Sa bawat pagtatapos at pagsisimula ng taon..ok din na alalahanin ang mga naganap hindi para magyabang o mang mata ng tao, kundi para mag shopping ng aral na pwede natin baunin sa bagong taon na dumating..
Adulting..ang salitang di ko na kayang iwasan habang ako ay tumatanda. Ang hirap ipagkaila sa utak kong kulang kulang na may mga bagay at desisyon na dapat gawin sa buhay para maging produktibo at sane pang citizen. Ngunit, subalit, datapwat, ang tadhana ay sadyang malupit at sutil..may mga batong ihahagis sayo na sa katangahan mo eh sasaluhin mo at iiyak ka na lang.. minsan kung nasapian ka ng tatag, sasaluhin mo at ibabato mo ulit sa tadhana ng mas matindi.
Sa taong 2016, masasabi kong hindi lang roller coaster ride! pagsamahin mo ang Space shuttle, anchor's away, extreme at ferris wheel! masalimuot, paulit ulit, masakit, masaya, nakakaiyak, nakakadegrade, minsan nasa ibabaw ka, nasa ilalim, umiikot, humihinto, uusad konte, kung tanga ka, mahuhulog kana lang at mamamatay. Dito ko naranasan ang iba't ibang klaseng dagok sa buhay..hindi lang basta basta lablayp!
Isa isahin ko naganap sakin sa taong lumipas..
Career growth? check!
Promotion and appraisal? check!
optimum health kahit alcoholic? check!
Financial stability? check!
finding my soulmate? check!
Rainbows and butterflies? check!
started investing? check!
plans on enrolling to school? check!
happy ang family? check?
true friends? check!
and then...twists and turns happened!
resigned sa stable na work..
nagkasakit, pumayat, pumangit
broke as fuck? big check!
pumunta sa bansang wala namang balak mag stay? check!
nawalan ng kaibigan? check!
iniwan ng akala mong soulmate? check!
nagpakatanga? check!
bumalik sa bansa ng walang kapera pera, pilit ipaalala sa kanya lahat ng pangako nya, nagpakagaga na iparamdam sa kanya na kaya kong ayusin lahat basta kumapit lang sya..pero wala na..huli na lahat, nakapili na sya..
waalng trabaho, walang pera, puro kahihiyan..sa pamilya kong na disappoint ko, sa mga kaibigan kong nagtatanong ano nangyare..
nagbenta ng kung ano ano, para lang di manghingi..
pero hindi naman laging nasa baba, parang ferris wheel, aangat ka din..for sure!
nakahanap ng trabaho..
nakakilala ng mga bagong kaibigan.
bumalik ang dating sigla
nasuportahan ko na ulit pang sine ng nanay ko..
nakahanap ng inspirasyon..na sa huli puro sakit at kasinungalingan lang din pala lahat (malas nga ata talaga ako sa usaping to)
Ang dami masyado..na kung pilit kong idedetalye isa isa..baka maiyak na lang ako sa sobrang qyarter life crisis na pinagdaanan ko. Yung depression ko, na di ko inakalang makakayanan kong lagpasan.. dahil nakakaisip na akong lumayo mag isa..wag na magpakita. pero naisip ko wala din naman magbabago pag ganun eh, mas malulungkot lang ako na lumayo at walang maglalaba ng damit ko.hahaha
Ayoko na pala ituloy..haha..kasi ngayon palang, naiisip ko pa lang bawat luha na naipatak ko para sa taong 2016, gusto ko na lang mag inom ng matindi para makalimot..kelangan ko na mag praktis ulit mag inom! para makalevel ko sa kaseksihan yung kras kong si elen adarna!! kelangan pala alcoholic ka para ganon ka seksi..samahan mo ng work out! sige..try ko yan! hahaha
Comments