Skip to main content

Posts

MRT..yung tren

Sa loob ng anim na taon kong pag ttrabaho sa halos sampung kumpanya sa kalakhang Maynila, mabibilang ko lang sa lima kong daliri kung ilang beses palang ako nakasakay sa MRT (wag natin isali yung LRT). Bakit? Una, pakiramdam ko hindi ako makakarating ng buhay sa dapat kong puntahan. Bakit ulit? Dahil sa oras na pumasok ka dito, sa sobrang sikip eh parang hindi mo na kayang abutin yung pinto pag bababa ka na. Sa sobrang dami ng tao, hindi mo alam pano mo ipapaintindi sa utak ng bawat pasahero ang mga katagang, "excuse me" o kaya "makikiraan po". Hindi natin sila sisisihin, lahat tayo pagod, lahat tayo me pinagdadaanang mga bagay bagay na maaring nakakasagabal na marinig ang iyong hinaing na dadaan ka at bababa sana sa Araneta Cubao station. Hindi ko rin naman masisisi na magtulakan ang mga tao lalo na pag rush hour na,dahil bawat isa satin, gusto makauwi ng maaga para makapag pahinga, o di kaya nais na nating makarating sa pupuntahan, dahil may date ka pang pinaglal...

Iba nga sya

Noon, hindi ko kayang magsulat ng kahit anong bagay tungkol sa love. Lalo pag in love ako, o kaya pag broken hearted ako. Hindi ako ganun katapang para sabihin sa kahit sino kung gaano ako kasaya o kung gaano ako nasasaktan. Kahit sa kuwadradong silid ng blog ko, hindi ko din kayang ibulalas lahat ng sinisigaw ng puso ko.Ganun ko itago lahat ng nararamdaman ko.  Ngayon, nang dahil sa isang tao, lahat ng dati kong ginagawa, nabago. Lalo na yung bahaging, nag ppost ako sa social media networks ng feelings ko para sa kanya.Sa kanya ko lang nagawa yun. At sa kanya ko din natutunan na ihayag lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga blog sites ko. Bakit? Kasi sa kanya ko naramdaman yung sakit na hindi ko ata kayang kalimutan.  Iba nga sya.. Iba sya dahil sya yung unang tao na naging kaibigan ko muna ng matagal bago kami naging...ewan, kung ano man yun. Iba sya sa lahat ng minahal ko kasi sa kanya ako umasa na sya na yung soulmate ko...na sa kanya, alam kong hindi ko ...

About Love...na naman (-_-)

"It's not you it's me...wala kang kasalanan, ako lahat 'to. Wala kang pagkukulang, Sobra sobra pa nga binibigay mo sakin, na natatakot ako kasi hindi ko kayang ibalik lahat." Bullshit. Hindi ako nagmamapait. Simple lang. Tingin ko kasi dito sa dahilang 'to is the easiest way out from a relationship or from the person you knew is the best person to love..the ideal person, and yet the problem is within yourself. You're not ready to accept the unconditional love. Your are afraid that you might not be able to reciprocate what the person deserves. You feel like you don't deserve that kind of love, because personally, you can't or you didn't imagine yourself that you can do such things. She/he's very bold in showing what and how the person defines her/his love for another human being. These reasons are the most common I've heard from people who have lost their love..yung tipong mga TOTGA (the one that got away). Bihira kasi t...

Panibugho ng walang magawa tungkol sa kalikasan

Sa Pilipinas, isa na atang hobby ang pagpataw ng bayad sa mga bagay bagay na di naman tayo ang may-ari. Tulad ng napaka laking balate tree sa Baler, hindi naman nila pag aari ang puno, sa kalikasana yun, pero bakit ngayon eh may bayad na? ito ay kaparis din na wala tayong karapatan magkalat sa mga ating kalikasan dahil hindi naman natin 'to pagaari. Respeto sa kapaligiran. Yan ata ang wala tayo dito sa Pilipinas. Hindi natin gayahin ang ibang bayan, na ipinagpapasalamat nila sa Maykapal na meron ang bansa nila ng mga napaka gagandang tanawin, kaya nila ito inaalagaan upang maibahagi rin nila ito sa ibang lahi. Nakakalungkot isipin na dito sa atin, isa tayo sa mga bansa na pinakalooban ng sandamakmak na magagandang isla, pero ang nangyayare eh inaabuso natin ito hanggang sa mawala na ang ganda nito. Bakit nga ba? Minsan mahirap isipin ang mga posibleng rason kung bakit, dahil hindi natin gustong mang husga, ngunit, paminsan dahil na rin sa hindi mo maaring pilitin ang iba na ma...

