Skip to main content

Posts

Showing posts from 2013

ESKINITA SA UTAK NA LIGAW

Sa susunod na buwan ay isang taon na akong nagttrabaho sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Anong kataka-taka dun?Sa bilis kasi ng panahon ngayon ko lang naisip na sa halos 2taon kong pagttrabaho nakapasok ako sa 5 kumpanya na iba iba ang trabaho. Di ko masasabing proud ako dahil ibig lang sabihin nun di ko kayang tumagal sa isang trabaho. Pero naisip ko di naman ako may gusto na lumipat ako,ang salarin ay ang nagluwal sakin. Hindi ko sya sinisisi dahil sa lahat nang naging karanasan ko ay natuto ako maging matyaga at makisama sa iba'r ibang klase ng tao. Sa lahat ng mga taong nakilala ko may samu'r saring kwento akong nalaman, at isa ito sa masasabi kong proud ako. Sa bawat pagsubok na magdaan hindi na ako natatakot na gumising kinabukasan, sa halip sasabihin ko pa na 'bring it on!' kasi sa bawat problema may solusyon. wala pa ata akong nakitanh problema na walang solusyon. Marahil minsan hindi naiisip ng tao ang lahat ay pagsubok lang at ang mga sagot sa tanong ay n...

ABANGERS IN THE MAKING

"bakit di ko kayang sumulat ng bagay bagay tungkol sa pag-ibig?", tanong ko yan sa sarili sa tuwing bubuksan ko ang blogsite na to. Di ko alam bakit, siguro dahil kahit sa blog ko mismo ayoko ibinyag ang mga sikreto ng aking malusog na puso. hahaha.. Ako na ata ang pinaka-adik na abanger sa balat ng tubig! Patuloy kong inaabangan ang aking mga (fingertips)..daliri ( na lang) kung kaya nya tumipa ng tungkol sa damdamin ko tungkol sa pag-ibig. ****************************************************************************  **************************************************************************** Dahil inaasar ako ng isa sa aking mga kaibigan sa daigdig ng internet, gumawa na ako ng isang blog para sa kanya. gniusto mo to! WARNING: puro imbento ko lang ang lahat.wag kang maniwala. Bilang isang abanger, marami ang maari mong abangan? Una na sa listahan si Shomba (Hit google and check out who's shomba!*highly recommended*) Ikalawa, usually ang inaabanga ng ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

ASEXUALITY

Dahil sa panonood ko ng House MD, may isang episode na hindi naman totally about asexuality pero kung nanonood ka ng nasabing show, may naging pasyente si Dr. Wilson na magandang babae na may bladder infection. Sa larangan ng panggamot (ng mga doktor) isa sa mga di dapat kalimutan ng isang healthcare worker ay ang pagkuha ng history (kasaysayan?). Sinabi ni Dr. Wilson na maaring buntis sya kaya mag ppregnancy test sya, ngunit tumanggi ang babae at sinabing hindi sya kailanman mabubuntis dahil di naman sya nakikipagtalik sa kanyang asawa kahit kelan sa sampung taon nilang pagsasama. Tinanong ni Dr. ang dahilan, sabi ng babae: "We kiss, we cuddle...but we don't have sex. I'm asexual and so is he." Kasabay ng pag focus sa reaksyon ni Dr. Wilson, sabi ko na lang ay isang malaking "OH?". Minsan sa pagaaral ko ng Nursing noon kolehiyo ay paminsan minsang nababanggit ang asexual...reproduction ng mga bacteria. Pero hindi ko ata maalala na may naituro samin na ase...

