Skip to main content

walang title

Certain people would come into your life and give definitions to words you only knew as words before..meaningless.

Certain people just pop into your life, and in a snap, they were gone as fast as they came in...but those people, sometimes, are the ones who engrave a mark in your life.

Itagalog natin para mas makabagbag damdamin.

Hindo ko alam anong misteryo ang bumabalot sa mga gantong tao. Nung di ko pa kasi na eexperience yan, akala ko hindi totoo. Isipin mo na lang, saglit lang kayo nagkakilala, saglit nagkasama, saglit naglandian, pero nung umalis..you're dead. dead like a double dead baka!

Parang imposible. Ayon sa pananaliksik..na hindi ko naman talaga sinaliksik, kung nag invest ka ng oras at panahon sa isang tao, yung feelings mo para sa taong yun eh equivalent din sa ginugol mong panahon na kasama sya.. So kunyare eh stranger lang sya na na attract ka sa kanya at naging close kayo..one week. yung feelings ko, kunware nainlab ka, eh konti lang..pang one week lang. kasi nga hindi ka pa naman nakapag hulog ng malaki sa paluwagan.. pano ka ssweldo ng malaki eh konti lang hinulog mo. Gets mo yung analogy?

So tingin ko sa mga friends kong nag eemote sa nang iwan na naka kemerluhan nila ng ilang linggo lang, eh....walang karapatan magdalamhati ng higit sa 3 days. Isa itong kaabnormalan na hindi dapat ginagawa ng matinong tao. Kadalasan talaga ginagawang shunga ng pag-ibig ang tao. Hirap bes!

Pero sige, ayoko magpaka hypocrite, dahil inamin ko naman na kanina na naganap na tong kababalaghan sakin, ikkwento ko na lang.

Naikwento ko na sya sa mga nauna kong blogs..medyo di ko mawari bakit hanggang ngayon eh di ko padin sya totally nawawala sa isip ko. Tipong naaalala ko padin sya almost everyday sa mga ginagawa ko. Kahit nga sa paglalabas ng mga nabubulok na produkto ng aking katawan, naaalala ko sya. Pero hindi ko naman masabing love ko sya, kasi di ko naman sinabi sa kanya yun ever. Yun yung weird don eh, wala naman declaration of love, pero alam mo lang na gusto mo pa sana sya maging part ng buhay mo, sa mga dahilang nakakatamad na ienumerate dito. Basta ang alam ko lang, nanghihinayang ako sa mga bagay na gusto ko sana matutunan sa kanya, chaka yung mga bagay na gusto kong i share sa kanya. Di ko alam kung isa pa ba tong form ng love, o friendship, companionship, o baka soulmate ko sya? Hindi siguro. hahaha..he can't tell me the things that bother his soul eh. Pero just letting me inside his dark world, I was able to get a glimpse of how it feels like to live inside his mind. It's like a darker shade of my head, of my disturbing thoughts and unyielding passion to be the best version of myself.

Hindi ko nga din alam minsan kung tama ba yung ginagawa kong hinahayaan ko lang sila mawala sa buhay ko..dahil sa paniniwala kong hindi ko kelangan mag effort na mag stay sa buhay nila kung destined sila to stay in mine..

Nawala na ako sa topic!! Ayun nga kasi, so hindi pala totoo na dahil lang sa saglit kayo nagkasama..saglit ka lang din dapat mag move on..Minsan kasi kahit matagal mo na kasama ang isang tao, hindi nya naipakita sayo yung mga bagay na kayang ipakita ng taong kadarating lang sa buhay mo. Bilang malaking believer ako ng destiny, naniniwala akong may mga taong dumadating lang sa buhay mo para iparealize sayo na hindi talaga sila mag sstay, at and tanging role lang nila sa kwento mo eh matuto ka ng isang bagay.. to keep believing in love despite hardships, heartaches, and katangahan. hindi sya nag rhyme, kasi ganon naman talaga pag shunga sa pag-ibig, alam nang mali, susubok padin..baka magwork. Pero malay mo nga naman mag work.

Ok contradicting na..Tapusin ko na lang to..ang totoo lang eh naalala ko sya..kaya ako napasulat. Naalala kong tumawag sya, isang gabing di ko inaasahan..nagpaliwanag,humingi ng tawad. sino ba naman ako para ipagkait ang kapatawaran sa taong lasing?hahahaha. Kelangan mong umoo sa ganon, kasi kukulitin ka lang pag di ka umoo. Tapos english pa magsalita, pano ka sasagot sa ganon? Pero totoo, wala naman na akong galit,o kahit ano. Gusto ko na lang manahimik, maging normal na nilalang na gusto mapag isa. Dadalaw na lang ako sa lugar na una ko syang nakilala..Ano to, reminise????hahaha. Wala..gusto ko lang ma feel ulit, yung mga araw na di ko naman na kayang ibalik. Bakit kaya napaka sentimental ko? at gusto kong alagaan yung sakit na naramdaman ko? kahit alam ko namang wala na akong dapat ipagalala sa puso kong manhid na.char!

Wakas.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...