Skip to main content

Getting Old vs Sedentary Lifestyle

In relation sa kondisyon ng balat ko, na di ako pwede magpawis, ang pinakamatindi ko ng activity ay maglakad lakad sa office, from my station to restroom.Mejj malayo kasi,mga 54 steps. Di pala ako sure,pero ayun yung estimate ko. Ibilang ko mamaya pagpasok ko. Naalala ko bigla yung binili kong pedometer sa Lazada!Unang una, bumili ako non kasi steps counter daw sya. Gusto ko kasi sana mag set ng goal per day na mag 800 steps.Pero nung dumating sya sakin,maliban sa sobrang liit nya, kasing liit ng box ng posporo, hindi sya nagbibilang ng steps. KM/Calories/Miles ang mnmeasure!! Nakakainit ng brain cells, sayang yung pesoses ko. Anywaaaaaaay, going back to our main topic!

I’m not sure if this is my body saying I’m getting old or this is just one of  the effecst of my sedentary lifestyle..PIMPLES ang problema ko talaga. Ziiiiits are popping on different parts of my face every 2 weeks! Buti na lang isa isa lang.:p Also, my face gets sooo rough and dry. Parang 'before' ng isang commercial ng moisturizing soa, kapangalan ng isang ibon. Eagle? Charot corny!:p uwi na me. Maybe it’s time for me to buy those moisturizer things, do a little facial here, and there and everywhere.Baka maging laman na ako ng watsons every payday, kakabili ng mga pamahid sa balat at muka! Sa totoo lang, it’s a huge change for me. Nakakapanibago, iba talaga ang youthfulness eh! Dati hindi ko naman problema to, kung magka pimples naman ako,nawawala agad, chaka hindi nagkakapimple marks! tas yung freckles ko mejj nag ddarken lalo. Goalz sana ang freckles dahil yung iba nating kapatid sa kapanalig naglalagay pa ng faux freckles, ako meron! tas reklamo pa ako? Kaya hindi ata naasenso Pilipinas! But, then again, people grow old, and you really have to take care of yourself. Nagkataon lang na I don’t have these issues before kasi nga I’m still young, and luckily I’m not the pimply type. Ngayon, siguro nag iiba  na yung processing ng hormones ko, iba na siguro department head nila..kaya naiba.. Corny na naman. Saktan ko na sarili ko! :p

Naputol na naman train of tot ko..distractionssss - - Salbakuta song and Mango yoghurt..:p

So, what products do I have to use for my face and my pimplets?


Comments

eg said…
you have it on your phone - it says 'health' and it counts the steps you take, when you have your phone with you
RV said…
well well well..wala ako non EG. hahaha. hinanap ko pa talaga, but according to research and development, pang iphone yun. you may have forgotten,I'm an android alien user. :p
Anonymous said…
It's google fit for android :)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...