Sa bawat araw na dadaan, kaya ko nang mabuhay sa ideyang hindi na kita pwedeng makita pang muli.
Sa bawat araw na dadaan, natanggap ko nang wala na din pag-asa yung hiling kong makasama ka kahit sandali.
Sa bawat araw na dadaan, hindi na ako katulad nang dati na sobra umiyak at magmukmok dahil sa sakit.
Sa bawat araw na dadaan, kaya ko nang ngumiti, tumawa nang walang halong lungkot.
Sa bawat araw na dadaan, pakiramdam ko, mas nagiging ok na ako nang mag-isa.
Pero, sa bawat araw na maiisip kong nabubuhay na ako nang wala ka, natatakot ako..
Natatakot akong lumipas yung mga araw, linggo, buwan, at taon na matatabunan lahat ng alaala nating magkasama.
Natatakot ako lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na mabuhay akong masaya nang wala ka.
Natatakot ako lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na makalimutan mo ako at magmahal ka na ulit ng iba.
Natatakot ako lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon na maging parte na lang ako nang kahapon mong pilit na nilimot.
Natatakot akong maging masaya..kasi gusto ko ikaw padin talaga. Ikaw padin yung dahilan kung bakit ako masaya.
Natatakot akong maging masaya..kasi gusto ko ikaw padin talaga. Ikaw padin yung dahilan kung bakit ako masaya.
Tuwing maaalala ko na mahal padin kita, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil tinanggap ko nang walang second chance, wala ng epilogue, wala ng part II, wala ng replay, wala ng..tayo.. Pero hindi ka pa kayang bitawan neto eh..
Sabi nga sa kanta ng Sugarfree.."ngunit ang kahapon ko, ay bihag padin ng alaala mo..."
tapos na sana 'to,
............nahinto ako sandali, sumilip sa fb. pukinginang fb talaga yan, pahamak sa buhay. Habang emote na emote ako dito, samantalang sya, wala man lang bahid na naiisip nya ako. Ang sadlak ng buhay.
alam ko sasabihin ng mga kaibigang oso: bakit hindi mo pa kasi i block? bakit mo pa kasi tinitignan?
sagot ko: dadating din ako sa puntong yan. kelangan ko pa ng oras.
minsan nakakalason ng utak magmahal. pero madalas, nakakagago magmahal ng gago rin nu? nakakapikon pero mahal mo padin naman. ironic ng life. sana naging unicorn na lang ako.:/
Comments