Skip to main content

Gusto ko din naman maging priority...

Pakiramdam ko wala nang mas magiging approriate na title para sa gusto kong sabihin ngayon.

disclaimer: hindi sakin to, galing to isang malapit at clingy na kaibigan, kung saan naka experience sya ng nakakatangang scenario sa buhay nya..ang magmahal ng isang lalakeng walang alam gawin eh 'magmahal' ng tatlong babae all at the same time. Babansagan natin si kuya na bosz maphagmahal! Yung friend ko papangalan nating Linda.

I-summarize ko lang yung naganap sa kanya, para di masyadong obvious na para sa kanya talaga tong sinulat ko. Si Linda, matagal na syang single, feeling lang nya siguro yun. yung huli nyang shotabels eh babae. So alam mo na, bi si Linda. Recently, nagkaron sya ng ugnayan sa lalake na una eh kras lang nya. Nagkatinginan, nagkangitian. nagkalandian, nagkaululan..joke..pero ayun nga..Syempre nagkainlaban na sila..pero ayun ang akala ni Linda. Kasi gaga sya, sabi nya sakin eh fun fun lang, pero nafall ang gaga. Sino me kasalanan? Ako na nagpayo na i try nya hamakin ang landas ng pag-ibig o sya na pinush nya dahil akala nya eh walang sabit si kuya? Tama, si bosz maphagmahal ang me kasalanan. Gwapo eh!

Kelan ko lang din kasi nalaman yung totoong sitwasyon. Kaya bago ko pa man sabihin ang mga mali kong payo sa kanya,eto talaga ang sitwasyon nila: Si bosz maphagmahal may jowa, nag break sila dahil sa isang babae. So nagkalandian sila nung 3rd party, eh siguro hindi nasiyahan si bosz maphagmahal ke ate..umeksena na ngayon si Linda.. Pero marapat nating banggitin dito na hindi si Linda ang nag initiate ng kaharutan. Si kuya..nagpa cute at nainlab lang si Linda, nagpaka gaga ganon. Alam naman nya yung kakatihan ni kuyabels, pumayag pa syang magka special participation sa movie. Ngunit, subalit, datapwat..alam naman nating lahat na ang tao ay nagiging shunga lalo pag naiinlab. Eh etong kaibigan natin sa kapanalig eh na fall kahit ang una lang nyang plano eh funfun.hahahaha.

So syempre dumating na ang moving on stage, dahil unang una sa eksena dyan eh pag vverbalize ng concerned party sa mga kaibigan. Ayun nag emote si Linda ng walang humpay, alam naman nyang me kashungahan sya sa ginawa nya, pero too late na. nasayahan na sya, pero nasaktan din sya ng bongga..Dahil nagkaron ng pilian scene:

Linda: Mahal mo ba sya?
Bosz Maphagmahal: Oo.
Linda: Eh ako?
Bosz Maphagmahal: hindi ko alam..basta ang alam ko masaya ako pag kasama kita. Ayun naman importante diba?

Patay kang bata ka! saksak puso tulo ang dugo, patay buhay..umalis ka na diyan sa pwesto mo. Taya ka! game over! Good thing walang kemerlooo na naganap!

At isa sa mga linyang binitawan nya..

Mahirap ba akong mahalin? Pangit ba ako? Masama ba ako? Pagod na akong maging option lang..laging second best..gusto ko naman maging priority, yung ako ang pipiliin.

Sounds family?

Damn right! Once in our haggard lives, dumating yung panahon na hindi ikaw yung pinili..o kaya hindi ka first honor kahit alam mong mas shunga sayo ng konte sa math yung kalaban mo. Unless, pinanganak ka sa palad ng poong maykapal, eh hidni mo pa naeexperience maging hopia, wag mo ituloy basahin to. Di ka kasali.

Paano nga ba mag cope sa gantong klaseng pagdadalamhati. Ang maging salutatorian..ay..sa case ni Linda, first honorable mention lang sya..Pero best in PE. para may pampalubag loob tayo.

Bilang isang nagmamagandang kaibigan, sinabi ko sa kanya, na dumadating naman talaga tayo sa puntong ganyan sa buhay, pero hindi naman ibig sabihin non may mali sa atin. Hindi lang siguro favorable yung kaganapan. Hindi rin naman basehan ng pagiging mabuting tao o masamang tao pag naghiwalay ang dalawang naglalandian. Mahirap gamitin yung nagmamahalan sa kontekstong pinag uusapan natin, so landian na lang.

Lahat tayo, gusto natin pag nagmahal tayo ay mahalin din tayo ng taong mnmahal natin. Ngunit, hindi naman lagi, mamahalin tayo pabalik. Ang tanong ko, tuwing umiibig ba tayo, nag hahangad tayo ng kapalit, o nagmamahal tayo dahil ayun yung nararamdaman natin para sa isang tao?

Sa pagkakaalam ko, hindi naman natin main goal ang maging priority sa buhay ng isang tao, di naman kasi yan naiimpose. Kusa syang dumadating sa buhay mo, at yung tao na mismo ang maglalagay sa sa number 1 spot...hindi sya hinihingi, hindi sya ipinagdadasal, ipinag titirik ng kandial o ipinag sisigawan sa mundo..wag tayo maging desperada sa atensyon at pagmamahal ng iba. Bakit hindi natin unahin na mahalin ang ating sarili? Maging priority mo ang ayusin ang sarili mo, gawin ang mga bagay na nakapgpapasaya sayo, at mahalin ang sarili mo. Kapag kaya mo nang mahalin sarili mo, saka dadating yung taong magpapakita at magpaparamdam sayo, na mas masayang mahalin ang sarili mo na may kasama..

Wag magmadali...ang pag-ibig dumadatin sa tamang panahon, na hindi mo inaasahan.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...