Skip to main content

Medusa, Isang Taon na Pala

Masyadong masaya yung mga posts ko lately..gawa tayo ng konting lungkot.:p 
.
.
.
Isang taon na pala ang nakakalipas nung pinatatak ko sa likod ko ang muka ni Medusa kasama ng mga alaga nyang ahas..Naalala ko gaano kasakit yun, pero dahil isa akong magiting na mandirigma ng pag-ibig, mas iindahin ko pa ang sakit ng iniwan ng sinisinta kesa ang zzzztttt ng pagtattoooo.
Isang taon na nga pala ang nakalipas, nung dinalaw mo ako sa secret hiding place, at narinig ang matamis mong halakhak kasabay ng mga kwento mong unang beses ko lang napakinggan. 

Natapos na pala ang tatlong daang, animnapu't limang araw, naaalala ko padin ang mga mata mong malamlam, na nagniningning tuwing tatawa o ngingitian mo ako. 

Nagdaan na ang limapu't dalawang linggo, wala pading pagkakataon na di ko naaalala ang tamis ng bawat halik at init ng iyong bisig, sa tuwing ako'y iyong yayakapin.

Iniwan na tayo ng labingdalawang buwan, pero tuwing naririnig ko ang pangalan mo, para pading dinadaga ang dibdib , humihiling na sana hindi mapansin ng tadhana na ang puso ko'y tumitibok padin para sa taong hindi ko na alam kung naaalala pa ako.

Haaay, tapos na lahat yon, pero kilig at hapdi padin ang nararamdaman ko.

Isang taon na yun.. nung nahulog ako sa bitag ng walang kasiguraduhan...kung pag-ibig nga ba o paghangang nalason lang ng malisya.

Matapos ang isang taon, nawala na ang alaala ng hapdi ni Medusa sa aking balat, ngunit ang mga alaalang iniwan mo, dumadaloy padin at nananalaytay sa dugo, tagos na hanggang buto.

Isang taon na, pero bakit kaya ikaw padin laman ng mga sinusulat ko? 

Isang taon na, pero bakit naiisip kita sa mga di inaasahang oras , tulad ng paglabas ng kaluluwa ng mga kinain ko sa banyo?

Isang taon na, pero bakit pakiramdam ko yung masasaya nating pagsayaw sa huni ng kaligayahan ay tila isang araw palang ang lumipas?

Isang taon na, pero bakit iisa padin ang tanong ko kay Medusa...kelan ka ba matatapos? 

(di pa kasi tapos yung backpiece ko hahaha)

Dadaan pa ba ang isang taon, bago ko tuluyang ibigay sa hangin ang mga alaala natin? 

Dadaan pa ba ang ilang dekada, bago ko ipaanod sa dagat ang natitirang pag-asa sa puso ko, na balang araw, makikita ulit kita, mahahagkan at muling masisilayan ang ngiti mong nakakakilig parang Coke diet.

Dadaan pa ang mga araw, mauuna nang matapos si Medusa, madadagdagan ang mga tattoo ko sa katawan, ngunit hindi na ata magwawakas ang pag-ibig na tinanim. Panonoorin ko na lang syang yumabong at balang araw, darating si Prince Charming at bubunutin nya ito, at ipapakain sa kabayo.

Wakas.




Comments

Anonymous said…
"bubuntisin" yun unang basa ko sa last sentence, kala ko continuation sa previous post, haha
RV said…
waaaaah! you judgy!:p
eg said…
I keep coming back here in this site. I never forget

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...