Skip to main content

On a more serious note..Let's talk about Rape

Nabasa ko lang to kanina sa FB, si senator alampay Hontiveros nagsabi, "Instead of teaching our women how to dress 'appropriately', and limit our choices, our police forces should help in educating our public, especially men, that forcing themselves upon women is unacceptable and constitutes rape". Ang masasabi ko lang, hindi lang 'to sa kababaihan, para to sa lahat ng tao, regardless of the sex or gender, public awareness to the nth level. Maraming kaso ng rape na hindi naisasama sa istatistiko, lalo na sa mga probinsya, liblib na baryo na hindi naaabot ng awtoridad.

May alam akong kwento na nagmula sa mismong babae na nakaranas ng rape, sa mismong tatay nya. Nung kinwento nya 'to samin na ilang kasama nya ng oras na yun, nanlumo ako. Sobrang gaan lang yung iniwan ako ng tatay ko, at nagpakasal at nagkaron ng ibang pamilya, kaysa, magkaron ng ama na paulit ulit syang ginahasa nung bata pa sya. At hindi lang sya, pati ate nya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi sya nananamit ng inappropriate. Napapanahon sya lagi. Pero bakit nangyare sa kanya yun?

Mas maganda atang magtakda na tayo ng depinisyon ng 'appropriateness' sa pananamit, para lahat ng lalabag pwedeng mabulok sa kulungan, wala ng magiging dahilan na na provoke sila dahil sa pananamit ng biktima. Pero wag tayo maging hypocrite, may mga pananamit na talagang nakakatawag ng atensyon, at mga kilos na parang pinamimigay mo na yung sarili mo.

Halimbawa, sa mga bars, ang mga babaeng nagbibihis, well parang hindi nga sila bihis, tipong tela na lang nagtatakip sa private parts nila. Besh, mapulmunya ka, nagwworry ako na baka kabagan ka o kung ano. Hindi naman beach ang bars, para mag bra't panty ka na lang. Isa pa, sabi nila, if you wanna get laid mabilisan, go to a bar, instant yan. Kapag me nakadikitan lang ng balat, game na agad sa complete stranger. Gets? Katulad ng nabanggit kanina, ang dressing 'appropriately' ay medyo malawak na usapin to. Kasi pag summer, tapos gusto nila para di makatukso eh, magsaya ang babae? Ano ba ang depinisyon nila ng appropriate? Baro't saya? eh bakit merong mga kabataang narrape? Hindi sila nagpapakita ng boobs, dahil wala pa silang boobs. Ang dahilan lang nyan, mga hayok na lalake, na pag lumamig lang ang panahon o pag bored sila, sinasapian sila ng demonyo, at basta alam nilang may pepe yung human being, eh manggagahasa na sila. Pardon my french, pero eto yung totoo.

Rape. Hindi lang to naglilimita sa kababaihan, kundi sa lahat ng tao, regardless kung anong gender, pag ayaw nilang makipagtalik (sa kahit anong butas pa yan), rape na yan agad. Hindi ko ma gets anong nag ttrigger sa mga rapists para gawin yon, meron na talaga chemical imbalance sa utak ng mga yan. Madaming pwedeng dahilan bakit naiimpluwensyahan ang tao para gumawa ng masama sa kapwa. Substance abuse, drug abuse, mental disorder o psycopathy, sadism, sexual pleasure pag nakakakita ng nasasaktan, galit sa mundo, kaya ang ginagawa nangrrape para 'makaganti' sa mundo, meron pa nga nachika na wala eh, nabubuhay tayo sa mundo ng kalalakihan ang nagdodominate. Madaming pwedeng dahilan. Pero ano nga ba ang solusyon dito? Dapat gayahin natin yung parusa sa Iran or India, either killed by hanging or shot. Hindi yun ikukulong nga pero bailable? Di ko gets kasi yung sinasabing against sa human rights yung pumatay, kahit pa kriminal. Besh, yung pang rrape ba hindi against human rights? Naisip ba nila yung trauma na bibitbitin nung biktima habang buhay?

Isipin mo na lang ang very popular na rape case ni Pepsi Paloma, nag suicide sya diba? Dahil di nya nakayanan yung naganap sa kanya, na di sya nakakuha ng hustisya, until  now! jusko fertilizer na sya, wala padin naparusahan. Ang buhay hindi talaga fair, kung ipapakita ng gobyerno na may nakakatakas sa batas na mga rapists, uulit at uulit yang mga tao. Pero kung nakikita ng publiko, na hindi tntolerate ang rape sa bansang to, sinong gagawa ng masama?

Nakakagalit. Nakekerid away ako. so tapusin ko na lang yung train ko.

Sakit.

Comments

Anonymous said…
Very intriguing ang subject mo.very appealing however i think the blame falls on us.Lack of knowledge, lack of discipline is a recurring sickness not to mention mob mentality.Daming issues connecting here. I encourage you to watch "Give Up Tomorrow" on Youtube documentary film about our judicial system--i dont know if this will help but it will shed some light on how we as a society respond to social issues surrounding this. Thanks!
RV said…
the infamous story of kiwawang Paco Larranaga. Have you seen Jacqueline comes home? Hindi ko masabing magandang example yang Chiong seven/ Chiong sister, para sa topic na 'to. Kasi sa hinaba haba ng circus nila, parang distorted na yung kwento. Sabi nga nila, there are 2 sides to every story, at nakakafrustrate maging spectator dahil magkaiba sila ng pinaniniwalaang katotohanan, at kwentong idinidikdik sa publiko na paniwalaan. Iba to sa sexual violence na maririnig mo sa mga mahihirap at liblib na lugar, kung saan dapat na tinutuon ang pansin. Alam natin na bulok at mas mabilis pa ang evolution ng amoeba, kesa hustisya ng Pilipinas, even sa buong mundo, pag ito na ang krimen na napag uusapan. Napanood/Nabasa mo na ba yung 13 reasons why? hindi ka din ma eenglighten sa sistema sa US. This is not about the justice system of any country, dahil sa totoong buhay, ang tinatawag nilang sistema sa pagkamit ng hustisya hindi na karapatan, kundi pribilehiyo. I therefore conclude, dapat ang mga rapists tinatali sa puno ng nakapatiwarik, tapos pinapakagat sa mga hantik, magdamag. Aalma pa kaya ang commission on human rights dito? #alwaysmagulokausap #perothankyousapagsharengopinyon
Anonymous said…
If you watched the docu already I'm good na. Thought provoking siya actually.I guess it didn't help in any way haha btw love your word kiwawang...i don't know if you wrote this on purpose or due to millenial paradigm shift but i'll take it=) 13 reasons is a netflix movie bout suicide right? its a dense subject the series provides clues on how to connect the dots on the subject's demise. Not a fan of Netflix but I respect it. I understand your hostility---really i do, you actually care not for your own sake but for the safety of the public. Actually sa post mo ang kawawa ay mostly women around the world they suffer the most in a traumatic way that's why i understand your opinion capital punishment(dapat di inabolish to) or if you're feeling a tad bit high just have them suffer ling chi--that works too. Of course aalma yan--we are a religious country remnants of Spain so expect dami mong nerves na tatamaan. Tayo pa nman hilig mangunsinte hehe uulit at uulit yan if we don't break the cycle. #SMH #facepalm

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...