MABABAHO ANG MGA ZOMBIE

Sa mga oras na di ako makatulog at naisip kong yakapin ang keyboard, madami akong hinagpis na naiisip at nailalagay sa site na to..Maaring gutom lang ako o inaatake ako ng kawalanghiyaan, ewan ko...Pero isa sa mga bagay na sumagi sa mura kong isipan ay ang. ZOMBIIIIEEEEE--isang matinding pag iipon ng lakas ng loob at tapang ang pagkuha sa litratong ito.natatakot akoooooo!:/ Ang mg Zombie nga ba ay totoo? Dahil sa takot sa mga zombie at napapanaginipan ko pa sial, naisipan kong magsaliksik kung maari nga bang maging isang zombie ang isang tao. May isang website na nagsasabing may limang dahilan o maaring pagmulan ang pagiging zombie.. link: http://www.cracked.com/article_15643_5-scientific-reasons-zombie-apocalypse-could-actually-happen.html Isa sa mga nabanggit na maaring maging sanhi ng pagiging zombie ay ang organizsmo na tinatawag na toxoplasmosis gondii, na maari lamang maka apekto sa utak ng daga. Nabubuhay ang organismong ito sa bituka ng pusa. Kaya walang d...

INVERSELY PROPORTIONAL

Tuwing buwan ng Mayo papuntang Hunyo, lagi na lang problema ng bawat magulang at estudyante ang pagtaas ng matrikula. Todo kayod ang bawat magulang upang matustusan ang pag aaral ng mga anak, ang mga estudyanteng naghihirap upang mapag aral ang sarili,. Ngunit ang pagtaas ng tuition fee ay tila bagyong di natin kayang pigilan ang pag taas ng bayarin sa mga eskwelahan. Naipabalita na ang pinayagan lamang ng CHED at DepEd ay ang mga pribadong mga eskwelahan, ngunit ang di natin alam ay ultimo mga mabababang paaralan ay may mga dagdag pabigat din sa bulsa. Masasabing hindi daw ito tuition fee hike dahil wala naman silang pinapabayarang "tuition" ngunit, ang mga bagay na di naman nararapat singilin sa mga mag aaral tulad ng "boluntaryong" pagbibigay para sa maipaayos ang table ni ma'am ay isa sa mga responsibilidad ng gobyerno.May mga dagdag bayad, datapwat mayroon nga bang epekto sa kalidad? Isang tanong lamang ang sumagi sa aking isipan, mayroon nga din bang HI...

TANONGTONGSKI

Paano mo maikukubli sa katabi mong gwapo/maganda na najjebs ka na? :/ Nais ko sanang makarinig ng mga kwentong muntik ng ma jebs sa mga oras ng kagipitan.Dahil isipin mo nang sinungaling ako pero di ko pa talaga yung nararamdaman..:p

PAGBABAGO NG TINATAWAG NATING KALALAKIHAN

Nung mga panahong ako'y nagdadalamhati at di na ako nakakapag post ng kalokohan sa lugar na ito, may isang kapansin-pansin na ugali ang mga lalake sa panahong ito na aking ikinagulat. Noong unang panahon, itinuturing na ang mga kababaihan ang mahilig sa chismis, magkalat ng chismis, pag usapan ang buhay ng iba, at alamin ang pinakahuling balita tungkol sa kapit-bahay, katrabaho, kulasisi ng kapit-bahay nyo, kaibigan ng ninong mo, syota ng nakilala mong poser sa facebook. Ngunit sa henerasyog ito, ang paniniwalang ito ay pawang chismis na lang din.. Isang araw habang ako'y abala sa pag iisip sa bagay na bumabagabag sa aking isipan, narinig ko ang aking katrabaho kausap ang isa pa naming ka opisina na bagong dating. Kuya Toto: Oh, pare!kumusta? Anong bagong chismis? Kuya Butoy: Pare, alam mo ba yung taga-chukooo na babaeng sexy?.... (di ko na pinakinggan ang kasunod, baka magulat din ako sa binalita nyang may syotang shibuli bangbang yung sexy na babae na crush nila.:p)...

NILUMOT.

Matapos ang ilang dekadang pananahimik, narito ay inihahandog ng Star Powers of Intergalactic Imagery of the Supersonic Megaloblastic Anemia in a Nutshell Among Many Reasons You Have to Leave the World of Idiocracy and ....wait a minute pwede bang pakiulit sabi ni Chito? Anong nangyare?Saan nanggaling ang lahat ng mga salitang aking nabanggit?Saang baul naibaon ang mga litratong dapat ay nasa social networking sites? May nababaliw..Na-excite sa pagbabalik...Akala ko nilumot ka na... In short: may ginagawa lang ako saglit kasi may iipost akong bago.:)

Meron akong kwento...

