Skip to main content

Kwentong Third Wheeling

Sa panahon ngayon, madami na akong kilala na single, sa napaka diverse na mga kadahilanan. Huwag na natin isipin ang edad ko, isipin na lang natin ang kapakanan ng mga kapatid natin sa kapanalig na mga wala pang nagiging romantic role sa buhay lately, kung hindi, mag 3rd (o kahit anong odd number gusto mo gamitin) wheel sa mga makekesong magshoshotabels sa ibabaw ng ating planeta. Ito ang mga kwetong third wheeling at iba pang kahindik hindik na katotohanan.
Sa mundo ng masalimuot na facebook, sa mundo ng puro hugot na twitter at tumblr, sa mundo ng puro goals (squad goals, selfie goals, at lalung lalo na ang relationship goals), alam na nating lahat na marami sa ating mga kaibigan ang nagmamapait at nagbbroadcast na walang forever. Ngunit, marapat natin silang intindihin, dahil dalawa lang ang ibig sabihin nito; nasaktan sila (broad na to masyado, dahil baka iniwan sila, o nang iwan sila, ikaw na bahala magisip kung san sila dyan), o di kaya single sila (hindi pa nila nararanasan ang bliss feeling ng salitang forever). Sino ba naman kasi ang may ayaw ng forever diba?
Pero hindi naman ako maglilitanya kung bakit madaming nagpupumilit na walang forever, kasi natapos ko nang isulat yun. Ang gusto ko lang talaga sabihin dito, dahil madami tayong friends na single, syempre hindi maiiwasan na sa isang barkada, pag maglalakwacha, laging odd man out- -  laging may odd-number wheel (3rd wheel, 5th wheel, etc). Kung hindi mo pa nararanasan ang wheeling activity, bibigyan kita ng tutorial dito. Maliban sa na memorize ko na ata ‘to, alam ko ang hinagpis na kaakibat neto. Joke lang, di naman malungkot mag 3rd wheeling, nakakatuwa sya actually, kasi nakakasaksi ng mga kasweetan nilang pwede mong hiramin. WTF? Oo, hihiramin mo, since friends mo naman sila bago pa man sila nagkaron ng lablayp.
Eksena #1.
Lalabas kami,catch-up ganon. Sa barkada namin, mga 7 ata kami average na lumalabas occasionally. Usually, ako yung nakaupo sa dulo ng table(o kaya yung isa kong friend na kapareho ko din ng kapalaran, makakarelate ka ditooooo.hahaha), dahil nga single ako ng ilang taon na. Dadating ang food. Alam mo na ang eksena bes! Magsasandukan sila ng kanin, magsasalukan sila ng sabaw ng sinigang na kasing asim ng pagmumuka ko pag ginagawa nila to. Madami silang couples eh. O kaya magsusubuan pa sila sa harap mo. Syempre, bilang pagrerebelde, sasabihin ko..
‘ganon na ngayon? Wala ba kayong mga kamay at kelangan nyo pa silang sandukan? Ako din gusto ko ng kanin!’
Ang mangyayare, ang mga friends ko ang gagawa ng mga to para sakin. Perks. At kadalasan nilang litanya sakin. Mag boypren ka na kasi. Bakit kasi ayaw mo pang mag boypren, para meron mag aalaga sayo.
Aba, kaya ko naman alagaan sarili ko ah? Bakit kelangan ko ng shotabels? (Pero sige, wag tayo magpapaka hypocrite, masayang me sasandok para sayo..bilang tamad ako.)
Eksena #2. Out of town.

