Skip to main content

I found Peace...

For some reason, sa bawat araw na matatapos,hinahanap ko 'tong page kong 'to..ewan, wala naman ako masyadong ideas. Pero madami akong nararamdaman. May ganun ba?

Parang kanina, sumakay ako sa MRT. Maambon nung naglakad ako, maambon nung nasa loob ako ng tren..pero peaceful naman yung isip ko. Wala akong ibang nasa isip, tinitignan ko lang yung mga tao, yung ulan, yung paligid na sobrang yamot dahil sa hassle ng pagbyahe pag umuulan. Andami daming mga bagay na nangyayare, habang ako,yung isip ko, sobrang payapa. Masyado ata akong mabait kahapon at sinagot na agad ni Lord yung wish kong peace of mind nung birthday ko. :) Ayun lang naman winish ko. Gusto ko lang nang katahimikan sa mga bagay bagay na nagpapaiyak sakin.

Kanina naramdaman kong, pwede na ako magsimula. Kinaya ko na ngumiti (nagselpi pa nga ako! pinost ko sa IG, check it out. charot!) nang dahil sa masaya ako. Nang hindi dahil sa kanya.

Simula ngayon, babawasan ko na mag sulat ng tungkol sa kanya. Pero mahirap pala yun.. wait lemme make bawi that! :p

Simula ngayon, iiwasan ko na syang isipin. Kung isipin ko man sya, sasabihin ko na sa sarili kong wag, iba na lang... tipong maisip ko yung kilig smile nya, I'm gonna tell myself: 'think of corndogs instead'. Ganen! pwede na yan.

Simula bukas, hindi ko na papakinggan yung Slow Down Time at Slow Motion. ahm..sige hindi na araw araw. gradual naman!

Simula sa Wednesday,hindi ko na iistalk yung peysbuk nya. bawal na! promise!! except syempre pag nasa newsfeed! mahirap i unsee yun!

yun muna for now, mahirap gawin sa isang linggo yung mga pahirap sa buhay ah! Isa isa lang. Naisip ko aksi, mahirap namang wag sumakay ng bus, kasi lagi ko sya namimiss pag nasa bus ako. Pano na lang ako papasok sa trabaho? wag na yun sige.

Buti na lang hindi ko memoryado number nya. kung hindi.magkakanda leche leche talaga ako.

Hindi na din siguro muna ako kakain ng pares. Chaka ng jollibee flavored fries. chaka ng kahit anong sour creamna food. Ayoko na din muna ng Angel's footlong, dahil madalas kong kainin yun pag kasama ko sya dati. Ayoko na din muna makakita ng baby, kasi ano..pano ko ba sasabihin yun sa kanya..wag na lang. kaya ko naman.lecheng life.

Kunyare hindi ko na lang din hahanapin yung mga bracelet kong nasa kanya na di ko alam bakit nya knkolekta tulad na lang ng pag harbat nya sa mga lighter ko dati. mga kaabnormalan nyang adorable para sakin. Oooops!! im defeating the purpose or my oplan resolutions.

Bawal mag reminisce!!!

Well, for a change, I'm typing this with a lighter heart naman.. not so sad, not so giddy din naman. Sakto lang. Just enough to move forward.:)


Comments

Anonymous said…
bat ayaw mo makakita ng baby? curious lng po. :)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...