ng matagal, alam nya lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, sa sobrang daming inuman na pinagsamahan namin ay naikwento na namin sa isa't isa ang bu...

Melting Pot na inuuod

Di ko maintindihan bakit ang utak ng ibang tao eh hindi mo maarok kung totoo nga bang nag iisip sila o hindi. Parang si Mar Roxas. ganung style.Ang hirap arukin bakit sila ganun. Anyway, napa blog lang naman ako today dahil sa sikat na issue ngayon...ang pagkaka hack ng COMELEC site, kung saan lahat ng rehistradong mga botante ay nakalagay dun, kasama nang kani kanilang impormasyon. Feeling ko wala naman talaga ako karapatang magsalita dahil hindi ako botante, alam kong kasalanan ko to sa aking bayan na sayangin ang right to suffrage ko.Ngunit, sublait, datapwat, karapatan ko din namang piliin na wag na lang bumoto, dahil sa madaming rason na di ko na kelangan isa isahin pa dahil hindi naman yun yung totoong motibo ko ngayong araw. Yung nang hack sa site eh, 23 year old fresh grad ng IT. tangina! fresh grad mehn! nung ganung yugto ng buhay o eh ang alam ko lang gawin ay kumain at magmukmok dahil broken hearted ako! tsk. tas sya bigtime yung sinubukan nyang i hack..COMELEC. sana lapt...

Independent Hearts Day

Netong nakaraang weekend, naging masyadong abala ang mga tao lalo na ang magkakasintahan kung saan sila maglalambuchingan at mag ddate sa araw ng mga puso... Samantala, naging abala din ang mga single sa pagpaplano ng kanilang gagawin upang palipasan ang araw ng mga puso, Dalawang magkaibang sitwasyon sa buhay ng mga tao..At dahil sa isa ako sa mga single na ang ginawa lang eh kumain at matulog,heto ang ilan sa mga napansin kong kaganapan sa aming paglalayag ng aking kapatid sa araw ng kalayaan, ng mga puso pala. Unang una, hindi traffic. Bakit kaya? o sadyang magaling lang ako sa pag chempo ng aking paglabas ng bahay? Dumaan ako sa EDSA, dumaan ako sa Marcos Highway, dumaan ako sa Aurora, dumaan ako sa Kamias, sa Katipunan at kung san san pasikot sikot...walang badtrip na traffic! Isa itong milagro na marapat itala sa ating mga diary, dahil minsan lang ito mangyare sa tana ng ating paghihirap. Ikalawa, ang mga sinehan at jampacked! matindi, akala mo may pila ng libreng big...

Maiksing Hugot

Minsan lang ako makasulat ng matinong konsepto tungkol sa pag-ibig, at sa minsan na yun, maiiksi pa ang kaya kong panindigan. Tulad na lang... Yung pag ibig ko para sa kanya, parang ulan. Pag umulan, pakiramdam mo di na mauubos, minsan malakas, minsan ambon lang. Pero pabalik-balik...mawala man, maya-maya, andyan na naman. Alam mong babalik. Saan nga ba napupunta ang ulan? Parang pag ibig sa taong wala namang balak saluhin ka...babagsak ka na lang kung saan. Masakit nu?