Skip to main content

Sining ng Pagmumura (tagalog para INTENSE!)

Madami nang nasusulat tungkol sa sining ng pagmumura or! art of cursing..pero bilang gaya gaya puto maya, syempre gagawa ako ng sarili kong edisyon.

Bilang isang fluffy earthling na late bloomer sa usapang pagmumura sa ating sariling lenggwahe, naabot ko na ang rurok ng tagumpay kung saan, alam ko na ang tamang bagsak, iba't ibang intonasyon na naayon sa sitwasyon at ang tamang bigkas ng bawat salita. This is not your fucking average shit.

Warning: Profane words in this article may offend the conservative, and I would like to ask you to discontinue reading, step out of my site and shut the fuck up.


*sinaksak ko yung charger ko, nawala na naman yung train of thought. lecheng thought organization eh deputa.

Hindi ko na lang buburahin yung mga hinto ko, para malaman ko kung gaano kahaba o kaiksi yung attention span kong parang isang linggong pag ibig,..Oh kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo'y sadyang kay bilis diiiiin..:p loveee eettt!

Minsan mahirap mag research..puta, nagtatanong ako ke google san nagsimula yung pag mumura, sasagutin ako ng Iglesia ni Cristo at Duterte. Wag ganun!! baka ipa salvage ako at matagpuan na lang sa isang masukal na lugar na sinuksok sa drum na puno ng tae. Wag ganun!!

Dahil inaamin ko naman na may flight of ideas ako, ikkwento ko na lang muna yung eksena pag uwi ko..Ngayon araw, pagod na pagod ako, as in pagod..mga 205% tired ako ganon. Mainit. Naka long sleeves ako, namumutakte na yung pawis ko sa lahat ng singit ng katawan ko, pero chill lang, kasi naka ribbon headband ako, dapat chil lang, di dapat halata na mnmura mo na lahat ng pukinginang nilalang na nagpapara at nagagalit sa driver, eh tinatabi lang naman nung kuya yung jeep. Ano to, pagka para nyo eh hinto agad? pero pag inihinto kayo sa gitna ng kalsada, nagagalit din kayo? gaguhan amputa!para kayong sya!! ang gulo kausap. hahaha

Ayun nga, sumakay ako ng jeep, mainit. antok na ako, pagod. at walang pasensya sa balat, nagkaubusan ng pasensya sa werk. me sumakay na mag lola. Ang kulit nung bata sa tabi ko. minsan hindi ako mahilig sa bata, at ang minsan na yun ay ngayon. gusto ko syang agawan ng ice cream ng magtigil.Dahil nagiging makasalanan na ako sa mga naiisip ko, bigla kong narinig.."love hurts, love scars, love wounds and marrrkksssss, any heart..."..naisip ko baka guni guni ko lang, kasi faint sound lang.. yung mga kasama ko namang pasahero parang walang naririnig. So shet baka nababaliw na talaga ako. Pero may biglang natauhan..yung lola nung bata. Nagrring pala yung selpon nya. Tangina. hahahaha..wala lang.natawa ako bigla kasi, nung napatingin ako sa kanya, paarang gusto nyang i deny na babae sya ganun yung dating. kahit alam ko namang kanya yun.

Anyway, mukang ako lang naman apektado nun sa jeep.

Maiba tayo. mabalik tayo sa pagmumura. Improving, instead of veering away from my original topic, I went back! just what I did for him. I came back for you. charot.hahaha.hindi pala masarap ang chichirya pag walang kaagaw.

Sino ba ang hudas na nakaisip na magmura? Ano yung out of nowhere, naisip nyang bwisit na buhay to punyetang putangina.. Bakit laging babae ang puntirya? pati ba naman sa pag mumura me sexism! me gender discrimination? nakarinig ka na pa ng putangama? son of a ...wait ano bang oppostibe ng bitch? basta. wala din namang fatherfucker..diba? sinong demonyo ang nakaisip na puntiryahin ang mudrakels nya? Ah baka yung naka imbento eh ampon! tapos tinapon sya sa kanal, tapos nabuhay sya dahil isa syang bionic baby. Tapos syempre galit sya sa nanay nya, kaya nasabi nyang, 'today, I'll make history and let the world know how cruel my mother is!'.Parang ganun. O kaya, pinaabort yung bata, pero sa kasawiang palad eh sumapi sa katawan ng iba yung kaluluwa ng bata..Wait di pa naman nakakapag isip ang baby diba? I mean..basta. hirap mabuhay.daming tanong na ang hirap sagutin. Parang yung nangyayare sakin na nagagalit sakin eh, isa lang naman akong normal na mamamayan, minsa produktibo, minsan hindi, mabuting anak, nagbabayad ng meralco at higit sa lahat, may paninindigan na 'what is done out of love takes place beyond good and evil'. diba? hahaha..charot!

Naiba na naman. Dumako tayo sa kung paano magmura. Sa lahat ng bagay. mas nagiging maganda ang resulta pag may feelings. So sa bawat bitaw mong putangama, lagyan mo ng emosyon. ng sundot sa unang syllable..ppuuuuutangama. ganyan. hahahaha..mukang tanga. joke lang syempre. hindi kapanipaniwala pag ganun.

Naisip ko bigla, nwweirduhan ako sa mga taong ayaw makarinig ng mura?mga hindot! akala mo ang lilinis. These are just words..invented by people. and we are all people here in this motherfucking planet. May mamamtay ba pag me narinig kang nagmura? o kaya magkaka buni ka ba sa ngalangala paga nagmura ka? According to studies, ang mga taong nagmumura, sila yung mga taong tapat at mas totoong tao. Walang tinatago, walang pag iimbot na sasabihin sayong punyeta ka leche hinayupak kang ulol ka, isara mo yung shit na pinto at baka lumabas ang erkon. Hindi ko lubusang maarok yung mga dahilan nila. Tsk. Kasi ang pagmumura, expression lang ng tao para mailabas yung frustrations. dahil sabi ni Sigmund Freud, suppressed feelings will resurface in uglier ways. So murahin mo na yung kagalit mo!hahaha.joke lang..papagalitan ka ng mudrabels mo.

Masyado nang mahaba yung article..wala din namang sense. hahaha..saka ko na lang bibigyan ng hustisya yung sarili kong gawa. :p

Iiwan ko ang mga salitang, sa gitna ng masalimuot na planetang ansarap murahin, tayo ay wag magsawang magmahalan. (ewan ko sakin).

Comments

readyplayerone said…
Si Eros Atalia madalas ipinasambit yun Pukang-ama kay Karl Vladimir Lennon J. Villalobo.
RV said…
ay oo! naalala ko..sa kanya lang ako nakabasa nun. or baka wala pa akong na encounter na ibang authors. sino mga binabasa mong local authors?
readyplayerone said…
Wala ako masyado kilala na local authors e, nabasa ko lang accidentally yun book na yun, hehe, tapos nacurious na ko sa ibang book nya, last na nabasa ko na local is yun tatlong araw tatlong gabi, any suggestions? :)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...