Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2011

Ang Pinuputakteng RH Bill

Ang tagal na nito friend! Hanggang kelan ba to pag dedebatihan (debate ang sinasabi ko dito ah)? Kung si Miriam lang presidente nakoooo! Sana nga! Pero dahil ngayon ay hindi, pag usapan na lang natin ang RH Bill. Ang huli kong nabasa e ito, ‘Masturbation is not murder’ sabi ni Miriam Defensor-Santiago kay Juan Ponce-Enrile. Kasi sabi ni Enrile, sperm and egg cell already has a life on their own. Alam naman natin na ang nagsusulong ng bill na ito ay si Santiago at kasama nya dito si Pia Cayetano. (wala talaga akong galang sa mga senador?) Ayun nga, kaya sinabi ni Santiago na hindi naman murder ang masturbation dahil, in order to create a life, fertilization needs to take place. Kelangan ng union ng sperm at egg para masabing may buhay na nabuo. May point naman si Santiago e. Di lang siguro masyado naka-aral ng Anatomy and Physiology si Enrile. Samantalang ang senador na gusto ko sana maging presidente e inanalyze nya ng husto ang puntong gusto nyang isulong. Sa totoo lang gusto ko ang ...

The Greatest Lesson my Mother taught me

*Not mine; kay Ms. Ellaine Marianne Boseta to..:)) Maganda ee.,:) For almost nineteen years of my existence, I never had he chance to meet my father. If ever I would stroll around malls or any other places and suddenly passed in front of me, and if ever our eyes meet, I would never know that the person I exchanged sigh with was my father. I do not have any idea or a single memory about him. But there is only one thing I know and I am certainly sure of, he left us behind, may before some reason that I do not know. When I was eight years old, my mother had to work abroad to earn for a living. Since then, I lived with my grandparents, and we only get the chance to spend time with each other for a month, out of twelve in a year. When I was fourteen years old, my mom resigned from her job, in Saudi and tried to work here. I was very happy because she was finally here with me. W spent most of the time playing with each other, cuddling, cooking together, exchanging stories, laughing at each...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

MASAKIT.MAHIRAP TANGGAPIN.INTINDIHIN.PAG-IBIG NGA NAMAN.

Sa buhay, alam nating lahat na may hangganan. Pero ang hindi natin alam, hanggang kelan..kung iisipin mo, ang katanggap tanggap na edad para mabura ka sa mundong eto yung mga panahong , uugod, ugod ka na..dahil, nabuhay ka na ng maraming taon at marami ka ng bagay na natamasa at naibahagi sa buhay mo. Pero ang mawala ka sa lugar na kinatatayuan mo ngayon, ng 19 years old??hindi ata masaya yun. Alam kong may sariling isip ang mahal kong pinsan para gawin kung ano mang naisin nya, buhay nya yun,may sarili syang pag iisip kung ano ang tama at mali. Ngunit, sa mga panahong madilim ang kanyang pag iisip, may sakit na nararamdaman sa puso nya at galit na di nya kayang pigilin, ano bang madaling pag alis sa mga problema? Sapat bang kitilin mo ang sarili mong buhay para instant wala ka ng problema? Ang masakit , ni hindi sya nakakitaan ng kahit anong sign na sya'y naghihirap. Isang masayahing pinsan, makulit na kapatid, sutil daw sya kadalasan, mahilig tumawa, gusto nya masaya ang mga tao ...

LISTEN. LAUGH. SAVE them on your MEMORY Bank!

Bago ang lahat, may gusto akong sabihin, ang mga nakalagay dito ay hindi panlalait o kahit anong uri ng paninira sa mga taong napag rinigan ko neto. Ang akin lang naman e, pinasaya nya ang araw ko, tumindig ang aking mga balahibo ng aking silang marinig, tumaas ang aking blood pressure nung sila ay aking maulinigan at kinilig ako sa di maipaliwanag na paraan. Kaya heto na, simulan na natin… Simula ng tumira ako dito sa Lungsod ng Maynila e takot na talaga ako sa Quiapo. Hindi ko rin alam ang dahilan pero pakiramdam ko ito ay isang mundong iba sa aking kinagagalawan ngayon. Pupunta ako sa Intramuros noong araw nay un, sumakay ako ng may Pier 15 na nakalagay sa jeep. Habang papalapit kami sa Quiapo konti na lang kaming pasahero ng naturang jeep, at ng tumapat sa Quaipo church binggo!! Ako na lang ang nasa jeep, kaya binalik ni kuya ang bayad ko at sabi nya bumaba na ako at sumakay sa ibang jeep. Bumaba ako na may takot sa aking dibdib. Tumingin sa paligid, bumilis ang tibok ng aking pu...

PARA SA MGA 'ORDINARYONG' STUDENTS!!!MABUHAY!

