Last year, may entry ako dito entitled, Para sa mga Gaga: The Most Sensible Way to Move-on..nang Maganda padin
Note para sa mga mahilig manghusga, ilan sa mga sasabihin ko dito, inulit ko lang sa previous post ko, tapos dinagdagan/binago ko lang, para applicable sa lahat na ng genders. So ieextend natin ang lecture natin sa mga kaibigan nating kalalakihan at iba pang gender na naimbento, na sinusubukan lakbayin ang daan ng moving-on.
Sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng matinong alien na maahalin. Nasabi kong alien, kasi parang foreign na ngayon makadaupang palad ang mga taong sincere umibig. Pero ang nakapag tataka, andaming humahanash online na sawi sila, at bakit sila malas sa pag-ibig eh mabait naman sila. Hindi kaya, nasa virtual world na lang ang mga gantong tao? Di na sila lumalabas, parang Jumanji, nahirapan na sila lumabas sa game!
Ah basta, saka ko na iisipin yan. Ang focus natin today ay ang pagmmove on. MAGMOVE-ON, CAPS LOCK PARA INTENSE!! Isa ito sa mga bagay na time consuming gawin, parang thesis, feasibility study, market research, E=mc2, Pythagorean theorem, Laws of Physics, Cryonics at evolution. Kelangan ng pasensya, at masidhing pagninilaynilay, talagang papaiyakin ka neto hanggang wala ka ng kayang iiyak.
Paano ba mag move-on ng may dignidad at maganda/pogi padin, kahit alam natin wasak na wasak na ang puso mong wala namang hinangad kundi mahalin din ng taong minamahal mo.
Disclaimer: ang mga hakbang na ihahayag dito ay pawang imbento ko lang at hindi inaprubahan ng korte suprema o kaya ng barangay chairman namin. Maniwala ka sa hindi, pinag isipan ko to, parang essay writing contest. Ginalingan ko.
Una sa lahat, pag nagmmove-on ay hindi parang pagbili lang ng mantika sa tindahan, na pwede mong bilhin na de takal o galon galon para may reserba ka. Napaka complex neto, parang halo-halo, may iba ibang sangkap para makamit mo ang ultimate halo-halo. Depende sa preference mo yung pwedeng sangkap. Minsan kahit yung mainstay na sago eh sa iba hindi nila bet. Ang gusto ko lang sabihin eh, ang mga babanggitin ko dito eh pawang guide or ideas lang na pwede mong gayahin or subukan baka mag work din sayo. So chill ka lang pusong naging sisig, hapdian pa natin ng konte ang realidad mo, sa pamamagitan ng mga suggestions ko.
Kung desidido ka na talaga, ang pinaka una kong maipapayo ay, kelangan mong umiyak. Kahit hindi ka yung tipo ng tao na nakikipag inuman sa mga kaibigan dahil broken hearted, kelangan mong umiyak! Maari mo itong gawin sa cr habang naglalabas ng masamang panahon sa kubeta. Sa school library,or kahit saang library meron sa planetang ito, pero quiet ka lang dapat, kung ayaw mo mapagalitan ng librarian, na may nakasuksok na lapis sa nakaskunching buhok. Maari mo ding gawin sa ilalim ng sampaloc tree, or mango tree, para pag nagutom ka pagkatapos eh healthy ang meryenda mo..Or para mas dramatic,hintayin mong umulan! Para mas masidhi ang hugot pag sinabay mo ang mga mapait mong luha sa patak ng ulan. Kahit alam nating pwede naman isabay sa shower ang pag iyak, mas maangas pag sa ulan mo gagawin ang ating balak.
