Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2016

Red Horse will never taste the same..

Today is..day 7.Ang bilis ng araw.1 week na pala yun.. Nung unang panahon, I accidentally met someone who craves and appreciates alcohol the same way I do (until now kasi same padin appreciation ko). I'm really not sure how it all started, I mean the almost monthly beer sessions which led to a higher frequency of drinking..ano daw? hahaha. Well, hindi ko rin naman alam na sinasadya nyang yayain ako ng madalas uminom, until he confessed na sinasadya talaga nya yun para makasama ako. He became the bestfriend and beer buddy that I needed during the times I was so broken from loving someone who freakin destroyed my human heart. Yung mga inom naming by group nalessen ng nalessen yung tao, hanggang sa nag iinom na lang kami ng dalawa lang kami. Na hindi ko din malaman san kami nakakakuha ng mga kwentong pwede mapag usapan ng umaabot hanggang alas singko ng hapon. Nangungutang pa nga kami sa malapit na suking tindahan para lang makainom sa the place to be. Di ko alam kung ganun ak...

Bits and Happy Pieces of my Day

I don't know what's with today but my bosses kept on telling so much good things, that I can't even fathom what I did to make all these happen. Such words would definitely make your head spin, and smile from ear to ear, like a crazy clown. :p "it's ok you're still my win for today" --- "I heard that you did well during your client call earlier.." "No, I did not,I thought Toot's not there, coz he's not talking" "Eh he said you already covered everything, you did not give him a chance to say anything else. You know what, I already know that you're going to perform well. I saw it from the day I interviewed you. Although, the only thing that I can see that would be a problem, is when your heart takes over your mind. But other than that, I am very pleased." (pati ba naman sa work? hahaha. syempre dapat puso padin.charot lang) Although, my 1st account would be dissolved na agad even I haven't warmed my...

Like a fcuking Fool

Dahil napapanahon ang Begin Again..damang dama ko eh. Peburit song of the day: Like a Fool We take a chance from time to time And put our necks out on the line And you have broken every promise that we made And I have loved you anyway Took a fine time to leave me hangin' out to dry Understand now I'm grievin' So don't you waste my time Cause you have taken All the wind out from my sails And I have loved you just the same We finally find this Then you're gone Been chasin' rainbows all along And you have cursed me When there's no one left to blame And I have loved you just the same And you have broken every single fucking rule And I have loved you like a fool Yung pikchur na beach at buko..walalang yan, trip kolang ilagay. namimiss ko na mag beach eh. Ganda nu? sa Calaguas yan. <3 heart heart.

Wen Apay

Hindi ako lumaki sa probinsya, hindi ko masyado naranasan magtatakbo sa pilapil at magpaka spiderman umakyat ng puno.Ni mag bike nga di ko alam!maryosep! Dito na ako lumaki sa Kyu to the Si. Pero nakakaintindi ako ng panggalatok, some bisaya, some japanese at gay lingo. Tuwing nakakarinig ako ng mga mag ffriends na nagsasalita ng panggalatok o kaya ilocano, which is main dialect sa Pangasinan kung san ako pinanganak, natutuwa ako. Kahit di ko naiintindihan, gustong gusto kong naririnig. Kung may alam man akong mga salita, ang awkward naman pag ako nagbanggit. Tunog may kinain na inaamag na tinapay. hindi kaaya aya!nakakatawa ganun. hindi maintindihan paminsan. kasi iba yung bitaw. mas magaling pa ako magmura kesa mag panggalatok eh! Minsan sa buhay ko, me ilokano akong nakilala. tuwing naririnig ko syang me kausap na ilokano din sa office, na eentertain ako,. parang mga alien na nagteleport dito tas nag uusap pano kkidnapin at dadalhin sa planeta nila yung mga nangungulangot sa ng ...

Sining ng Pagmumura (tagalog para INTENSE!)

Madami nang nasusulat tungkol sa sining ng pagmumura or! art of cursing..pero bilang gaya gaya puto maya, syempre gagawa ako ng sarili kong edisyon. Bilang isang fluffy earthling na late bloomer sa usapang pagmumura sa ating sariling lenggwahe, naabot ko na ang rurok ng tagumpay kung saan, alam ko na ang tamang bagsak, iba't ibang intonasyon na naayon sa sitwasyon at ang tamang bigkas ng bawat salita. This is not your fucking average shit. Warning: Profane words in this article may offend the conservative, and I would like to ask you to discontinue reading, step out of my site and shut the fuck up. *sinaksak ko yung charger ko, nawala na naman yung train of thought. lecheng thought organization eh deputa. Hindi ko na lang buburahin yung mga hinto ko, para malaman ko kung gaano kahaba o kaiksi yung attention span kong parang isang linggong pag ibig,..Oh kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo'y sadyang kay bilis diiiiin..:p loveee eettt! Minsan mahirap mag research...

