Hindi ako lumaki sa probinsya, hindi ko masyado naranasan magtatakbo sa pilapil at magpaka spiderman umakyat ng puno.Ni mag bike nga di ko alam!maryosep! Dito na ako lumaki sa Kyu to the Si. Pero nakakaintindi ako ng panggalatok, some bisaya, some japanese at gay lingo. Tuwing nakakarinig ako ng mga mag ffriends na nagsasalita ng panggalatok o kaya ilocano, which is main dialect sa Pangasinan kung san ako pinanganak, natutuwa ako. Kahit di ko naiintindihan, gustong gusto kong naririnig. Kung may alam man akong mga salita, ang awkward naman pag ako nagbanggit. Tunog may kinain na inaamag na tinapay. hindi kaaya aya!nakakatawa ganun. hindi maintindihan paminsan. kasi iba yung bitaw. mas magaling pa ako magmura kesa mag panggalatok eh!
Minsan sa buhay ko, me ilokano akong nakilala. tuwing naririnig ko syang me kausap na ilokano din sa office, na eentertain ako,. parang mga alien na nagteleport dito tas nag uusap pano kkidnapin at dadalhin sa planeta nila yung mga nangungulangot sa ng walang sisidlan sa pampublikong lugar, at pipitikin ng walang pag iimbot!
Tinuruan nya ako ng madaming words at sentences. Pero ngayon wala na akong maalala, konti na lang. So meaning, walang silbi yung pag ttutor nya sakin dahil di ko magamit para magets yung mga friends nyang naging friends ko na din! kakabwisit.
Natatandaan ko lang eh dudugtungan nya lahat ng sentences nya ng wen, tapos hihintayin nya yung sagot kong wen apay. which is di ko alam kung applicable at appropriate sa pag uusap namin. Basta laging wen apay ang sagot. hindi naging mali yun! hahaha.parang magmahal! charot.
Ngayon ko lang din nalaman ang ibig sabihin ng tawag nya saking baket..pang girl lang daw yun, kaya bawal ko syang tawagin na baket din.. pero mas cute kasi yun kesa lakay. chaka matandang lalake ang lakay sabi ng mama ko. so di pwedeng gamitin. for me lang naman!
Salamat sa friends nya, ngayon lang ako kinilig sa baket. huli na teh! hahaha. tapos na ang lahat!pinagsarhan ka na ng tindahan! menopause na. finish line. no earse period padlock. ayoko na! patahimikin mo na ako! ayoko na marinig lahat ng gusto mong sabihin! ooopps! na kerid away lang.hahaha.Bay-annak! (leave me alone sabi ni google)
Syempre halos karamihan naman ng nilalang kahit di ilokano eh alam yung mga nakakakilig na aylabyu, eh ayayaten ka. na kahit minsan hindi ko tinama ang pagkakasabi. uulit ulitin lang nya sabihin. tapos di ko din naman masasabi ng tama hanggang sa wen apay na lang maisasagot ko.
May isa pa akong natatandaan! mailiw ak kenka..shet tunog hindi tama.hahaha..bayaan mo na.
Naalala ko lang naman! paano kasing di ko sya maalala? network password ko sya sa office, maririnig mong nag iilocano friends nya. fuck the world amen. hahaha..di mo naman ma uunfriend yung mga nakilala mong fluffy people thru the person, diba? so hindi maiiwasan!
Pero iiwasan! sabi nila, bawal na daw banggitin. sooooo! mauuwi na naman sa blog ko yung mga naiisip ko.
Sana lang eh, mahanap ko yung peace na gusto kong mahanap..kaya bawal na sya isipiiiiin!
Haaaaaay..may guild na akong bago. ginawa nila akong attacker. pero di naman na ako makaka chat sa guild tab ng mga kaabnormalan dahil di ko naman sila close. kelangan ko lang kumpletuhin yung pangalawa kong ifrit..80/100 na kasi. sad life. user.
balang araw..maalala na lang kita ng may ngiti sa labi, at hindi luha sa mga mata.
--day 2
Comments