Skip to main content

Chocolate Cake

Matapos ang lahat ng nangyare, babalik na naman ako sa kabanatang paulit-ulit ko nang natambayan! Ito ang moving-on stage. Gawin nating light para naman di masyadong ma emote ang mga susunod kong posts. Napansin ko kasing masyado na heavy drama yung mga recent posts ko, kaya para maiba,balik na tayo sa normal programming.

Ayun nga, pagkatapos ng lahat ng ganap na mabulaklak. parang Panagbenga festival, sa broken-hearted series din naman pala ang bagsak ko. Minsan gusto ko na tumiwalag sa samahan ng naniniwala sa forever at true love. Pero syempre,hindi natin bibitawan ang paniniwalang sa mundong ibabaw, kung hindi tayo ang magiging advocate ng change and love, eh sino pa ang aasahan natin? Kaya gusto ko na magpa promote na Ambassador! Cheret!

Ayaw ko man aminin sa buong mundo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon, aaminin ko na din ng very light, para naman gumaan ang sentensya ko sa impyerno.Malay mo mitigating factor pala ang pag amin ng shattered heart pieces! Just a thought,freshly baked naisip ko bigla..ang alak nga ba ay nagtatanggal ng inhibitions sa katawan o nagtatanggal ng katinuan sa utak ng tao? Bakit pag nakainom eh madikit lang sa ibang living creature,may mga nagaganap nang hindi nararapat? Bakit ba natin tinatawag na makamundo? Normal na ba sa mundo yun?? Bilang isang alagad ng siyensya, sasagutin kong human nature na ito, nasa mechanics na to ng pagiging tao, physiologic need nga sya eh. Pero kasi minsan hindi makatarungan! Ipipilit ko talaga.:p

Pasasaan ba at matatapos ko din naman ulit ang mahirap na chapter na to. Ang mabuti lang naman dito eh wala akong kasalanan sa nangyare, malinis ang buong katawang lupa ko na lahat ginawa ko para maging happy and smooth sailing yung bangkang sinakyan namin. Ang kalunos lunos lang eh nangapit bangka sya for a second. hahaha. Well, ayoko na mag rant kung bakit naganap to sakin, wala naman utang na loob sakin ang buhay para ibigay lahat ng madadaling chapters sa buhay. I just know that at the end of this journey, I'll be a different person.. I learned a lot and now I just have to focus on my dreams..make my blueprints into reality and all the people who should be in my life will stay and come in. :)

Mind over matter. It all starts within and all positive things will flow right out. Aja!!

Nag bake nga pala ako ng moist chocolate cake ngayon, first time ko gumawa.Medyo makatarungan naman, maliban sa medyo hindi sya pantay, oks naman successful naman ang first try ng moist chocolate cake..


Para sa pusong sugatan, chokolate ang kasagutan. cheret!Kahit ilang galon pa ng chocolate kainin ko, wala padin siguro tatalo sa isang mainit na yakap..na hindi na dapat hinahanap! :p 

Comments

planktrooper said…
Hi RV! Keep this up,your skill is growing.Good to see you are keeping busy despite trials sent to you on a consistent basis.As for your depression this is only temporary dont forget to put family first before anything else! Thanks for the reply on your previous post :)
RV said…
I appreciate your comments on by blogs..Thank you for your comforting words. :)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...