Skip to main content

Suicide..not the squad

I've been wanting to write about depression, suicide and self-destruction for quite a while now, but my ideas just won't fit perfectly together. So, I thought of just writing my initial thoughts and add or edit this when my brain's got a clearer perspective on the issue.

---
Hindi ako doktor o espesyalista na kayang mang diagnose ng depression. Sa panahon ngayon, kapag sinabihan kang depressed, good as sinabihan kang nababaliw. Kaya sa ibang bansa, maingat ang mga tao na magsabi ng ganto patungkol sa iba. Although, sa ibang bansa, mas open sila sa pagsasabing magpatingin sila sa espesyalista para matulungan. Dito sa atin, dalawa lang ang sanhi ng hindi pagpapatinginng ating mental health. Una, hindi naman tinuturing na sakit ang depression ng maraming tao, lungkot lang yun, na pwedeng mawala at lumipas. At dahil hindi naman ito na pperceive as matinding sakit, aksaya lang ng pera kung magpapatingin pa sa doktor. Ang mahal kaya ng professional fee nila. Ikalawa, ang ating bansa ay walang malawak na pagtugon o pangangasiwa sa usapan ng mental health. yung institusyon nga natin sa Mandaluyong, waley din naman masyadong pasilidad para alagaan ang mga mentally challenged nating mga kababayan. Kasi hindi ito nakikita bilang isang problema.

Ang depression, HINDI ayon kay Google o mga sayantipikong aklat, ibig sabihin, inimbento ko lang to...ay isang pagdadamdam ng mga problema o suliranin sa buhay sa ibang lebel ng pag iisip. Nagkakaron ang isang tao ng masidhing pagkaawa sa sarili, kawalan ng pag-asa makaahon sa mga kathang isip na peligro o nakamamatay na ideyolohiyang hindi pangkaraniwang naiisip ng taong walang depression. May mga bagay silang naiisip na kugn tutuusin imposible, pero kaya nilang gumawa ng sariling mundo, na hinding hindi maiitnindihan ng mga taong mangmang, utak biya at mga nilason na ng pukinginang social media.

Paano ko nasabi ang mga bagay na to? Sa pamilya namin, hindi lang isa o dalawa ang may depresyon. Halos lahat kami. Yung pakiramdam na hindi mo na alam gagawin mo sa mga susunod na oras, dahil masakit sa buo mong kaluluwa, na lahat na lang ng kamalasan sa punyetang mundong to eh sinalo mo na. Ultimo tae gusto mo na kainin, kasi nga yung pakiramdam na parang, lahat naman ginawa mo na, lahat binigay mo na para sa buhay mo, pero walang balik. Walang return of investment. Sino bang matutuwa sa ganun? Pero ang pinagkaiba ng mga taong may depression, may tendency na mag dwell sila sa iisang bagay..ang tapusin ang sakit, tapusin ang mga naririnig mong boses na bumubulong na 'walang tutulong sayo, walang nagmamahal sayo, hinding hindi ka nila pag aasakayahan ng panahon, sino ka ba para bigyan ng impotansya? wala kang pwede ipagmalaki, sampid ka lang dito, kahit kelan hindi ka na sasaya, wag mo nang ipilit yung gusto mo, kasi sa huli, talo ka lang din naman, saktan mo yung kapwa mo,sinaktan ka din nya diba?, sisihin mo yung kapatid mo dahil hindi naman nya naiisip na nahihirapan ka,puro lang sila pagpapasasa sa mga kailanman hindi mo matatamasa'.

May pinsan akong nagpakamatay. Mahirap paniwalaan sa una kasi, sobra syang masayahin, sobra syang mapagmahal, pero kung iisipin..yung mga gantong tao pala yung may mga pinaka mabibigat na problemang dinadala. Dahil alam nila kung gano kahirap malungkot, ayaw nilang makita yung iba na maranasan yung nararanasan nila. Tapos,bigla na lang sila bibitaw. Kasi ayun na lang yung pinakamadaling paraan para mawala yung sakit at paghihirap.

Ilang beses nyang sinubukan magpakamatay, naglaslas, uminom ng downy, kumain ng racumin. Namatay sya nung nagbigti sya. Hindi sya yung napapanood mo sa normal na sinehan na aakyat sa mataas na lugar, magtatali sa leeg, tatalon. Madaling malagutan yun ng hininga. Ang ginawa ng pinsan ko...nagtali ng lubid sa leeg habang nakatayo, partially nakaluhod, ibig sabihin hindi nakasayad yung tuhod nya, naka suspend, yung paa nya nasa sahig..Unti unti nyang pinatay yung sarili nya. Unti unti nyang dinamdam bawat sakit,bawat alaala, bawat sumpa na pwede nyang maisip. Pinahirapan nya yng sarili nya hanggang sa nalagutan sya ng hininga. Ang hirap isipin, hanggang ngayon masakit padin at nakakapang hinayang..na sa isang iglap, yung ngiti na alam mo, pinaniniwalaan mong makikita mo pa,mawala na lang ng walang pasabi..ng walang iiwan sayong oras para maghanda. Masakit padin gie. Alam ko kung nasan ka, masaya ka..pinapanood lahat ng kalokohan namin.

Ang taong depressed,hindi mo kakikitaan ng pagkalungkot sa araw araw. Makikita mo silang busy sa buhay, mukang normal sa gitna ng mundong nagkukumahog maging bida sa drama teleseryeng binuo nila gamit ang kamangmangan at kahalayan.

Ang gamot lang naman dito, self actualization. Mahirap makamit pero nasa perspektibo lang naman to ng isang tao. Tipong mind over matter. At wala namang tutulong na makamit mo to kundi sarili mo. Minsan nakakalimutan natin na maiksi lang ang buhay...

Di ko padin alam anong sense ng mga ideas ko..di ko nga maituloy yung huli kong pangungusap eh. Kasi nga di pa tapos yung train.

Ang walang hanggang, to be continued..kung! matutuloy ko pa.:p

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...