Syempre madaming bag na dala. Ang mangyayare, paghahatian nila bitbitin yung mga bag ko. See my point? Bakit kelangan ko pa mag boypren kung kaya naman gawin ng mga friends ko at mga ka jowaan nila ang mga ito? Pero syempre, hindi naman nila ako tatabihan sa tent diba? Di naman nila ako aabutan ng panty sa cr pag nakalimutan kong kunin sa bag ko, o kaya di ko naman sila pwedeng lambingin sa gabing nag sstargazing kami. Ayun ang mga downside, na di ko din naman masyadong pnproblema atm.
Eksena #3.
Uwian na from pasyal etc, ang mahiwagang tanong..
“Paano ka uuwi?”
Lilipad!
Charot! Ibig lang nila sabihin, kanino ako sasabay, or kung mag isa ba akong uuwi, or magiging bula ka na lang at mag teleport pauwi. :p
Pagkatapos natin ihayag ang realidad ng pagiging certified 3rd wheeler! Dito na papasok yung Art!
Una, nagiging magaling kang photographer! Syempre, mabuti kang kaibigan. Marapat mong macapture yung mga candid moments nila na IG-able at pwedeng caption-an ng #relationshipgoals. Bilang ako ay hindi mabuti kaibigan, ang gusto kong knkunan ay mga stolen shots na maaring magamit na pang blackmail, kapag dumating ang pagkakataon na nagmamaasim ang tadhana!
Ikalawa, since kaibigan mo silang pareho na mag jowa, pag nagkatampuhan sila, maaring isa or pareho silang magvverbalize ng tampuhan nila sayo. Bilang mabuting kaibigan, wala kang kakampihan sa kanila. Magiging objective ka dapat sa mga sasabihin mo. Dahil hindi ako mabuting kaibigan, nakikinig lang ako, walang advice. Mahirap na mabinggo sa mga sasabihin. Lab ko sila pareho! Hahaha..Kunyare pipi na lang ako. Eventually magbabati din naman sila. Kaya di ko sila masyado pinapansin. Leche.
Ngunit, pag humantong sa break-up. Eto ang mahirap. Paano a mag rereact? Kasi for sure, ang isa sa kanila lalayo sa grupo nya. Hindi magpaparamdam. Rreach out ka ba sa isang kaibigan? O aaluhin mon a lang yung isa? Walang art dito! Mahirap to sagutan!
May perks din naman mag 3rd wheel! Pag sinama ka nila, minsan ililibre ka nila..o kaya ibbabysit ka nila, ppikchuran ka nila..ng mag isa ka! dahil nga walang nagmamahal sayo! Sweeeeet diba? Dalawa agad yung source of love and attention! Isa pa, kapag nagka problema ka, tas kasama mo sila..dalawang perspective agad makukuha mo..applicable lang to sa lalaket babaeng mag jowa, pag same sex..well magkaiba din naman.
Hindi naman malungkot maging odd man out..Madalas nag eenjoy ako na makasama mga couple friends ko..Natutuwa ako pag nakikita ko silang sweet sa isa’t isa. Naliligayahan ako pag nakikita ko yung posts nila sa isa’t isa sa kung saang social networking sites. Pag wala ang isa sa kanila, I mean, pag lumabas kami, tas yung isang friend ko eh sumama ng hindi binibit ang jowabels, hahanapin ko agad. Isa pa itong art ng 3rd wheeling..naappreciate moa ng salitang love kahit hindi ikaw mismo ang nakaka experience.
Wnwish ko na lahat ng couple friends ko ay magkatuluyan, maka attend ng kasal nila..at wala..dun nagtatapos yon. Ayoko na maging ninang..magastos, madami sila! Lugi ako.
.
.
.
Pero syempre joke lang yun..kahit pa maging 679 inaanak ko, ok lang sakin! Blessings yang mga little earthlings na yan!
May naalala ako bigla..isang disadvantage pag matagal na nasanay friends mong single ka, pag nagkaron ka ng someone na hindi mo pa naman jowa eh, for sure iistalk na nila, magbibigay g opinion at di mo namamalayan..makikita mo na lang ang friends mo sa lugar na pinag “papasyalan” nyo nugn someone mo, at aasarin ka nila ng walang sisidlan. Bilang isang napaka private na nilalang, di ko kaya to.hahahaha.
Pero syempre maappreciate mon a lang sila..dahil pag dumating yung panahon na andyan na si soulmate, para kang me Mariachi band na susuporta sa papausbong at nagmamaganda mong lablayp. 

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...