Pagkatapos mong umiyak,marapat mong makipag patintero ng ideas sa sarili mo. Kausapin mo sarili mo, healthy yan. Although, make it subtle, sa utak mo na lang gawin. Baka isipin ng pamilya mo, nabuang ka na dahil sa ka-emohan mo. It ang pinaka crucial sa step na 'to, kelangan mong magdesisyon kung gusto mo pa bang mag stay na sawi, or mag mmove on ka na. Tatambay ka pa ba sa iyak/self-pity stage o papasok ka na sa susunod na kabanata? Kung ang pipiliin mo ay ang nauna,pakihinto na ang pagbabasa, dumirecho sa pinakamalapit na inuman. Waldas ka muna ng more money sa alak chaka kausapin mo yung bartender, usually madami silang payo, sa dami ba naman ng nakita nilang naglalango sa alak, dahil broken-hearted, expert na mga yun makinig. Ngunit, kung ang pinili mo ay ang huli, you’re in the right place melabs! We’ll try to make both ends meet, so you get back on your feet as soon as possible, gracefully. J
Isa pang dapat tandaan, pwede mo syang mamiss, hindi mapipigilan na isipin mo sya, hindi 'to kasalanan. Pero wag ka na magtatanong bakit nya nagawa sayo yun, kasi tapos na. Walang sagot na pwedeng magpahilom ng sugat mo ngayon. Dapat at this point, di ka na iiyak, or pigilan mo na to the best of your abilities. Walang repeat chorus! Furthermore, nasabi kong pwede mo syang maalala, pero once na nafeel mo nang nalulumbay kana naman dahil iniwan ka nya,at ang meron ka na lang ay ang mga magaganda nyong alaala, distract yourself. Mag bunjee jumping ka para hindi na sya ang maiisip mo, kundi ang buhay mong nakasalalay sa rope na nakatali sa paa mo. Distraction at its finest.
Feeling ko, etong sunod na 'to, matic na dapat pag break na kayo ng irog mo. Kung gusto mo talaga mag move on, kelangan mawala muna ang lahat ng koneksyon mo sa taong ginawang bopis ang puso mo. Block mo sa fb, twitter, IG, tumblr, tinder, grinder..lahat! burahin mo lahat ng pictures nyo, o kaya tago mo na lang sa hard drive mo,yung tipong wala sa phone mo na pwede mong ma access ng madalian.O di kaya ipa print mo tapos ibaon mo sa lupa, para pag gusto mong tignan ulit, eh kelangan mo pa humanap ng pala at mag effort kakahalukay ng lupa! O kaya kung nauubusan ka na ng pag asa na alam mong di mo kayang lubayan ang kanyang alaala, eh ibaon mo na din sarili mo para sure.
Kung mag iinom ka, siguraduhin mong magtitira ka ng konting sanity. Yung tipong hindi ka mag ddrunk text/call, dahil ayun ay isa sa mga desperate moves na kailanman ayaw nating maganap! hindi ito maganda ilagay sa resume. Bagsak ka na paper screening palang besh. So, pag iinom ka, kelangan ng patnubay ng mga kaibigan. Friend-tal guidance is advised.
Syempre dahil nag mmove-on nga tayo, we should feel more beautiful than ever. Isa to sa mga mahirap gawin, magastos kasi eh. Or sadyang, hindi ito season na feel mong magmaganda. Pero, to boost yer confidence, legit step to moving on ang 'balik alindog program'. Too cliche, pero kelangan mo nung hormones to make you feel better. Wag kang magstress eating. Iwasan ang isang kaban na cake, isang balde ng ice cream, isang kaldero na cookies, tatlong bandehado ng chocolates at daan daang tabo ng iced tea. Ayaw nating muka tayong buteteng laot na nagdadalamhati sa gitna ng EDSA. Kelangan natin paghandaan ang araw na maghihiganti tayo sa shwanget mong ex! Charot lang! bad yun. Kelangan lang talaga natin ma feel good to get back on our feet. Hindi ko naman sinabing kakain ka lang gulay gulay, dahon dahon, isda isda, tokwa tokwa, puno, halaman, at mga ugatpak..Kelangan balanced diet padin. Pwede ka din mag workout! Mag gym, mag boxing para kahit paano eh mailabas mo sa muka nung coach ang hinagpis ng puso mong hapis. Charot,wag sa muka nya.. dun lang sa ginagamit nyang malaking parang kamay na ipapasuntok sayo, kung ano mang tawag don, ikaw na mag google teh. Hirap din akong mag tali-talinuhan ngayon eh.
