Skip to main content

Posts

Ang Kababalaghan sa Kamaynilaan

Para sa akin, kahit di pa man ako apektado ng problema sa traffic, pagbyahe pauwi or papasok ng trabaho, naloloka na ako kakaisip anong bulate pumasok sa kukote ng mga taong nagpapatakbo ng ating pamahalaan. Pero dahil bwakanang bwaya mehn, ilang oras ako nag aabang ng masasakyan, umuulan ng sobrang lakas, nabasa na buong pagkatao ko, kulang na lang pati bait ko maputikan na rin. Parehong scenario pauwi, ang mga taxi ay walang habas na nag ccarpool from 50-100 each. Take note, 5 na pasahero, tag 70 kayo kunyare, tas ang metro ni kuya 140, pak winner, gagarahe na yan. So, ibig sabihin mababawasan ang pedeng masakyan sa oras ng pangangailangan, mababawasan din ang mapagsamantala, at mababawasan ang masasamantala. Ngunit, subalit, datapwat, but, although, somehow, dadami ang taong di makakarating sa kanilang paroroonan. Isa ito sa mga bagay na pinagtatakhan ko,. Una, and EDSA ay isang malaking kalsada na araw araw din namang dinadaanan, pero bakit nagtataka pa tayo pag masagwa pa sa mu...

Puppy Love

Sa dami ng naiisip ng bawat tao sa isang araw, kulang pa ang isang notebook para mailista mo lahat ng pangit, maganda, nakakatuwa, nakakaiyak na mga kaganapan. Sa dami ng naiisip ko at mga bagay na naisulat ko na, hindi pa ako nakasulat ng isa tungkol sa paborito kong baby dog...si Ading. 😊 sa kasalukuyan, si ading ay 10 years old. Jutanders na kung iccompute mo sya sa dog yeara.Kaya mo na mag compute..:) Isang maliit, puti, mataba at mabalahibong aso. Hindi sya katulad ng ibang aso na hobby tumahol at magalit sa mga tao. Si ading, para syang naka mute na aso, bihira gumawa ng tunog. Di rin sya snob. Pag may bisita, manlalandi pa yan. kung hindi sya lalapit agad, magpapa cute muna yan, puppy eyes, para tawagin sya. Minsan, yung bisita pa mahihiya sa takot nila sa aso, kasi hindi aso si ading!!!!isa syang...laruan, na humihinga. haha..ok, i'm not making anybsense. ngunit, subalit , datapwat...kaya ako gumawa ng something tungkol sa kanya kasi, naiisip ko paano ako mag ccope up k...

25 na ako...

Sa araw na to, nag uumapaw ang aking kasiyahan. Una,dahil nabuksan ko na ulit 'tong pinakauna kong blog na pinag buhusan ko ng mga hinaing ko tungkol sa pag-aaral ko, sa trqffic sa EDSA, sa pagkairita ko tuwing nababasa ang paa ko sa ulan, at mga bagay na napapansin ko lalong lalo pag nakasakay ako sa kahit anong public transportation. Marami na ang nagbago. Tumatanda na ako, naging maarte na ako, di ko namalayan nahihilig na ako sa mga produktong pampaganda at di ko namamalayan na nalalagasan ako ng pera dahil sa mga produktong pamahid at kung anik anik pa. Dati, hindi ko kinahiligang mag-ayos. Siguro dahil nag 'mamature' ako bilang babae. Bakit utak ko di nagmamature? Mahirap to. hayst. Naging alipin ako ng pag-ibig. Hinamak ang lahat, masunod ka lamang ang arrive ng lola mo. Eh wala, mahal ko eh. Nagpakatanga ng todo, nag mukang aanga anga. Pero wala akong pinag sisihan. Dahil naniniwala ako, 'what is done out of love, only takes place beyond good and evil'....

ESKINITA SA UTAK NA LIGAW

Sa susunod na buwan ay isang taon na akong nagttrabaho sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Anong kataka-taka dun?Sa bilis kasi ng panahon ngayon ko lang naisip na sa halos 2taon kong pagttrabaho nakapasok ako sa 5 kumpanya na iba iba ang trabaho. Di ko masasabing proud ako dahil ibig lang sabihin nun di ko kayang tumagal sa isang trabaho. Pero naisip ko di naman ako may gusto na lumipat ako,ang salarin ay ang nagluwal sakin. Hindi ko sya sinisisi dahil sa lahat nang naging karanasan ko ay natuto ako maging matyaga at makisama sa iba'r ibang klase ng tao. Sa lahat ng mga taong nakilala ko may samu'r saring kwento akong nalaman, at isa ito sa masasabi kong proud ako. Sa bawat pagsubok na magdaan hindi na ako natatakot na gumising kinabukasan, sa halip sasabihin ko pa na 'bring it on!' kasi sa bawat problema may solusyon. wala pa ata akong nakitanh problema na walang solusyon. Marahil minsan hindi naiisip ng tao ang lahat ay pagsubok lang at ang mga sagot sa tanong ay n...

ABANGERS IN THE MAKING

"bakit di ko kayang sumulat ng bagay bagay tungkol sa pag-ibig?", tanong ko yan sa sarili sa tuwing bubuksan ko ang blogsite na to. Di ko alam bakit, siguro dahil kahit sa blog ko mismo ayoko ibinyag ang mga sikreto ng aking malusog na puso. hahaha.. Ako na ata ang pinaka-adik na abanger sa balat ng tubig! Patuloy kong inaabangan ang aking mga (fingertips)..daliri ( na lang) kung kaya nya tumipa ng tungkol sa damdamin ko tungkol sa pag-ibig. ****************************************************************************  **************************************************************************** Dahil inaasar ako ng isa sa aking mga kaibigan sa daigdig ng internet, gumawa na ako ng isang blog para sa kanya. gniusto mo to! WARNING: puro imbento ko lang ang lahat.wag kang maniwala. Bilang isang abanger, marami ang maari mong abangan? Una na sa listahan si Shomba (Hit google and check out who's shomba!*highly recommended*) Ikalawa, usually ang inaabanga ng ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

ASEXUALITY

Dahil sa panonood ko ng House MD, may isang episode na hindi naman totally about asexuality pero kung nanonood ka ng nasabing show, may naging pasyente si Dr. Wilson na magandang babae na may bladder infection. Sa larangan ng panggamot (ng mga doktor) isa sa mga di dapat kalimutan ng isang healthcare worker ay ang pagkuha ng history (kasaysayan?). Sinabi ni Dr. Wilson na maaring buntis sya kaya mag ppregnancy test sya, ngunit tumanggi ang babae at sinabing hindi sya kailanman mabubuntis dahil di naman sya nakikipagtalik sa kanyang asawa kahit kelan sa sampung taon nilang pagsasama. Tinanong ni Dr. ang dahilan, sabi ng babae: "We kiss, we cuddle...but we don't have sex. I'm asexual and so is he." Kasabay ng pag focus sa reaksyon ni Dr. Wilson, sabi ko na lang ay isang malaking "OH?". Minsan sa pagaaral ko ng Nursing noon kolehiyo ay paminsan minsang nababanggit ang asexual...reproduction ng mga bacteria. Pero hindi ko ata maalala na may naituro samin na ase...