Skip to main content

Clowns and Mascots and Zombies and Beans

I've never been the type who scream ice cream I'm afraid of rats and roaches girl. I don't shout at the top of my lungs when I see something that scares me, I just stay stumped and my heartbeat races to the roof, and I curse..ahaha

Joke lang. well, part of what I said there were true. Takot ako sa clowns and mascots and zombies and beans..yea, I don't eat beans. I hate the gritty texture, and you're like eating baby kidneys.

Clowns and Mascots

Hindi ko maalala kelan ko nadiscover na ayaw ko sila and I see them as monsters. Kahit pa alam kong tao sila. There was this instance before na bata pa ako, I don't know ilang taon na ako, but it was the time when my mama is still working at a grocery store. May event sa store and like 6 clowns nag ddance sila sa may counter area. The memory's kinda vague pero natatandaan ko na lumapit yung isang friend ni mama na naka clown nga. then I cried!! Para akong si Melissa Manchested nag dont cry out loud ako ng bongga. So, naisip ata nila to calm me down eh burahin yung make up nung clown dahil kilala ko daw sya. Dahil nga katrabaho ni mama. Wala. wititit mga beshie. di padin ako tumigil umiyak. Same ang ganap sa mascot. Ang alam ko meron pa nga akong pikchur na nagtatago ako sa ilalim ng table ng Shakey's dahil andun si super shakeys.. ayun ba pangalan nya? Ewan ko, basta may kapa feeling ko may super yung pangalan eh. Naalala ko din kung paano ako tinawanan ng friends ni mama. They were amused samantalang ako sobra akong nasisindak like hell to  you people I'm afraid! So ang ginawa din ng mga staff sa Shakeys, which apparently kilala ni mama din. (masyado ata friendly si mama dati no?) Dinala nila ako sa bodega nila,at tinanggal yung malaking ulo ni super shakeys..ayun tao pala ang laman non. Hahahaha. so di padin ako natinag at takot padin ako.

Hanggang ngayon takot padin ako tuwing nakikita ko si Mcdo (kahit i love mcdo), makita ko lang mga mascots nila..ayday, ilayo nyo ako sa kapahamakan,maawa na po kayo sakin.Mabuti naman akong citizen, I spit my gum sa kalsada!.:p yung zombies takot lang ako sa kanila, basically, dahil they are literally walking dead. They are former human beings na naging ewan.. and to think it is actually feasible to happen to us! Kaya nga ang gusto ko na lang na anak eh 1 or 2 baka kasu abutin pa ang aking mga supling ng zombie apocalypse.. I remember my friends before, tuwing nag iinom kami, favorite nila na topic yon, dahil sa palabas na walking dead. Kapag mag zzombie apocalypse ano daw gusto naming weapon. Always sagot ko: wala, papakagat na lang ako sa zombie. ayoko mapagod tumakbo. hahahaha. Always yan sagot ko..sila nag iiba iba bawat session namin.. And they were even creative in coming up with their desired weapons. Mga adik! hahaha

Ang haba ng intro ko. Ang ikkwento ko lang naman talaga eh yung IT ngayon. yung novel ni Stephen King na tungkol sa clown. Deputa que horror! Ewan ko ba, alam naman ng nanay ko at tita ko na may thing ako sa clowsn, tas ipinapanood sakin yung old school na It movie. natatandaan kong takot na takot ako sa drainage nun dahil diba andun yung pukinginang clown??? well ngayon may remake yung movie. And eveyrtime nag bbrowse ako sa IG or twitter. may lumalabas na muka ng clown! dahil nag ppost yung mga nakapanood and may mga memes. Like the hell!!! I hate this period of my life! nagpapalpitate ako! At nauuso pa somewhere in our planet yung mga nag ddress up as clown, tas may hawak silang balloooons! and they will stand at highways! jusko! baka mamatay na lang ako non..drop dead. Dead on arrival na agad!

A few years back, nasa HGS ba ako, nung isang halloweeeen, nag dress up as clown yung isang trainer na kilala ko! jusko..takot na takot ako. Wala, tahimik lang ako and i was not looking at him, namamasyal sya sa ops area. Tas dumaan sya sa gilid ko! di ko alam nasa likod ko sya, tas nung nakita ko sya,m nagulat yung lahat ng living cells sa pagkatao ko, nagtakip akong muka and naiyak na lang ako sa takot! taena. akala ata nila joketime na takot ako. Ayun, after nya mag dress up, at manalo. nag sorry naman sya sakin. Basta ata natatkpan yung real ichura ng taong kilala, natatakot ako. Hindi sya kaartehan eh, natatakot ako, it means nag sstay sya sa utak ko, nagkaka nightmares ako na sila ang lead role! Tas magigising na lang akon naninigas yung isa kong paa!

Sana matapos na yung IT. kasi baka ma eat ko yung mananakot sakin!! kakainin ko kayong lahat!! Majinboooo lang..hahaha.

Nga pala, I'm working on my wordpress site..We'll migrate soon dear readers.:) 

Comments

Anonymous said…
Meron ba talagang Super Shakey's? Haha. Takot ka din kay Jolibee?
RV said…
Meron! But since you asked, captain shakeys pala!!sabi ng google.hahaha. I was under the impression kasi na baka descendant sya ni superman dahil naka sinturon din sya kahit walang pantalon..

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...