Disclaimer: Ang sulating ito ay hindi para sa mga may sakit sa puso, sakit sa chan at may angking kaartehan sa katawan. Naglalaman ito ng mga nakakadiring detalye tungkol sa mga produktong hindi nalusaw sa proseso ng digestion. So alam mo na..tungkol to sa jebs, or for lack of a better synonymous term..tae.
Hindi ko minsan lubos maisip bakit taboo sa mga tao ang pag-usapan ito tuwing kumakain. Hindi ba't eto naman ang mga kinain natin? Eto yung kaluluwa o espiritu ng kinain mong burger, pizza, pasta, caldereta, adobo, mangga, kwekkwek, french fries at kung ano ano pa. Sa susunod ng pag uusapan nyo ang jebs sa hapag, mag disclaimer ka din, "in loving memory of the pizza bae i ate yesterday, ang kulay nya nung lumabas ay kulay brown, may kasamang greenish thingy na ang hula ko ay yung dahon o bell pepper na toppings". Ganyan, at least magalang padin.
Minsan na akong natanong bakit lagi akong nagjjebs..After kumain or di kaya random parts ng araw ko makakaramdam na lang ako ng pagkatok sa may labasan, at pakiusap na.."boss labas na kami, masikip na dito". Tama nga naman, since kain ako ng kain, marapat lang na bawasan ko ang nasa highway, dahil hindi naman humahaba ang intestines ko, limited slots lang ganon. Madalas ko itanong sa mga nagtatanong sakin, "mabilis lang talaga ang processing sa loob..may fixer."
Madami din akong kilala na same lang din naman ng kalagayan sakin, alam kong hindi ako abnormal dahil yung iba nga, right after kumain, or di kaya during meals...nakakaramdam na ng rebolusyon na pasimula palang. Para lalo natin maintindihan ang excretion process o pagjebs, narito ang ilan sa mga facts na natutunan ko lang sa science class namin nung bata pa ako..
Alam mo ba..na ang bawat pagkain, nakakaapekto sa kondisyon ng pagtae mo. Ang mga madadaling tunawin ng stomach mo tulad ng gulay o prutas, o grains..mas mabilis ang excretion time nya, dahil hindi sya matagal tunawin at mas mabilis din ang absorption ng nutrients, mas mabilis dun syang dadaan ng large intestines kung saan, papadausdos na lang sila at kakatok sa may exit point..dito ka na makakarinig ng tawag ng kalikasan. Kung isa ka naman sa mga species ng carnivores, o mga taong mahilig sa meat..Kayo ay mga nilalang na walang sing baho ang utot. solid mainit ang labas ng hangin sa pwet..walang pag iimbot, at nagmamalaking "UTOT AKOOOOOOO". Kaya pag tumae ka, tangna brad..submarine! lumulubog agad. mabigat eh. Ang karne ay complex food na medyo me katagalan lusawin..kaya marapat na nguyain silang mabuti, para nadin pagtulong sa stomach mo, na gigiling sa karneng nilasap mo ng maigi. Since matagal ang pang tunaw dito, mas delayed din syempre and absorption..so medyo magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa large intestine dahil mabagal ang takbo ng 10 wheeler truck, kesa sedan. So kunyare kumain ka ng all meat ngayon..ayan ang unang nakapila..mabagal..kung ang mga sumunod mong kinain ay mangga, malunggay, dahon ng kamote, cereals, pinya..na digest na sila, kung karne mo hindi pa..so standby lang sila sa pila..ma sstuck sila mga bes..
Gantong scenario:
Isipin mong malalaking bouncer ang mga karne na kinain mo, galit o seryoso lang sila by nature..nakapila sila sa bituka mo. Tas yung mga kinain mong gulay at prutas..mga hippie na nagkakantahan lang, swabe lang ganon.. Kaso nastuck sila sa mabagal na daloy ng trapiko. siksikan. Habang padami ng padami ang kinakain mo..padami ng padami ang nakapila.. lalaki chan mo, hindi ka na makakapag cropped top mamayang gabi. :p
Isa ring nakakaapekto ng daloy ng trapiko ay hydration..Dahil kung kakaunti lang ang tubig na dadaloy sa katawan, kasama na ang intestine..ay walang pampadulas, mahirap umusad ang jebs, ang resulta? constipation..mahihirapan ka magsilang ng tae mamaya pag kulang ka sa fluids. Kaya ugaliing uminom ng tatlong litro ng tubig sa isang araw. Hindi totoo yung 8 glasses per day..wala namang standard size ang baso..
Eh paano naman yung jarya? Ano yun nasobrahan sa tubig?
Ang jarya, me malfunction lang sa makina..Nasiraan sa TPLEX ganon..(diba may daan dun na ang tawag happiness?????) Kelangan lang ng konteng repair. Ang nagaganap kasi, isipin mo ang ideya ng osmosis, may higher o lower concentration ng solutes and solvent..sa intestines, pag mas madaming naabsorb na solutes, di makapasok ang fluids sa mainstream, nag rereroute na lang to palabas..Kaya madaming tubig sa tae. There's no other way but out na! O kaya kung lactose intolerant ka, na ibang usapan na, eh explosive talaga ang pagtae mo kung kumain kayo ng may dairy.
Para tapusin ang usapang nakakadiri, maniwala tayo sa mga chismis na dapat, kung gusto mong pumayat, piliin mo kakainin mo..Kasi nakadepende sa diet mo yung lalabas sayo. Google mo na lang yung mga tanong mo tungkol sa tips ng pag ddiet.
Najjebs na ako eh..Sarap ng mangga na may patis kanina..:)
Comments