Suicide..not the squad

I've been wanting to write about depression, suicide and self-destruction for quite a while now, but my ideas just won't fit perfectly together. So, I thought of just writing my initial thoughts and add or edit this when my brain's got a clearer perspective on the issue. --- Hindi ako doktor o espesyalista na kayang mang diagnose ng depression. Sa panahon ngayon, kapag sinabihan kang depressed, good as sinabihan kang nababaliw. Kaya sa ibang bansa, maingat ang mga tao na magsabi ng ganto patungkol sa iba. Although, sa ibang bansa, mas open sila sa pagsasabing magpatingin sila sa espesyalista para matulungan. Dito sa atin, dalawa lang ang sanhi ng hindi pagpapatinginng ating mental health. Una, hindi naman tinuturing na sakit ang depression ng maraming tao, lungkot lang yun, na pwedeng mawala at lumipas. At dahil hindi naman ito na pperceive as matinding sakit, aksaya lang ng pera kung magpapatingin pa sa doktor. Ang mahal kaya ng professional fee nila. Ikalawa, ang atin...

I found Peace...

For some reason, sa bawat araw na matatapos,hinahanap ko 'tong page kong 'to..ewan, wala naman ako masyadong ideas. Pero madami akong nararamdaman. May ganun ba? Parang kanina, sumakay ako sa MRT. Maambon nung naglakad ako, maambon nung nasa loob ako ng tren..pero peaceful naman yung isip ko. Wala akong ibang nasa isip, tinitignan ko lang yung mga tao, yung ulan, yung paligid na sobrang yamot dahil sa hassle ng pagbyahe pag umuulan. Andami daming mga bagay na nangyayare, habang ako,yung isip ko, sobrang payapa. Masyado ata akong mabait kahapon at sinagot na agad ni Lord yung wish kong peace of mind nung birthday ko. :) Ayun lang naman winish ko. Gusto ko lang nang katahimikan sa mga bagay bagay na nagpapaiyak sakin. Kanina naramdaman kong, pwede na ako magsimula. Kinaya ko na ngumiti (nagselpi pa nga ako! pinost ko sa IG, check it out. charot!) nang dahil sa masaya ako. Nang hindi dahil sa kanya. Simula ngayon, babawasan ko na mag sulat ng tungkol sa kanya. Pero mahirap ...

The Inevitable Day

Hindi ko alam bakit ako yung taong hindi ako naeexcite para sa sarili kong birthday.. Pero ako yung taon, maeexcite ako mag plano o magtanong tungkol sa birthday ng iba. Ang gulo ano? Ilang araw na akong nalulungkot, sa dahilang nakakapagod na itype at mga rason na hindi ko naman kayang i type..:p Saturday. Andami ko na agad iniisip bago pa man ako umuwi. Sumakay akong bus pauwi. Napaka peaceful, uneventful din. Wala akong hirap na umuwi, although, pinawisan ako na para akong nagmamantikang karne sa init ng mantika ng EDSA. Birthday ko na mamaya, namimiss ko padin sya. Anak ng bakang sakang!! di pa din nanahimik yung puso ko at utak kong napaka kulit. Magtigil ka na please. Maawa kana please, ayoko na eh. Nakakapagod na araw araw na lang aasa, mapapagod maghintay, mawawalan ng pag-asa kasi wala naman nangyare, matutulog na wala nang iniisip kundi sya, magigising na sya padin ang nasa isip. Panibagong araw na pag-asa na magbabago padin ang lahat. Pero hindi eh. Dumaan na lahat ng ...

Ang Sarap i Throw ng Thursday ko

Thursday. Wala naman espesyal na kaganapan sa buhay ko. Normal na araw para pumasok sa trabaho..sa Makati. bbyahe ako ng malayo layo,isang oras ang kelangan. Inaamin kong 45 mins lang naireserba ko sa oras ko, dahil nahirapan akong kumbinsihin ang sarili ko na maligo at maging kasapi ng mga produktibong manggagawang Pilipino. Nakasakay naman ako agad ng jeep, pero nung nasa EDSA Kamuning na ako? Anak ng pwet ng toothpaste!Walang LRT Ayala! Ano nang gagawin ko? Ang tagal..mga 7 mins ang naghintay..so nababawasan yung 45 mins na sinasabi ko kaninang reserba.Ikaw na mag compute. Nakasakay na ako ng bus. ok yung pwesto ko, katabi ni kuyang tinitignan yung paglalagay ko ng Vitress sa buhok ko. Elibs siguro sya...kasi walang nagbago sa buhok ko, naglagay pa ako.:p First instance ng pagmumura, bawat makita ni kuya driver na nilalang na nag aabang, hihintuan nya, bubuksan nya yung pinto. think positive! bawal sumuko. 9:25pm Lumagpas ng Farmers..walang aberya, hindi sya nag abang. ...

