Skip to main content

Current satans-sacrificial-waterfall thoughts

Hindi ko malaman anong gagawin ko dun s Wordpress kong site..:( I have the idea in mind, di ko lang magawa..FOCUUUUUUS. RESEARCH.

Chaka baka dahil nagugutom ako kaya siguro nagpapanic ako,and i dont know what to do. Chaka dahil Satan's sacrificial waterfall arrived, that's why I've been very emotional and hungry all the time since yest and today. Yesterday may ganap sa office, it wouldn't really make me cry kung normal day,but then it was my first day, na trigger ako sa malditang section manager don, na bago!

Usually, I'm one, if not the last person to leave the office because of my end of day reports, but yesterday, since the managers have this practice for I don't know what, they stayed for a while after their office hours. One of my end of day thingies was to print planners for the recruiters. Bago ako nag print,walang nag pprint. Most of the time tinitignan ko muna if may nag pprint, if there are documents na nag pprint by other people in the office,para hindi mag mix up. So, wala. So chill pa ako, may dala akong papel, pumunta ako sa printer. Pagtingin ko!sa special paper sya nag pprint!!, eh medyo taga bundok ako I dont know what button to press sa printer para tumigil.I literally ran back to my pc and cancelled my documents printing. Nakita ko me nagpprint ng special awards! Fuck!!!! Pagbalik ko sa printer, I was contemplating what to do..tas dumating ang me ari ng special paper.  Alam kong manager sya, not from our business unit,pero alam kong manager sya, chaka malapit lang station nya sakin. Then, I told her i didn't know she's printing, sorry din sa special paper nya na  naprintan ng planners..I was really sorry. Hindi sya nagsalita, nag grunt lang sya na nabbwisit tas umalis sya..Umalis din ako, to print again. Tas nag sorry ako ulit when she passed by. Tapooooos, after a few minutes, lumabas ulit sya from the OM's office, kasunod nung OM hawak yung special paper. Kilala ko and kilala ako nung OM, so I said sorry sa kanya din. sabi ko di ko naman sinasadya..I heard the lady manager na di ko kilala, sabi nya 'nung nag print ako biglang may ibang nag print! that's why im boiling right now' sabi nyaaaa..sabi ko sa Om di ko naman alam, di ko din sinasadya. Tumatawa lang sya,sabi nya ok lang naman daw. Pero yung babae! naku, sinabihan pa ako nung paiyak na ako 'hindi naman kita pinagalitan ah'. Naging mabait sya nung andun na yung OM. After nun, wala na..i broke down na..nasigaw kasi sya  di naman sya maganda! Anyway, after nun kumain naman ako ng pizza dahil anniv ng promotion nung manager ko. So happy na ulit. See the emotions and hunger in one story? hahaha

Pagdating kong bahay, natulog ako agad. Grabe pagod ko talaga this week. Napaka stressful sa office, ngarag sa baking goodies, no sleep. Haggardo verzosa ,mga beshies lodi petmalu!

Paggising ko around 11pm, gusto ko ng ice cream, brownies at cheeeetos. And since i dont usually eat chuchirya and ice cream on normal days, dahil I'm tryna lose weight, cheat day, red day!!!:))) yehey. Konting consolation naman sa pain na nararamdaman ko sa parusa sa mga hindi buntis monthly!!!

Now, I want goto, okoy ng Marikina na mukang lumpia, and Caramel frappe. Second day ko!! bawal mag judge!:p Ewan ko kung ilang beses ko na to niyabang, pero I already lost 8kg since last month!!:p More fats to sheeeeeed. Kaya ko yan..and, medyo magastos padin para mawala yung mga iniwang bakas nung sugat ko sa buong katawan! At stretchmarks, di kinaya ng balat ko yung pagtaba ko nag iwan ng bakas ng magkaka stretch. hahaha.

Before the year ends, I vow to myself that I will learn to ride a bicycle!:p Wag mo ko ijudge. hahaha. Di ako marunong, kaya kelangan ko matuto. Baka mamatay ako soon di man lang ako marunong mag bike. hahaha..:p

Andami kong hanash today.  End.

Comments

planktrooper said…
Hi RV!

This is a funny post!More of this please, im happy things got straightened out with your personal life.there are days tlga na di mo alam saan ka lulugar but at the same time temporary lng yan,lyk i said b4 hehe i hope to visit you and buy some of your goodies.just not sure when :) anyway its good to hear from you again after your brief hiatus. See you soon!

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...