Skip to main content

Just another entry of how my day was

Nung nakaraang long weekend, medyo naburo ako sa higaan kakanood ng vlogs ng kung sino sino. Kaya naisip ko, subukang gumawa ng vlog. Ngunit,subalit,datapwat..hindi kaaya aya ang tunog ng boses ko sa video...so paano na ang gagawin ko? Well, hindi ko pa naman nasusubukan, chaka para kasing tanga beshie. Kinakausap mo yung selpon mo, eh hindi nga ako masyado maselpi na tao, video ko pa kaya sarili ko. Sooooo, naisip ko ay.. secret. Saka na. susubukan ko muna bago ko sabihin.

Anyway, para lang maidocument ko ang buhay ko bilang chubby at madaming emerut sa balat, I am officially independent! hahaha. from any derma, nag decide yung mudrabels kong wag na magpatingin sa doctor. Una, dahil paulit ulit lang naman ang ginagawang treatment regimen sakin..mostly steroids, and madami lang dagdag na ibang ewan pag nag iiba ako ng derma. Pangalawa, same lang din naman ang nagiging reaction ng katawan ko, tuwing ittaper down, nagbabalik ang mga eewwwiii sa balat. Pangatlo, hindi naman ako naigi, depressed and getting fat padin ako. So since alam ko naman mag taper down ng dose ko, ako na nag decide when to lower it. I'm planning to start every other day dosage na half tab on Monday. Tapos magpapatawas na lang ako sa albularyo chaka maglalanggas ng dahon ng bayabas at magpapausok sa sinunog na bunga ng santol..pero joke lang yon. May nadiscover akong ipahid, ang aloe vera soothing cooling gel..muka syang young's gel na ginagamit ng mga kababata ko nung grade6 palang ako. Pero na rrelieve naman ako lalo pag kumakati ang bawat mapa sa balat ko. Pero pag tanghale o hapon talaga nag fflare up silang lahat. Kelan kaya ako gagaling?

Napag desisyunan ko din mag renew ng PRC license, nakapag schedule na din ako kung kelan, para wala ng kawala..iniisip ko din mag renew ng IVT license. bumalik na lang kaya ako sa pag nnurse? Medyo namimiss ko din kasi,pero ang totoong namimiss ko mag aral. Mag enroll na lang kaya ako? Masters? Associates degree? yung mga non bacaloryat (hirap ng spelling eh) degrees! Kelangan ko na din matuto mag park ng sasakyan, dahil parang kaabnormalan naman kung gusto ko mag roadtrip pero wala akong lisensya diba? Bakit ba kelangan pa lagi ng lisensya? Gastos lang to, at diba, parang kelangan mo pa ng plastic na may pikchur mo para masabing qualified kang gumawa ng isang bagay. How dare us human beings! charot lang. gusto ko lang talaga ng ID. haaha.

My mom got a new haircut..muka syang bata..aaannd! her body size is like mine..1 year ago. I was a small type of damit person a year ago..now im a medium sized human being! hayst. She's gonna go to Pampanga na naman later, to visit my tita who's sick. Sana gumaling na si tita feeeeen. She's had aneuryms a month ago and she's in the hospital for quite a while now. My favorite tita na sobrang bait.:( 

Before I get so emo emo na naman.. ititigil ko na lang to at ipagdadasal na maayos na yung oven ko..nag overheat.taena. masama ba akong tao para parusahan ng ganire?:( 

Kahit ano pang gawin sakin ng tadhana, hangga't may online shopping hindi ako magsasawa maging tao! hahaha. Im an alien in real life. hhhmmm.. kung totoong merong mg extraterrestrial beings, alien talaga akong totoo..for them. I therefore conclude, im a fat alien..pero cute.:p

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...