Skip to main content

Sumali tayo sa Usaping John Lloyd-Ellen

Sumali tayo sa pinakaumuugong na issue na naglalandian ang matinee idol nating si Popoy - John Lloyd Cruz at and sexy star na si Ellen Adarna.

P.S.kras ko si Ellen Adarna,hindi lang dahil sexy sya, feminist sya eh. Wala syang habas na nang aaway ng mga lalakeng nag bbody shaming sa ibang babae at namamakyu sya ng mga bashers na nanlalait pero naka subscribe naman sa kanya. hahaha

Ang haba ng explanation ko bakit ko gusto si Ellen. Kras ko dati si John Lloyd, syempre magaling na aktor eh. Ngunit, minsan ang katulad nya, kataka-taka na walang babaeng nagtatagal sa kanya. And sabi ng chismis, dahil daw sa sobrang pagka lasenggero nya. Ewan ko, pero ganun ata talaga pag artist, kung hindi alcoholic,drug adik. Ayon sa pagsasaliksik..ang mga kilalang artist, sa kahit anong larangan, nahugot sila ng inspirasyon, o me parang pwersa ang alak para mawala yung inhibitions and kahit anong hindrance para lumabas ng full force ang creativity ng tao. Hindi ko alam ang pathophysiology neto,lalo na sa magical utak ng tao. Pero ang galing no?

Anyway,medyo malayo na yan sa totoo nating topic. Bakit nga ba GG ang mga tao sa landiang nagaganap between JL and Ellen? Marami nagsasabi na nakakadiri sa JL dahil pinatulan nya si Ellen. Kesyo maduming babae daw si Ellen. You get the point, hahaha. Ang kinakampihan si Popoy natin! Ikayayaman ba natin kung hindi man maging sila? Pareho naman silang alcoholic, kaya siguro nagkakaintindihan sila. Wala din naman nakakakilala sa kanilang dalawa sa lahat ng mga nag uusap at nag dedebate kung dapat ba silang maging mag jowa.

Nasa human nature na ata na makisawsaw tayo sa kahit anong usapin sa buhay ng iba. Lalung lalo na pag kapintasan na ng iba ang pag uusapan. Well,maliban sa kamunduhang usapan, isa to sa mga paboritong ulamin sa chismisan. Sa bagay, bilang sikat sila pareho,masayang mag speculate ng mga bagay bagay na trip nating ibato sa kanila.

Pero kung nagmamahalan man sila parang presyo ng petrolyo, bigas at asukal. Wala na tayong magagawa don, dahil ganun naman sa pag-ibig,kung sino pa yung napaka unlikely na maging ka loveteam mo sa buhay, ayun pa ang malilink sayo. Minsan kasayaw mo pa nga sa tugtog ng musika ng forever.

Wala naman akong gusto ipahiwatig dito.Yung nanay ko kasi masyadong apektado dito, dahil ayaw nya ke Ellen, shunga daw si JL. Hahaha. Kaya pag nag ppost si Ellen sa IG (avid follower hahaha), eh ipapakita ko sa mama ko, tapos maiirita sya. Magagalit sya sa mga aso namin, tapos pagdidiskitahan nya yung mga labada namin. Mapapalaba sya ng di oras kasi nasstress sya. hahaha. Si Veronica talaga.

P.P.S excited na ako gumaling balat ko, gusto ko na ipatattooooo sa dibdib ko yung pangalan ni Veronica. Para mabwisit sya sakin lalo, at tawagin nya akong burdado. Sanay na sya kay Shannon the dragon chaka Medusa eh. Sa ibang parte naman ng katawan!:)) 

Comments

EG said…
Ganun talaga ang tao - they shame other people to hide their own disadvantages and flaws. It's their way to make themselves feel more comfortable, satisfied, and fulfilled in their own worlds. When in reality, and in behind their demerits - they do the same, or even worse. Miss talking to you along with these random thoughts in life -
RV said…
Innate na ata sa human beings yon. Pero diba kaya nga tayo may free will,we can choose not to meddle in other people's business. Ayoko maging hypocrite, i use chismisan portion to build rapport,but not to the extent of shaming other people! Andami ko sinabi.hahaha. EG?
EG said…
Shaming and gossiping are 2 different things Roosevelt my dear hahah
RV said…
Roosevelt? I think I know you..
EG said…
I'd be surprised if you don't. Good morning! Have a nice day at work! Smile! ;)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...