Alam kong may masasagasaan akong mga damdamin sa isusulat kong 'to, pero buti na lang I am living in a free country and I have this page to freakin' express my sarcastic views and maybe kind of offensive opinion..to some people.
Eto lang kasi yun..kanina meron akong nakita na nag post sa isang social networking site na kulang na lang gawin nating diary ng ganto: "MASAYA ANG SINGLE", in fucking bold and capital letters.
Unang una sa lahat, kung masaya ka, bakit kelangan mong i post at paniwalain ang mga tao na masaya ka? Ikalawa, usually wala namang pakialam sayo lahat, let me repeat myself, LAHAT ng friends mo sa site na yan. You have a thousand friends, lahat ba yan masaya para sayo? Well, di mo masasagot yan dahil ikaw nga mismo eh hindi kumbinsido na masaya kang single ka. Ikatlo, anong point ng pag ppost ng ganto kung di mo sinuportahan ng mga ebidensya na magpapatunay na masaya ka nga, para sulit yung pag ppost. Ikaapat, inamin mo na ba sa sarili mo na kadalasan ang mga pinakamasayang alaala sa buhay ng isang tao ay yung mga di kayang makuha ng kahit anong litrato, ng kahit anong paraan na maddocument 'to. Unless me personal photographer ka o di kaya personal na taga record ng mga gawain mo sa buhay. Ikalima, ang layunin ba nitong post na to ay para ipagkalandakan sa mundo na single ka at ready kang makipag mingle? O kaya mga taong dadamay sayo at mag ssecond the motion? mga hangal!! sana sinabi nyo na lang 'Im fucking actively looking for someone to share my happiness being single". Mga abnormal! pinaglihi sa tenga ng daga!(well walang konek yan, naisip ko lang bigla)
Medyo nadala na ako ng emosyon ko..ikapito, bakit ko ba 'to pinapakelaman? ano bang magaganap kung hindi ko pinansin, dahil una hindi naman to ikauunlad ng Pililipinas, ikalawa, hindi ko din naman ikayayaman na pinansin ko. At huli, napagod pa akong magalit at puta, andami ko nang nasabi dito sa page ko para lang ipagkalandakan din sa mundo na, hindi ako masaya para sa mga single na nag ppost na cnclaim nilang masaya sila. Mag post na lang sana sila ng pikchurs na masustansya..hahaha..
Wala naman talaga akong gusto ipunto..gusto ko lang talaga pansinin. Dahil kapag hindi ko 'to nilabas...sabi nga ni tito Sigmund Freud, 'suppressed feelings will resurface in uglier ways'. Soooooooo, bilang andami kong pake sa mundong 'to. Ang kinabbwisit kong mga bagay din ay may espasyo at karapatdapat na ilagay sa blog site kong lokbu. :)
Orayt! ikakain ko na lang to!:)
Comments