Paano ba ang magmahal? (ooops, ibahin natin) paano nga ba masaktan?

Nang mga nakaraang araw, nakasanayan ko nang manood ng mga Tagalog movies na nakakakilig, pero alam naman natin kung gaano ka predictable ang filipino films.. syempre merong climax na mag hihiwalay yung mga bida, pero mgababalikan din para merong happily ever after sa dulo. Ngayong gabi, ang nasa menu ng panood ko eh 'the Breakup Playlist'. di ko masasabing maganda sya in a sense na bago sya sa panlasa ko, pero pwede na. I'd give it a 7, kasi tumagos sa puso ko at may mga thoughts akong gusto ilagay dito na narealize ko lang din while watching. Sabi ni ate Sarah,''pwede bang mag sorry ka na lang? wag mo na lang akong mahalin, nakakapagod na yang sinasabi mong pagmamahal. nakakapagod ka na mahalin". Aray diba? pero alam natin na kahit pa ilang eksena pa ang dumaan, hindi nya makakalimutan si piolo..mahal padin nya yun kahit sagad sa buto yung sinabi ni kuya mo na 'do me a favor?umalis ka na din sa buhay ko, at pwede ba wag ka nang bumalik'. huda...

Tunay bang may sumpa ang buhok ng kababaihan?

Sa di maipaliwanag na kadahilanan, naging kaugalian na ng kababaihan ang magpagupit kung may malaking pagbabago na nagaganap sa kanilang buhay. Totoo nga ba na may angking kapangyarihan ang aming buhok kaya nangangailangan pa kami ng pagpapagupit or pag renovate ng buhok para maging hudyat ng aming pagbabago? Bilang isang babae, hindi ako nagpapagupit para maging sign ng new beginning or end of a heartbreak.Nag papagupit lang talaga ako para pag eksperimentuhan ang ayos ng aking buhok. Pero bilang isang babae, alam kong alam namin sa isa't isa na ang aming buhok ay may impluwensya sa aming mood, outlook in life, disposition, at madami pang iban aspeto sa buhay. Ang babae pagkatapos ng break up, nag eemote pa muna ng ilang buwan or kung hanggat kelan nila gusto. Sa gana ni Taylor Swift,ayun eh hindi ata uso sa kanya ang salitang move on. Meron agad kapalit na lalake sa buhay nya pagka break sa isa. PArang ngayon!!! after nya ke Calvin Harris, si Tom Hiddleston naman! puta si Lo...

Pain...

Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag kung pano nararamdaman ang sakit.. Unang una sa lahat, ang pain ay very subjective. Ibig sabihin, ang masakit para sa isang tao ay maaring hindi naman masakit sa iba. Pero may isang bagay na nagkakapareho para sa lahat, lahat tayo nakakaranas ng sakit. Hindi lang minsan sa buhay ng isang tao ang makaramdam ng sakit, hindi mo rin masasabing hindi ka masasaktan kahit alam na alam mong memoryado mo na ang isang bagay na iyong ginagawa. siguro pwede nating tawagin na destiny yun. Oo, destiny mo na masaktan...para gumaling. Wala namang sakit na hindi natatapos...siguro nga tama sila, walang forever, at lahat nagbabago. Bago pa ako mapunta sa ibang bagay, gusto ko lang talaga sabihin na masakit...Gusto ko na nga minsan sabihin na sanay na ako masaktan, kasi katulad ng sinabi ko kanina, kahit pa saulado ko na lahat ng mga naranasan ko before, hinding hindi ko padin masasabi na di ako masasaktan. I've been through a lot of relationships, ...