Thursday.
Wala naman espesyal na kaganapan sa buhay ko. Normal na araw para pumasok sa trabaho..sa Makati. bbyahe ako ng malayo layo,isang oras ang kelangan.
Inaamin kong 45 mins lang naireserba ko sa oras ko, dahil nahirapan akong kumbinsihin ang sarili ko na maligo at maging kasapi ng mga produktibong manggagawang Pilipino.
Nakasakay naman ako agad ng jeep, pero nung nasa EDSA Kamuning na ako? Anak ng pwet ng toothpaste!Walang LRT Ayala! Ano nang gagawin ko?
Ang tagal..mga 7 mins ang naghintay..so nababawasan yung 45 mins na sinasabi ko kaninang reserba.Ikaw na mag compute. Nakasakay na ako ng bus. ok yung pwesto ko, katabi ni kuyang tinitignan yung paglalagay ko ng Vitress sa buhok ko. Elibs siguro sya...kasi walang nagbago sa buhok ko, naglagay pa ako.:p
First instance ng pagmumura, bawat makita ni kuya driver na nilalang na nag aabang, hihintuan nya, bubuksan nya yung pinto. think positive! bawal sumuko. 9:25pm
Lumagpas ng Farmers..walang aberya, hindi sya nag abang. May bantay pala.tuloy ang byahe. huminto sa me Annapolis. bumabagal ang daloy..Dumating ng Ortigas, tangina, inaabot na ng 99 ang bus, nakapila sya sa mahabang linya ng pukinginang bus. time check 9:32pm.
Umabot ng Starmall..Ok..hindi na gumagalaw. hindi ko alam bakit hindi gumagalaw, dahil sa kabilang lane, free flow..malaking espasyo, walang problema sa trapiko. etong putanginang linya lang talaga ng bus. Kung saan nagmamadali ka, dun ka pa susutilin ng kuya driver na halos pumito pa sa galak nyang nag aabang sya ng pasahero sa kahabaan ng EDSA.
Marami na akong kasalanan simula nung sumakay ako ng bus..madami na akong namurang opisyal ng gobyerno, may iba na ngang mga relihiyon akong na kwestyon. 9:46pm.
Sheeeeeet..nagmamakaawa na ako sa mga santo at mga relihiyoso na sana gorabels na ang bus nang hindi ako ma late!!!Pero sadyang makasalanan na ata talaga ako at hindi na dininig yung dasal ko. I'm fucking stuck in Shaw. Walang pag galaw, parang damdamin ko para sa kanya! time check 9:54pm!!!
Mas malala, wala akong load, di ako maka text sa boss ko. ang saya saya ng buhay.kung mamalasin ka nga naman, sabay pa sa sakit ng chan mo.buti na lang may konting awa pa sakin ang tadhana, may free data.
Nung mga panahong gumalaw na yung bus..10:03pm na. wala na.ayoko na mapagod magmura, kasi lahat ng inis na kaya kong maramdaman sa ilang minuto eh nakaya ko na nung mga panahong yun, kulang na lang kumanta na ako ng amanamin para lang mabawasan yung mga kasalanan ko at yung haybladsss ko.
Ayala na!! at 10:23pm na. ok napaka epic ng una kong late. 20 minutes and counting.
At ang pinaka masaya, pagbaba ko ng bus, nasa tapat ng building namin yung associate manager namin, so nakita nya akong hindi sya pinansin, kasi nga nagpanic ako.mawalang galang na lang kasi sorry na.:p
Time in. 10:26pm.perfect. alam na alam na dumating akong late.
So ginawa ko na ang lahat para maging normal na empleyado ng kumpanya, at umiwas sa kahit na sinong manager.
Nag CR ako..kasi napag alaman kong mukang pugad ng ibon o di kaya baboy ata ibig sabihin ng katrabaho ko bakit daw ganun yung buhok ko ngayon..parang di natitinag. Nagcr ako..nag lagay ng vitress sa palad..pagka pahid ko..ang bango..amoy strawberry sorbet..teka..kaamoy nya yung sanitizer ko..pag tingin ko sa nakabukas na maliit na bote sa tapat ko..putaaaaaa!!! sanitizer yung pinapahid ko sa buhok ko..
Ganun na ba ako kamalas?ganun na ba ako ka sabaw sa mga panahong 'to?
Idagdag pa natin yung buddy kong lumunok ata ng isang litro ng sama ng loob bago pumasok..lahat ng pwede laiitin sa kumpanya nasabi na nya. lahat ng makausap nya kung hindi animal, impakta. nakakatawa pero jusko..drained na yung baon kong positive vibes..di man lang ako binigyan kahit isang baso. haaaaaay.
Totoo talagang hindi araw araw pasko..kasi sa december lang yun..:(
Kakaiba masyado yung araw ko ngayon.stressful.Pero!!!weekend na at malapit na birthday kong andaming nagtatanong ano gagawin ko..wala!! depressed ako ngayon! wala akong balak gawin..gusto ko muna maging libag!!:( haaaaaay..sya lang pwede magsabi na happy birthday.charot! selfish.hahaha..

Comments