Skip to main content

Skin Update Part 636,372,917x, find the value of x

When I thought everything’s going back to the way they were…something will ruin your positivity and test your patience.

Yep, skin related blog again. It’s almost a month that the only sugatsss left are on my binti, 2 binti. Haha. So, I started to do some nakakapawis exercises and activities..like walking a few meters! Walking lang, baka mawalan ako ng malay tao pag tumakbo kasi ako eh.:p Isang araw, niyaya ako ng pamilya ko magpamasahe.. syempre ayoko, kasi nakakahiya yung balat ko, baka ijudge lang nila ako o kaya tumanggi sila na masahihin ako dahil nga me sakit ako sa balat. But then, hindi pala judgy yung spa na napuntahan namin (nakapag build na pala ng rapport si mudra). At pers taym kong nagpamasahe non! Ibang level! Ansakit pala pero masarap! Alam mo na, parang ano.. para akong nalamog na papaya. Chaka yung oil na ginamit, anlagkit the, pakiramdam ko kulang na lang ako ng salt and pepper pwede na ako isalang sa oven, para maging dinner mamayang gabi! Pag uwi sa bahay, medyo di ko na kinaya ang reaction nya sa balat ko. Hindi ko na pinansin ang pamahiing matindi ang paniniwala ni Veronica, mababarang pag naligo after masahe. Charot lang, hindi mababarang. Mapupulmon! Joke again. Basta merong magaganap na hindi kanais nais. Baka mababaog!

Aguy, after some 2 or 3 days, I’ve been itching again on my braso and torso! :’( This makes me cry. Ano ba? Hindi na ba ako makaka move on dito? So akala ko dahil lang sa ayaw ng balat ko yung oil, kaya nangati ako. But then, ayaw ng balat kong hawakan pala sya ng iba! Tengene, bumalik yung mga sugat koooo! Huhuhu. Like, nagstart na ulit sa braso ko. Huhuhuh. What to do? It’s been 7 months! I’m starting to lose weight, and I want to lose more. I’ve been avoiding food high in sodium content, I try my best to skip the sweets section whenever I buy stuff from the convenience store. I just need to burn calories, bakit ayaw mo skin? Wwwhhhyyy? Paano ako papayat? Mag bbeach na ako sa December! Why you making me suffer still? Ayaw ko na maghanap ng bagong derma. Ayaw ko na mag medications and ayaw ko na mahirapan just what I’ve experienced months ago.

I don't know what to do!:( 

Yef, this is a short blog since I just want to document my anxiety right now. Dahil pag ako naka recover from this, I wanna look back and just appreciate my before this and after this situation. If ever I get to be ok till December, I'd be the happiest in this entire galaxy! 

Comments

eg said…
it's the oil. nu bayan gratiella. ingat
RV said…
Eh sabi ko nga yung oil diba?:p Malay mo kasi yung kamay nung ate, nabarang ako ganon.

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...