Skip to main content

Bakit hindi nakakabuti magsuot ng jumpsuit?

Hindi ko alam kung nabanggit ko na sa mga naunakong blogs na parang ang kapalaran ko maging "mag-isa" sa trabaho ay kapalaran ko na talaga. Let me explain why..

Dati,sa pinanggalingan kong company sa hindi masyadong kahabaan ng Libis, na dating puro talahib lang ay, na promote ako bilang PIE. Nanggaling ako sa pioneer account, at first time na magkakaron ng process improvement samin, dahil lumalaki na yng account. I just tried lang naman..why not? hindi ako natanggap nung first time kong nag apply as QA, so baka eto na ang chance ko. Salamat sa mga nuno sa punso at mga santong naawa sakin..natanggap ako at ito talaga yung gusto ko. Well, masyado din ata ako nagustuhan ng boss ko at after 2 years..hindi ako binigyan ng kasama.. kahit pa nag OT ako araw araw just to make the load lighter the next day..pero hindi pala..nasa isip ko lang na gagaan yung work ko dahil hindi naman.same shit pa nga..and more! At some point, ginawa pa akong POC dahil meron akong mga ka team under the same department, but different account..So, I managed their scorecard and stuff. And now, medyo same fate padin beshie. Iniwan ako nung kasama ko talaga as concierge people..meaning we do reports for the account and for it's management. Same biz, i do tasks which should be handled by two people.Now, just to make things worse, I just ended my relationship with a guy I thought would never cheat on me.oooops! nag emote na naman ako. ahahaha

Ooookkk, so bakit hindi nakakabuti sa ating kalusugan ang pagsusuot ng jumpsuit? Well, wala naman direct impact to sa kalusugan, pero jusko maryosep na inang kalikasan, tatawag pa ng dalawang beses kung saan nasa opisina ako. Gets mo? Ang jumpsuit ganto ang ichura:



Overalls. credits to google.
There. self explanatory. So ayun nga, parang ganyan suot ko pagpasok ko sa opis. naka sneakers nga lang ako at denim jacket. Pang FPJ movie ang datingan!At hindi ganyan cleavage ko. Malayo sa hinagap ng katotohanang hubad. Masaya sya isuot. Super comfy, very conservative looking! at natatakpan ang mga chismis sa aking balat. Until! I felt the sudden urge to deposit bad spirits..Syempre direcho pantry..charot sa cr ako nagpunta! Nag novena muna ako. Actually pagpasok ko sa cubicle. Dun ko lang na realize yung magaganap. hinubad ko yung denim jacket,..Oh deputa suigion reyna!!! tatanggalin ko lahat. :/ fcuk!! huhuhu. eh wala na akong magagawa! Kelangan ko na to ibigay sa kalikasan, may Team lunch pa kami mamaya. So ayun. ang hubad na katotohanan! Hindi pang konserbatibo ang kaganapan. Naulit to, a few hours after ng team lunch. Yodeputs naman mehn! bakit kelangan pa umabot sa gantong eksena..pwede naman sumakit na lang yung chan ko pag uwi ko sa bahay!!:/ So tiis ganda besh! 

Ngayon, sasabihin ko na bakit nakakasama talaga to sa kalusugan. Dahil pag me gagawin kang kababalaghan o kaya iihi ka lang..mag nnaked truth ka sa cr, so pipiliin mo na lang na wag uminom ng tubig at wag masyado kumain ng gastric irritant para di na kelangan ng toilet trips. Pag pinigil mo ang pag ihi mo, ng ilang oras,maari ito maging sanhi ng uti, at syempre pag pinigil mo ang pagtae .. yep I already said it..ang mangyayare, ay maiipon ang toxins sa iyong katawan at sasabog ka..pppoooffff!and it became koko krunch! 

Mag susuot pa ba ako ng jumsuit? aba'y oo naman! dahil bumili ako ng ilang ganon online! hahaha. hindi ko na nga lang isusuot sa office, dahil hindi sya masaya tanggalin at ibalik.. tas uupo ka sa harap na naman ng computer at iisipin mong.."omaygaaaad, I was naked earlier!" charot! walang ganon. 

Hindi ko alam anong point ko..hahaha..isusuot ko na lang. ganon din naman. Pero ang brilliant idea ko!! dahil spaghetti strap yung jumpsuits ko, pwede akong...magsuot ng blousey sa loob, para di na ako naked truth..barely naked na lang.:p O kaya wag na lang ako pumasok sa opis! para di na ako mag iisip ng isusuot! Mas magandang idea. cheret!

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...