NOTE: Ang nakalathala sa artikulong ito ay hindi ko pag-aari at nabasa ko lamang sa page ng isang kaibigan na hindi rin daw sa kanya...nabasa din nya sa iba.haha..so yun..kung sino man ang gumawa nito saludo ako sa yo at ang lakas ng loob mong mamakyu dahil may karapatan ka naman eee..:) This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering. Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan. Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang...
ENRICH YOUR VOCABULARY. Para sa ikauunlad ng Pilipinas at ng ating mga sari-sariling buhay..sana ay magkaron ng libreng scrabble board game at maliit na dikshonaryo sa mga chichirya na nabibili sa ating mga suking tindahan..hahaha..wala lang.naisip ko alng..nakaka exercise kasi ng utak tong larong to. Kelangan mo mag isip kaya tatalas ang pag iisip at madadagan pa ang ating mga word sa ating bangko ng mga salita..Wala akong maisip kaya eto na lang.hahaha..sa susunod ulit pag nakaisip ako ng mga kakaibang bagay..Kanina nung naka sakay ako sa jeep may dala akong bulaklak..nakatingin ang mga tao sakin..Hindi ba normal yun? Parang kanina lang sila naka kita ng bulaklak ee..hmp..Isa yan sa mga ugali nting mga Pilipino..hilig natin mag-stare sa ibang tao kahit alam naman natin lahat ng IT'S RUDE TO STARE!!

STAIRWAY TO WHAT?

Man is a social animal. Sabi yan sa mga libro at kahit saan. Dahil dyan may sasabihin ako dahil sa nakita ko. Walang relasyon ito sa gusto kong sabihin, gusto ko lang isama yun para kunware magaling.:) Sa isa sa mga araw na ako’y masayang naglalakad sa mall na sikat sa gawing araneta, cubao. Sa lahat ng malls, di mawawala ang escalator, bibihira ang elevator at kahit anong building pa yan may hagdan yan! Aakyat ako…dismayado ako ng Makita kong di gumagana ang escalator na paakyat malapit sa fullybooked. Iniisip ko kung dadaan ako sa kabila o maghahagdan na lang ako na katabi lang naman ng escalator na sinasabi ko. Kung tatanungin ako, ayoko kasi umaakyat o bumaba sa escalator na di umaandar, di ko alam bakit, basta di ko lang feel. Di naman kasi talaga yun ang use nya e. So yun nga nag hagdan ako! Mapapansin, di lang naman ako nakakapansin nito, ikaw din at lahat ng tao, at minsan siguro sa buhay mo, ginawa mo rin to! Yiheeee.! Di mawawala sa hagdan ng isang mall, ang mga lovers na nak...

PULL OVER

Sa mga simpleng araw na maulan at masarap lang mag –stay sa bahay at uminom ng kapi, naimagine ko ang mga oras na nakasakay ako sa dakilang jeep ng Pilipinas,J oo mahal ko ang jeep, kaya nga sa mga susunod na panahon e bibili ako ng jeep ko… Kaya, ang gusto ko na naman ngayon ikwento at bigyang pansin ay ang mga pasahero ng jeep. Tama na at binigyan na natin ng recognition ang mga drivers, oras na para pansinin ang mga suki sa pagsakay n gating patok. Unang una sa lahat, ang jeep ay isang pampublikong sasakyan, maybabayad ka ng minimum na walong piso para makarating sa gusto mong paroonan. Isa ang driver nito, at may ilang bagay syang ginagawa ng sabay sabay. Una, nagmamaneho sya sa rutang nasa gilid ng kanyang jeep, ikalawa, tumatanggap sya ng bayad mo at nagsusukli kapag wala kang barya pang bayad, ikatlo, nakikipag kwentuhan sa katabi nyang pasahero ikaapat, mag iisip pa sya pano nya mapupuno ang jeep at maka boundary at makapag uwi ng pancit sa kanyang pamilya. Madami. Pero bilang ...

BABAE NG PANAHON KO

Sa panahon ngayon, pag pinag usapan ang tao, may apat na klase nay an; babae, lalake, juding at shiboli. Pero, naisip ko dalawa padin yun, kasi yung isa nagpapanggap na babae ang isa e nagpapanggap na lalake. So, sige dalawa lang; babae at lalake kasi ayun lang naman ang ginawa ng ating Creator. Ngayon, ang gusto ko lang naman isulat ay tungkol sa kababaihan at ang mga ‘kapansin-pansin’ na mga characteristics nila. Dahil usually, English ang mga ganitong topics, ginawa ko ng tagalong para mas cute basahin. Una, ang mga bagay na mababasa dito ay observations ng mga kalalakihan na nagbibigay sa kanila ng malaking katanungan bakit ganun ang mga babae. Susubukan ko lang bigyan ng rationale. At wala akong intension manira ng tao, I am simply stating my views and I have my freedom to express myself.:) Di ko alam pano to simulan pero sige, ganito na lang. Imagine: Nasa jeep ka, sa pagkakaupo mo, iba iba ang iyong makakasama…at hinding hindi mawawala ang mga mag-ddyowa. Kasama na yan sa pagsa...