Sa oras na di alam ang iinumin para makatulog, ikaw na lang kakausapin ko keyboard..Tipakssss!Imbentong malupet sa oras na nakakinip! Ang kwentong ito ay sumasalamin sa buhay ng isang novice nurse... ERASE. hindi pala to kwento...ano nga ba...sanaysay..magsasalaysay lang ako saglet.. Isang araw sa buhay ni...(isip pangalan) Wasabi (walang basagan!yun flavor ng kinakain kong chuchirya ngayon!) na isang nurse na kakakuha palang ng lisensya sa PRC, mainit init pa sa wallet nya, nag apply sya sa isang pribadong ospital sa may Sta. Mesa...(fast forward) natanggap sya ay pumirma ng kontrata na papasok sya ng 5 araw sa isang linggo at 8 oras sa loob ng isang araw.Nasa kontrata. Excited si Wasabi sa unang araw ng kanyang pag dduty...Dala ang kanyang bag, laman ang baby calculator, konting kodigo sa mga formulas ng pagkkompyut ng gamot at iv fluids, bandage scissors, at makukulay na ballpen, tinahak ni Wasabi ang kahabaan ng Aurora Blvd hanggang makarating sa V.Mapa. Pak!sakay ng jeep, ...

ANO NANGYARE???

Marso na, bakit wala man lang akong nailagay sa nakaraang dalawang buwan? Akala ko ba ginagawa mo to para umayos ang utak mo? Ewan ko din..Magulo.Masalimuot ang utak. Di alam saan, paano, bakit, ano ba dapat unahin? Diyos.Pamilya. Una-unahan lang yan..:) Naalala ko, nagliwanag, may tumawag sa pangalan ko...bakit? E kakain na daw pala... Mahirap ipilit ang bagay na di naman para sayo, pero pano mo naman malalaman na hindi pala para sayo ang naturang bagay kung di mo pa naman pala nasusubukan... Takot. Saan? Hindi ko alam, bakit at saan...Fear of the unknown kung baga...Wala naman daapt katakutan kasi wala ka pa naman ginagawa. Bakit di mo muna kaya subukan bago ka matakot? Ano ba ang nakakatakot? Multo? Di ka naman papatayin nun, pwede sa nerbyos...Bata ka pa, ekisan ang naunang ideya... Takot sa sasabihin ng iba... Bakit matatakot? E pede ka naman rumesbak? Masama yun... Sino nagsabi? Konsensya mo?Sino ba konsensya mo?Ikaw lang din naman nagsabi nun... Bakit di m...

Coming Soon..:))

Isang kwento ng pag-ibig... tttteeeeaaasssseeeeerrrrr..:) Ang buhay, 'ika nga ay parang gulong na umiikot, ipapanganak ang sanggol, lalake, magkakamuwang, makikipagsapalaran, iibig, magkakapamilya, magkakasakit, tatanda, mamamatay. Isang siklo na walang pinagkaiba sa bawat tao. Pagkabuhay-pagkamatay. Ano nga ba ang mas matimbang sa dalawa? Wala sa dalawang salita ang sagot...nasa gitling. Isang aspeto sa pagtahak ng tao sa daang kanyang pinili ay ang umibig. Hanapin ang taong magbibigay ng kakaiba at mabilis na tibok ng puso. Ang taong magpapabago ng isip o iyong pananaw sa kasabihang 'love conquers all', ang taong iyong ittext ng walang sawa kahit kasama mo lang sya kanina, yung taong magbibigay sayo ng sobrang pagkamuryot at panggigigil na gusto mo na syang lamukusin sa inis na parang papel at basain para kusa na lang sya mapunit, pero patatawarin mo dahil mahal mo... Sya ang taong magbibigay ng iba't ibang kulay sa gitling ng iyong buhay... ---- *existe...