Sa panahon ngayon, pag nabanggit ang salitang alamat, akala mo eh hinugot pa sa panahon ng dinosaur ang mga salita kung maka react yung sangkatauhan! Ganun na ba ka moderno ang ating pamumuhay at di na patok yung mga kwentong bayan? Wala kang karapatan sumagot ng oo hanggat hindi pa lumilipad ang mga sasakyang pandagat..(andaw?)
Noong unang siglo ng ating planeta..yung tipong panahon ng homo habilis, may isang homo erectus na naligaw. Wait,parang mali? sa teorya ng evolution, mauuna ang homo habilis bago magkaron ng homo erectus. Pano sila nag party sa iisang panahon? aaaahhh.. kwento ko 'to! wala tayong pake.
Tuloy..
Noong unang dekada kung kelan payak na namumuhay ang mag asawang daimos at voltes v, may isang binatilyo na nagngangalang..Pinakabet Ko Salahat. Oo, buong pangalan nya yan. Sya ay malimit na tampulan ng asar nang dahil sa kanyang hindi maipaliwanag na pangalan. Dati kasi, ang mga pangalan tipong, Chirubaru Bawaw, Iswagren Chipalitgi..Hindi nila alam, may malalim na ibig sabihin ang kanyang pangalan.
Isang araw sa buhay ng mga naglalakad na sirena, nagising sa pagkakahimbing si Pinakabet. Gumising sya ng may ngiti sa kanyang mga labi, at nagsambit ng mga katagang, 'today, I'll be a better version of myself!'. Antaray! naimbento na pala ang Ingles sa panahong yun! Akalain mo diba? napaka sibilisado na ng mga tao nun! Hindi ito naisulat ng mga magigiting nating historians. Nag tutbras si Pinakabet at nag suot ng sapatos na gawa sa balat ng ahas, at nagpandong ng cowboy hat..mangangaso ang ating bida!
Habang sya ay naglalakad sa kakahuyan kasama ng kanyang alagang aso na si Tadayng, may narinig syang ungol ng hayop sa di kalayuan..
...AT DAHIL NA DISTRACT AKO SA MGA MENSAHE! NAPUTOL ANG PUNYETANG TRAIN OF THOUGHT.
TO BE CONTINUED..ALAM KO NA YUNG ENDING EH!LECHE.

Comments
to be continued anyway :)