Ikaapat, wait nagbilang ba ako? Pero ang susunod, ituloy mo yung nakalimutan mo nang hobby na di mo nagagawa noon dahil busy ka makipag date. Yung something na alam mong kaya mo mag excel, dahil chill lang sayo gawin. Minsan, masaya mag move-on, kasi pag ginawa mo to ng tama,mas makikilala mo sarili mo, mas malalaman mo yung mga bagay na di mo naman naiisip dati. Para ‘tong hitting 2 birds with one stone, meaning nag mmove-on ka pero at the same time, me ginagawa kang nagpapasaya sayo! Magbigay tayo ng halimbawa, dati eh bet na bet mong maghabi ng mga pajama! Or mag ganchilyo,o kaya mag timpla ng kape, na madaming creamer! Pwede kang mag enroll ng advanced classes sa pag gaganchilyo,malay natin pwede na pala itong gawin ng nakasabit sa hanger yung sinulid, ayon sa latest update ng advanced ganchilyo level 450. Wag ka ding matakot gawin ang mga bagay na ginagawa nyo together ng ex mo. Pero this time, mag isa ka na lang. Face your fear! Don't feel bad kapag pakiramdam mo bet mo na makipag balikan, pero think about why you are doing this. For yourself.
Ikalima, kadalasan, kapag ang taong nag mmove-on eh nasa acceptance stage na, nagkakaron ng ganitong thoughts: “bakit kaya ako iniiwan lagi?” “mahirap ba akong mahalin?” “pangit ba ako?” “ano bang mali sakin?” Ang ikalimang utos ay wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nagaganap sa life mo, lalung lalo nap ag iniwan ka ng pogi mong ex. Dahil walang mali sayo, mali lang yung timing ng mga kaabmormalan nyong dalawa. In short, sadyang hindi lang kayo meant to be magsama nung panahong yun. At lagi mong tatandaan, kahit baliktarin mo man ang heaven and hell and the parallel universe, pag kayo talaga, babalik at babalik yon. Pramith!
At panghuli..bilang iba iba ang tao, ipinapaubaya ko na sayo kung paano mo tatapusin ang listahang to. Finishing touches ganon..Baka gusto mo magpa-spa, magpagupit katulad ni Bea Alonzo sa one more chance..O di kaya, iparetoke mon a lang yung muka mo para maiba naman. Ikaw bahala. Ito lamang ay ideas na nag work para sakin..isipin mo lagi na lang ako nasa moving on stage,andami ko nang namaster na hobbies ko dahil kakabalik ko sa stage na to. Residente na nga ata ako ng moving on campsite. At pakiramdam ko, dahil sa dami ko nang kaibigan na pinayuhan ng mga ganto, isa na akong tour guide sa lugar na ito.
At the end, hindi din naman ako ang masusunod dito, sabi ko nga ang pag mmove-on, hindi parang baking na dapat sakto ang measurement. Para tong modelling clay..tama ba? O molding? Leche. Basta parang clay. Kasi pwede mong hulmahin ng naayon sa gusto mo..parang chopsuey na pwede mong dagdagan o bawasan ang ingredients depende sa panlasa mo. Kung gusto mo lagyan mong tomato sauce, para maiba, why not coconut?
Para sa mga gagang katulad ko na nagpaalipin sap ag-ibig ng paulit-ulit-ulit-ulit, hindi naman laging masakit ang magmahal, dahil ang magmahal nga ang pinakamasarap gawin sa buong universe. Ang masakit ay iwan tayo ng minamahal natin sa mga dahilang hindi natin kontrolado, or minsan, iniiwan natin ang taong mahal natin, dahil kelangan natin muna magfocus sa sarili natin. Hindi selfish ang tawag don..self-preservation. Sana kahit maka move-on ka, sana kahit matapos mo lahat ng mga ito, hindi parin mawawala yung paniniwala mo, na sa huli…lahat tayo ay may nakatakdang human earthling na darating sa buhay natin, para buuin ang jigsaw puzzle na hindi naman ikaw ang bumili! Exchange gip lang ganon. Hindi ikaw ang pumili ng puzzle, pero darating ang araw, dalawa kayong bubuo neto, at maappreciate nyo kung ano man ang kakalabasan nito. Sounds double meaning. Pero pwede rin. hahaha.
So, good luck sa paglalakbay, sakaling makasalubong kita, libre ko na tour mo!:)
Comments
click