Skip to main content

"Kelangan mo na mag asawa, tumatanda ka na"

Unang una sa lahat, gusto kong linawin na hindi sakin sinabi yan. hahaha. Baka ma uppercut ko magsasabi sakin nyan kunsakale.

Dilemma to ng isa kong friend na lalake. Ang history kasi nya,babaero yun. Pero yung minahal nyang babae ng matindihan, eh nag break sila.Ngayon si ate, may jowakels na Chinese matagal na sila,pero ang lolo mo..hindi na ata naka move on. Puro landian at Versace on the floor na lang ang ganap. Wala syang nagiging jowa talaga after ni ate girl. As in. Pangalanan natin sya ng Alakdan para di ako mahirapan sa pagkkwento.

Si Alakdan, sya yung tipo na kahit sa anong grupo mo isama, peburit sya ng lahat. Bangkero sa lahat ng kalokohan, thoughtful chaka sobrang nakakatawa sya. Kilala ko na to super, kapatid ko na yun dahil since first year high school magkasama na kami. Ngayon, nasa iisa kaming club non. Samahan ng mga inaalat ang buhay pag ibig.

Meron kaming isang group na batchmates, na puro me asawa na at anak na. Isang pares na lang ata sa kanila ang hinihintay na magpakasal..Sumama sya minsan sa labas nung mga yon, dahil friends nya yung boys, naging classmates naman namin yung ibang babae. Syempre kwentuhan..at mostly naman sa ganung grupo, pamilya na ang usapan. So naitanong yung ganap ng sperm cells nya kung buhay pa. Kelan daw sya mag aanak at mag aasawa muna pala. Syempre si kuya, ang sabi, wala daw, di pa dumadating yung babaeng seseryosohin nyaat mamahalin nya talaga, na ultimo panty ipaglalaba nya.

Eto na!! shet friends and countrymen, sinabihan sya nung isang babaeng di pa kinakasal sa Mason nyang shota...'dapat humahanap ka na ng mapapangasawa mo, wala nang oras para maglaro pa. Hindi naman na tayo bumabata, kelangan mo ng kasama sa buhay. Tumatanda ka na, hindi na applicable sayo magpaka pakboi". Aguy! atrimitida tong si ate,kahit naging close kami nung first year HS. Kakasabi nga lang na walapa yung mamahalin nya, nag aaral pa ata kasi ng Geometry tas ccomment ng ganon. Mag anak ka muna uy, di ka pa sure kung viable pa egg cells mo. GG ako eh!

Well, wala namang mali sa notion na 'tumatanda na tayo,kelangan natin ng kasama sa buhay'.Pero kasi sa panahon ngayon, mahirap na humanap ng human being, na gusto mong gender at naghahanap ng forever. Sinabi ko yung gender, kasi parang nagkakaron ng scarcity ng lalake sa Earth. Parang hindi na babae kasi ang hanap nila. Sa mga friends ko,mas madami nga atang single na babae kesa lalake. Like 9:2 ang lamang! Ewan ko din, bakit sa dami ng naghahanap ng forever, hindi nagkaka daupang palad ang mga yon. Marahil sa malayo tayo nakatingin, yun pala meron namang nag aabang,hinihintay ka lang sumakay. Jeep pala ito. charot!

Personally,wala pa sa damdamin kong magkaasawa at magkaanak. Maliban sa wala na ata akong puso na maibabahagi sa isa pang tao, hindi ko din alam kung dinisenyo ba ako para sa mundo o para sa iisang tao lamang.Malay natin! ginawa ako para maging madre. Charot! me nagsabi saking hindi ako tatanggapin. Kaya isipin ko na lang na baka! para ako sa mundo!pa cremate ako at isaboy sa kagubatan upang maging pataba. Ako'y tutubo at magiging puno na hitik sa bunga. Oha!

Ngunit, subalit datapwat..paano ko bibigyan ng apo ang aking pinakamamahal na inang si Veronica? Sana naging halaman na lang ako na maaring mag reproduce asexually. But where's the joy in there? charot! hayst. Sa totoo lang,i havent imagined myself living in a place with another human being..a guy earthling. Maybe because,I haven't met the guy that i want to spend the rest of my life with...ay nahanap ko na sya actually..pero hindi pwede.bawal. walang pag asa. naligaw. naging pating na ata sya. So hindi sya para sakin. Para sa karagatan sya..kasi nga naging pating. :p

Ibalik natin ke Alakdan. Nasa malayong lugar sya ngayon, hinahanap ang sarili. Naligaw kasi ata,kelangan nya hanapin. Sana mahanap na din nya ang kahati ng puso nya...bilang kapatid natin sya sa kapanalig..gusto ko sya makita na masayang humahalakhak,kasama at hawak ang kamay ng babaeng ihaharap nya sa altar.

Pasalubong mafriend! Barquillos lang masaya na ako!:)

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...