Today is..day 7.Ang bilis ng araw.1 week na pala yun..
Nung unang panahon, I accidentally met someone who craves and appreciates alcohol the same way I do (until now kasi same padin appreciation ko). I'm really not sure how it all started, I mean the almost monthly beer sessions which led to a higher frequency of drinking..ano daw? hahaha.
Well, hindi ko rin naman alam na sinasadya nyang yayain ako ng madalas uminom, until he confessed na sinasadya talaga nya yun para makasama ako. He became the bestfriend and beer buddy that I needed during the times I was so broken from loving someone who freakin destroyed my human heart. Yung mga inom naming by group nalessen ng nalessen yung tao, hanggang sa nag iinom na lang kami ng dalawa lang kami. Na hindi ko din malaman san kami nakakakuha ng mga kwentong pwede mapag usapan ng umaabot hanggang alas singko ng hapon. Nangungutang pa nga kami sa malapit na suking tindahan para lang makainom sa the place to be. Di ko alam kung ganun ako kahilig uminom, o ganun na namin na enjoy yung kwentuhan na wala namang kwenta usually. Ang natatandaan ko lang eh lagi lang kami tumatawa. Naging kasama ko pa syang manlait ng mga tao pag wala na kami mapag usapan. At may panahong, gagawan pa nya ng kwento yung mga mag shoshotang nakakasabay namin sa inuman.
Eto pa! nabbwisit pa ako usually pag me nang ccheck out sa kanya ng babae or bakla noon! Aba, ang kapal ng face, alam na me kasama, kahit pa ba kaibigan ko lang sya eh Mga makikire! Kakaloka!
Hindi ako galit..hahaha.. Teka, bakit na naman ba ako na rereminisce? bawal to!! Paano makakamove on kung laging iniisip? Eh pano pag di mapigilan?
Ang point ko lang naman, sa mga panahong kasing ganto, na nalulungkot ako, na maulan, usually sya yung kasama ko mag inom. Ngayon kasi, iba na yung kasama nya uminom. Hindi na ako yung beer buddy nya..hindi na ako yung knkwentuhan nya ng mga kalokohan nya, ng mga bagay na nakakasakit sa kanya (kung meron man?), sa mga bagay tungkol sa pamilya nya, lalo na pag namimiss nya daddy nya..namimiss ko na mag inom sa place to be.namimiss ko na mag inom na broke ako pero may pang inom padin kami.namimiss ko na yung walang hanggang jokes nyang corny naman talaga, at yung humor nyang nakasanayan ko lang ata kaya naggets ko na sya sa lahat ng bagay at tinatawanan ko na din yung alam kong nakakatawa para sa kanya.
Hindi ko na kayang uminom ng red horse nang hindi sya naaalala, kasi yun yung paborito namin dati. Ngayon pilsen na ang gusto nya..naka vape na din sya..
Ako..sa red horse at yosi padin ako..kasi ikamamatay ko na yung bisyo ko..charot lang.ewa, ayun padin gusto ko eh..:p parang sya..sya padin naman yung babalik balikan ng isip ko kahit pa pukinginang stressed ako sa work ngayong araw!
Gusto ko nga mag inom ngayon..kaso alam kong red horse will never be the same without my beer buddy.
Comments