Para sa mga gaga: Paano mag move-on ng may dignidad
Sa panahong virtual na lahat ng bagay, ultimo kiss, hug and
everything nice, madalas nakakaligtaan na natin ang essence ng mga salita tulad
ng love, happiness, forgiveness at honesty. Hindi ko alam anong mga epektos ang
meron sa henerasyon natin ngayon, pero parang lagi na lang nagmamadali ang
lahat na umibig, makalimot at minsan pati maligo. Charot lang yung huli, kasi
minsan hindi naman nakakalimutan,sadyang ayaw lang maligo.ganon.
Napaka daming app na ang naglalayon mapagtapo ang dalawang
nalulumbay na nilalang. Sa madaling salita, dating sites. Bago tayo magpatuloy,
gusto ko muna ihayag ang sarili kong mapanghusgang opinion tungkol dito. Para
kasing nabubura na sa bokabolaryo ng mga tao ang mga katagang
courtship,chivalry ganon. Tunay bang hindi na yun importante ngayon? Bakit? Ano sila, mga starlet na nalaos na?
tipong hindi na pwedeng isabak sa pelikulang kaseksihan dahil kulubot na ang
kanilang balat? Naisip ko din, bakit lagi na lang mga bata ang gusto I feature
sa mga adult movies? Lumalabas masyado yung obsession ng tao na manatiling
bata..na nagiging malaking issue na sa lahat ang pagtanda..Ayan medyo lumalayo
na tayo sa original kong topic. :p
Kamakailan, naisulat ko, naikwento ko dito kalagayan ng isa
kong kaibigan na naging biktima ng pag-ibig. Hindi lang ordinaryong nagpa
alipin sap ag-ibig, kung hindi, nagpa alila at nagpaloko pa! So syempre, ang
susunod na hakbang pag na broken
hearted..MAGMOVE-ON!!
Eto ang pag-aaralan natin ngayon. Paano ba mag move-on ng
may dignidad at maganda padin, kahit alam natin wasak na wasak na ang puso mong
wala namang hinangad kundi mahalin din ng taong minamahal mo.
Disclaimer: ang mga hakbang na ihahayag dito ay pawang imbento
ko lang at hindi inaprubahan ng korte suprema o kaya ng barangay chairman namin.
Maniwala ka sa hindi, pinag isipan ko to!
Una sa lahat, pag nagmmove-on ay hindi parang pagbili lang
ng mantika sa tindahan, na pwede mong bilhin na de takal o kaya nakasupot na
may nakasaad na volume. Napaka complex neto, parang halo-halo. Depende sa
preference mo yung pwedeng sangkap.Minsan kahit yung mainstay na sago eh sa iba
hindi nila bet. Ang gusto ko lang sabihin eh, ang mga babanggitin ko dito eh pawang
guide or ideas lang na pwede mong gayahin or subukan baka mag work din sayo. So
chill ka lang pusong naging sisig, hapdian pa natin ng konte ang realidad mo,
sa pamamagitan ng mga suggestions ko.
Kung desidedio ka na talaga, ang pinaka una kong maipapayo
ay, kelangan mong umiyak. Kahit hindi ka yung tipo ng tao na nakikipag inuman
sa mga kaibigan dahil broken hearted, kelangan mong umiyak! Maari mo itong
gawin sa cr habang naglalabas ng masamang panahon sa kubeta. Sa school
library,or kahit saang library meron sa planetang ito, maari mo ding gawin sa
ilalim ng sampaloc tree, or mango tree, para pag nagutom ka pagkatapos eh
healthy ang meryenda mo..or para mas dramatic,hintayin mong umulan! Para mas
masidhi ang hugot pag sinabay moa ng iyak mo sa patak ng ulan. Kahit alam
nating pwede naman isabay sa shower ang pag iyak, mas maangas pag sa ilan mo
gagawin ang ating balak.
Pagkatapos mong umiyak,marapat mong makipag patintero ng
ideas sa sarili mo. Kelangan mong magdesisyon kung gusto mo pa bang mag stay na
sawi, or mag mmove on ka na. Kung ang pipiliin mo ay ang nauna,pakihinto na ang
pagbabasa neto, hindi kita kayang tulungan. Ngunit, kung ang pinili mo ay ang
huli, you’re in the right place melabs! We’ll try to make both ends meet, so
you can move on as soon as possible, gracefully. J
Isa pang dapat tandaan, pwede mo syang mamiss, hindi
mapipigilan na isipin mo sya,pero bawal kang umiyak ulit. Dapat one time
bigtime ka lang iiyak, walang repeat chorus! Furthermore, nasabi kong pwede mo
syang maalala, pero once na nafeel mo nang nalulumbay kana naman dahil iniwan
ka nya,at ang meron ka na lang ay ang mga magaganda nyong alaala, distract
yourself. Mag bunjee jumping ka para hindi na sya ang maiisip mo, kundi ang
buhay mong nakasalalay sa rope na nakatalisa paa mo. Distraction at its finest.
