Skip to main content

Most Number of Blogs in 1 year!!!!!!!!

Bilang me sakit ang lola nyo at wala akong maisulat dahil kinikilig me...secret bakit.:p Parang Lady Gaga lang ang peg, 'I've got a hundred million reasons to walk away, but baby, I just need one good one to stay'.Yeff, gaga eh.

Anyway, di naman yun yung topic natin today! Dahil nga wala akong maisulat na nakaka entertain sa isip ko maliban sa mapanghusga yung doctor sa ospital kahapon, tinanong ba naman ako kung sure ba akong di ako buntis?! Unang una sa lahat, ang unang tanong nya sakin, "kelan ang huling mens?",sabi ko, "nung 20 lang po". Sinegundahan ako mga beshie, "So sure kang di buntis?" Aba aba aba! Doc chubbilog me, but my womb is empty, aside from my accumulated blood for the next bloodshed! Kita mo nga naman, naka isang paragrap na ako! Hindi talaga to topic natin.

So ayun nga, I was replying to someone in one of my blogs nung nakita ko yung total number of blogs ko each year since 2010. And the winner is!! Candidate 2012! I was at all time high 50 blogs! Wag ka na umepal,oks na yun. Di ako busy non, kasi maliban sa wala ata akong permanenteng trabaho non, eh alcoholic ako non. Matindi tama ng alcohol sa imagination ko..

But then came 2017..November palang mga lodi, 52nd blog ko na to..:) Gusto ko sana gawing goal na i 100 ko before 2018, but that's too ambitious! I-set ko na lang sa 75! Pag hindi ko na reach yan, kelangan ko mag penitensya at hindi kakain ng kanin sa New Year's eve. Hahaha. Apaka piglet, kanin ang ginawang reward!

...Commercial: Me tumatawag. kanina pa 'to, gusto ko pagsalitaan ng masama at sabihan na labag sa human rights ang tumawag beyond 7pm pag business related. Pero baka kasi umorder ng cookies ko sayang! but then again, hindi naman number ko nakalagay sa mga produkto namin. Sino kaya to? Pag recruiter dadagukan ko to, rereklamo ko sa 163 ng harassment!!. Bantay bata? :p

Hellooow?Sino ka? Pak inglishero si kuya! Recruiter. pero ang tanong "Are you ok? Are you out of the hospital?"Charot ko lang yung sino ka..Hello mo palang alam ko na sino ka. Baka nga hibla palang ng buhok mo alam ko na ikaw yan. Joke lang, di ko kaya yon. I just know. Nawala english ko, feeling ko naanod kasama ng tubig baha kanina. Di ako makapag salita. Andami kong hanash dito,pero biglang bulag, pipi't bingi ako. Bakit kasiiiii? May sakit lang ako, malayo to sa puso, di pa ako mamamatay! Pero yung naganap, para akong aatakihin sa puso.(bakit hindi inaatake sa liver? sa spleen? Hindi ba inaatake yung ibang internal organs? Discrimination!) Ikaw pa maging rason ng pagkamatay ko, hindi ko na maabot yung 75 blogs kong goal. Pak content!Bukas ka sakin.

Dahil sinimulan natin sa kanta ni Lady Gaga to, tapusin natin ng isa pang Gaga song, collab nila ni father Tony Bennett. Ganto netong playlist na to, swabe! sarap pakinggan ngayong bed weather..<3 I can't give you anything but loooooove,baby. that's the only thing I have plenty of, baby. Dream a while, scheme a while you're sure to find.Happiness and I guess all those things you've pined for..:)


Comments

Anonymous said…
Pano umorder ng produkto mo? COD ba yan? Hehe, saka pde ba yan panregalo sa iniirog? ��
RV said…
pwedeng pwede ipang regalo sa iniirog, lagyan ko pa ng paper roses at greeting card!:p
Anonymous said…
Pano umorder?
Anonymous said…
I'll email you.

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...