Skip to main content

Chocolate Cake

Matapos ang lahat ng nangyare, babalik na naman ako sa kabanatang paulit-ulit ko nang natambayan! Ito ang moving-on stage. Gawin nating light para naman di masyadong ma emote ang mga susunod kong posts. Napansin ko kasing masyado na heavy drama yung mga recent posts ko, kaya para maiba,balik na tayo sa normal programming.

Ayun nga, pagkatapos ng lahat ng ganap na mabulaklak. parang Panagbenga festival, sa broken-hearted series din naman pala ang bagsak ko. Minsan gusto ko na tumiwalag sa samahan ng naniniwala sa forever at true love. Pero syempre,hindi natin bibitawan ang paniniwalang sa mundong ibabaw, kung hindi tayo ang magiging advocate ng change and love, eh sino pa ang aasahan natin? Kaya gusto ko na magpa promote na Ambassador! Cheret!

Ayaw ko man aminin sa buong mundo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon, aaminin ko na din ng very light, para naman gumaan ang sentensya ko sa impyerno.Malay mo mitigating factor pala ang pag amin ng shattered heart pieces! Just a thought,freshly baked naisip ko bigla..ang alak nga ba ay nagtatanggal ng inhibitions sa katawan o nagtatanggal ng katinuan sa utak ng tao? Bakit pag nakainom eh madikit lang sa ibang living creature,may mga nagaganap nang hindi nararapat? Bakit ba natin tinatawag na makamundo? Normal na ba sa mundo yun?? Bilang isang alagad ng siyensya, sasagutin kong human nature na ito, nasa mechanics na to ng pagiging tao, physiologic need nga sya eh. Pero kasi minsan hindi makatarungan! Ipipilit ko talaga.:p

Pasasaan ba at matatapos ko din naman ulit ang mahirap na chapter na to. Ang mabuti lang naman dito eh wala akong kasalanan sa nangyare, malinis ang buong katawang lupa ko na lahat ginawa ko para maging happy and smooth sailing yung bangkang sinakyan namin. Ang kalunos lunos lang eh nangapit bangka sya for a second. hahaha. Well, ayoko na mag rant kung bakit naganap to sakin, wala naman utang na loob sakin ang buhay para ibigay lahat ng madadaling chapters sa buhay. I just know that at the end of this journey, I'll be a different person.. I learned a lot and now I just have to focus on my dreams..make my blueprints into reality and all the people who should be in my life will stay and come in. :)

Mind over matter. It all starts within and all positive things will flow right out. Aja!!

Nag bake nga pala ako ng moist chocolate cake ngayon, first time ko gumawa.Medyo makatarungan naman, maliban sa medyo hindi sya pantay, oks naman successful naman ang first try ng moist chocolate cake..


Para sa pusong sugatan, chokolate ang kasagutan. cheret!Kahit ilang galon pa ng chocolate kainin ko, wala padin siguro tatalo sa isang mainit na yakap..na hindi na dapat hinahanap! :p 

Comments

planktrooper said…
Hi RV! Keep this up,your skill is growing.Good to see you are keeping busy despite trials sent to you on a consistent basis.As for your depression this is only temporary dont forget to put family first before anything else! Thanks for the reply on your previous post :)
RV said…
I appreciate your comments on by blogs..Thank you for your comforting words. :)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...