Sinusumpong na Alaala

Sa bawat araw na dadaan, kaya ko nang mabuhay sa ideyang hindi na kita pwedeng makita pang muli. Sa bawat araw na dadaan, natanggap ko nang wala na din pag-asa yung hiling kong makasama ka kahit sandali. Sa bawat araw na dadaan, hindi na ako katulad nang dati na sobra umiyak at magmukmok dahil sa sakit. Sa bawat araw na dadaan, kaya ko nang ngumiti, tumawa nang walang halong lungkot. Sa bawat araw na dadaan, pakiramdam ko, mas nagiging ok na ako nang mag-isa. Pero, sa bawat araw na maiisip kong nabubuhay na ako nang wala ka, natatakot ako.. Natatakot akong lumipas yung mga araw, linggo, buwan, at taon na matatabunan lahat ng alaala nating magkasama. Natatakot ako lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na mabuhay akong masaya nang wala ka. Natatakot ako lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na makalimutan mo ako at magmahal ka na ulit ng iba. Natatakot ako lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na maging parte na lang ako nang kaha...

Alamat ng Pakbet

Sa panahon ngayon, pag nabanggit ang salitang alamat, akala mo eh hinugot pa sa panahon ng dinosaur ang mga salita kung maka react yung sangkatauhan! Ganun na ba ka moderno ang ating pamumuhay at di na patok yung mga kwentong bayan? Wala kang karapatan sumagot ng oo hanggat hindi pa lumilipad ang mga sasakyang pandagat..(andaw?) Noong unang siglo ng ating planeta..yung tipong panahon ng homo habilis, may isang homo erectus na naligaw. Wait,parang mali? sa teorya ng evolution, mauuna ang homo habilis bago magkaron ng homo erectus. Pano sila nag party sa iisang panahon? aaaahhh.. kwento ko 'to! wala tayong pake. Tuloy.. Noong unang dekada kung kelan payak na namumuhay ang mag asawang daimos at voltes v, may isang binatilyo na nagngangalang..Pinakabet Ko Salahat. Oo, buong pangalan nya yan. Sya ay malimit na tampulan ng asar nang dahil sa kanyang hindi maipaliwanag na pangalan. Dati kasi, ang mga pangalan tipong, Chirubaru Bawaw, Iswagren Chipalitgi..Hindi nila alam, may malal...

Something sweet to start my month :)

At this point in my life..I'm not expecting anyone to whisper sweet words to my ear and kiss me like I'm the best damn thing that ever happened in his life. :p But, I guess receiving an honest opinion from someone in the higher ranks makes up for it.  "You know what I think about you, this is just my opinion..you have so much potential, like a big potential. Although, you have this very strong personality that people might mistake as being..parang your persona says 'I'll reach out to you if I need something, but if not, I know what I'm doing and you can't just mess with me'. You appear very strong, and sometimes that could be a problem. My advise is, try to mellow down and have an initiative to reach out." And my only reply was "how did you know that?" I think I wasn't able to give justice to what he said, but that's just what I can still remember..At first, I didn't think that that was a compliment..until now that I...

Masaya ka talaga?

Alam kong may masasagasaan akong mga damdamin sa isusulat kong 'to, pero buti na lang I am living in a free country and I have this page to freakin' express my sarcastic views and maybe kind of offensive opinion..to some people. Eto lang kasi yun..kanina meron akong nakita na nag post sa isang social networking site na kulang na lang gawin nating diary ng ganto: "MASAYA ANG SINGLE", in fucking bold and capital letters.  Unang una sa lahat, kung masaya ka, bakit kelangan mong i post at paniwalain ang mga tao na masaya ka? Ikalawa, usually wala namang pakialam sayo lahat, let me repeat myself, LAHAT ng friends mo sa site na yan. You have a thousand friends, lahat ba yan masaya para sayo? Well, di mo masasagot yan dahil ikaw nga mismo eh hindi kumbinsido na masaya kang single ka. Ikatlo, anong point ng pag ppost ng ganto kung di mo sinuportahan ng mga ebidensya na magpapatunay na masaya ka nga, para sulit yung pag ppost. Ikaapat, inamin mo na ba sa sarili mo na k...