May mga rules tayo na dapat nating sundin. Kung gusto mo
talaga mag move on, kelangan mawala muna ang lahat ng koneksyon mo sa taong
ginawang bopis ang puso mo. Block mo sa fb, twitter, IG, tumblr, tinder,
grinder..lahat! burahin mo lahat ng pictures nyo, o kaya tago mon a lang sa
hard drive mo,yung tipong wala sa phone mon a pwede mong ma access ng
madalian.O di kaya ipa print mo tapos ibaon mo sa lupa, para pag gusto mong
tignan ulit, eh kelangan mo pa humanap ng pala at mag effort kakahalukay ng
lupa! O kaya kung nauubusan ka na ng pag asa na alam mong di mo kayang lubayan
ang kanyang alaala, eh ibaon mo na din sarili mo para sure.
Ikalawa, kung mag iinom ka, siguraduhin mong magtitira ka ng
konting sanity. Yung tipong hindi ka mag ddrunk text, dahil ayun ay isa sa mga
desperate moves na kailanman ayaw nating maganap! hindi ito maganda ilagay sa
resume.
Ikatlo, syempre dahil nag mmove-on nga tayo, we should feel
more beautiful than ever. To boost yer confidence, wag kang magstress eating.
Iwasan ang isang kaban na cake, isang balde ng ice cream, isang kaldero na
cookies, tatlong bandehado ng chocolates at daan daang tabo ng iced tea. Ayaw
nating muka tayong buteteng laot na nagdadalamhati sa gitna ng EDSA. Kelangan
natin paghandaan ang araw na maghihiganti tayo sa shwanget mong ex! Charot
lang! bad yun. Kelangan lang talaga natin ma feel good to get back on our feet.
Hindi ko naman sinabing kakain ka lang gulay gulay, dahon dahoon, isda isda,
tokwa tokwa..Kelangan balanced diet padin. Pwede ka din mag workout! Mag gym,
mag boxing para kahit paano eh mailabas mo sa muka nung coach ang hinagpis ng
puso mong hapis. Charot,wag sa muka nya.. dun lang sa ginagamit nyang malaking
parang kamay na ipapasuntok sayo, kung ano mang tawag don, ikaw na mag google
teh. Hirap din akong mag tali-talinuhan ngayon eh.
Ikaapat, ituloy mo
yung nakalimutan mo nang hobby na di mo nagagawa noon dahil busy ka makipag
date. Yung something na alam mong kaya mo mag excel, dahil chill lang sayo
gawin. Minsan, masaya mag move-on, kasi pag ginawa mo to ng tama,mas makikilala
mo sarili mo, mas malalaman mo yung mga bagay na di mo naman naiisip dati. Para
‘tong hitting 2 birds with one stone, meaning nag mmove-on ka pero at the same
time, me ginagawa kang nagpapasaya sayo! Magbigay tayo ng halimbawa, dati eh
bet na bet mong maghabi ng mga pajama! Or mag ganchilyo,o kaya mag timpla ng
kape, na madaming creamer! Pwede kang mag enroll ng advanced classes sa pag
gaganchilyo,malay natin pwede na pala itong gawin ng nakasabit sa hanger yung
sinulid, ayon sa latest update ng advanced ganchilyo level 450.
Ikalima…kadalasan, kapag ang taong nag mmove-on eh nasa
acceptance stage na, nagkakaron ng ganitong thoughts: “bakit kaya ako iniiwan
lagi?” “mahirap ba akong mahalin?” “pangit ba ako?” “ano bang mali sakin?” Ang
ikalimang utos ay wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nagaganap sa life mo,
lalung lalo nap ag iniwan ka ng pogi mong ex. Dahil walang mali sayo, mali lang
yung timing ng mga kaabmormalan nyong dalawa. In short, sadyang hindi lang kayo
meant to be magsama nung panahong yun.
At panghuli..bilang iba iba ang tao, ipinapaubaya ko na sayo
kung paano mo tatapusin ang listahang to. Finishing touches ganon..Baka gusto
mo magpa-spa, magpagupit katulad ni Bea Alonzo sa one more chance..O di kaya,
iparetoke mon a lang yung muka mo para maiba naman. Ikaw bahala. Ito lamang ay
ideas na nag work para sakin..isipin mo lagi na lang ako nasa moving on
stage,andami ko nang namaster na hobbies ko dahil kakabalik ko sa stage na to.
Residente na nga ata ako ng moving on. At pakiramdam ko, dahil sa dami ko nang
kaibigan na pinayuhan ng mga ganto, isa na akong tour guide sa paglalakbay sa
mundo ng moving on stage.
Sa huli, hindi din naman ako amg masusunod dito, sabi ko nga
ang pag mmove-on hindi parang Math na may definite at universal sagot sa bawat
equation. Hindi rin parang baking na dapat sakto ang measurement..Para tong
modelling clay..tama ba? O molding? Leche. Basta parang clay. Kasi pwede mong
hulmahin ng naayon sa gusto mo..parang chopsuey na pwede mong dagdagan o
bawasan ang ingredients depende sa panlasa mo. Kung gusto mo lagyan mong tomato
sauce, para maiba.
Para sa mga gagang katulad ko na nagpaalipin sap ag-ibig,
hindi naman laging masakit ang magmahal. Sana kahit maka move-on ka..sana kahit
matapos mo lahat ng mga to, hindi parin mawawala yung paniniwala mo, na sa huli…lahat
tayo ay may nakatakdang human earthling na darating sa buhay natin, para buuin
ang jigsaw puzzle na hindi naman ikaw ang bumili! Exchange gip lang ganon.
Good luck sa paglalakbay, sakaling makasalubong kita, libre
ko na tour mo!:)
Comments