Skip to main content

The Inevitable Day

Hindi ko alam bakit ako yung taong hindi ako naeexcite para sa sarili kong birthday..
Pero ako yung taon, maeexcite ako mag plano o magtanong tungkol sa birthday ng iba. Ang gulo ano?

Ilang araw na akong nalulungkot, sa dahilang nakakapagod na itype at mga rason na hindi ko naman kayang i type..:p

Saturday. Andami ko na agad iniisip bago pa man ako umuwi. Sumakay akong bus pauwi. Napaka peaceful, uneventful din. Wala akong hirap na umuwi, although, pinawisan ako na para akong nagmamantikang karne sa init ng mantika ng EDSA. Birthday ko na mamaya, namimiss ko padin sya. Anak ng bakang sakang!! di pa din nanahimik yung puso ko at utak kong napaka kulit. Magtigil ka na please. Maawa kana please, ayoko na eh. Nakakapagod na araw araw na lang aasa, mapapagod maghintay, mawawalan ng pag-asa kasi wala naman nangyare, matutulog na wala nang iniisip kundi sya, magigising na sya padin ang nasa isip. Panibagong araw na pag-asa na magbabago padin ang lahat. Pero hindi eh. Dumaan na lahat ng deadline na sinet ko para sa sarili ko na tigilan ko nang abangan mga ginagawa nya, ang pag asa na sa bawal post nya eh naiisip din kaya nya ako? Di ko na alam anong gagawin ko sa sarili kong utak eh.

Buti na lang merong pader na ganto na pwedeng sumalo sa lahat ng naiisip ko, kasi kung wala, baka nabaliw na ako ng tuluyan.

Sa araw na to, wala naman ata akong dapat ikalungkot. Meron akong pamilya na sobrang mahal ako sa kahit ano pang kamalian ang nagagawa ko sa buhay. May mga kaibigan ako na hindi ako nakakalimutan kumustahin simula nung mga panahong walang wala ako makapitan ng sanity. Lahat ng kailangan ko para mabuhay ng payak, meron ako. Sya lang naman ang wala. Bakit ganun diba? Nag iisa lang syang dahilan para malungkot ako, pero parang buong pagkatao ko na yung na drain..weird.

Kaya nagkaron ako ng realization. Pakiramdam ko naibigay ko na lahat. Ngayon ko masasabi na wala akong tinira para sa sarili ko, kumpara sa mga nauna kong minahal. Kasi ngayon, hanggang ngayon, di ko parin alam saan ko huhugutin yung lakas ko araw araw para kayanin lahat ng mga negative things na pwede ko maisip. Self destructive na ata ako? At napansin ko na simula nung bumalik ako galing SG, ang laki ng pinagbago ko. Hindi na ako yung dating ako na masayahin, na walang ginawa kundi tumawa lang, kumain, mag bisyo kahit mag isa lang. Ganun ko kayang mabuhay mag isa...DATI,

Ngayon, sa bawat gagawin ko, gusto ko sya makasama, gusto ko sya maka share ng lahat ng gusto ko sa buhay. Tangina! effort ako mag isip sa kanya, samantalang sya eh walang ginawa kundi magpakasaya. Well baka ayun ang way nya mag cope? i dont know. Di kosya sinisisi. Pero gnun nu? kulang na nga lang, ibigay ko na buong kaluluwa ko para lang ayusin at bumalik sya.I loved someone, did everything to make him happy, and now, I ended up empty. Hindi dapat ganto. Kasi hindi ito yung mga pilosopiyang bumubuhay sakin dati!Hindi.

Ang dapat, love someone, feel the pain until it hurts no more, and only love will be left in your heart. Ganun dapat. Depsite loving someone reciprocation, you'll end up whole because you didn't have that love because of someone else, it's because of you, yourself.

Ano bang nangyayare sakin? Ano bang ginawa ko? Bakit kita hinayaan na sirain ako? Bakit? Now, I have to rebuild myself and try to make old self come back. Paano? hindi ko alam. Pero ngayong bagong year para sakin, sa buhay ko..Gusto ko na baguhin yung buhay ko. Gusto ko na maging masaya ulit, nang wala sya. Kasi nakaya ko yun dati. kaya ko din dapat ngayon.

Inevitable day 'to para sakin..kasi ang gusto ko lang talaga eh magmukmok sa isang tabi, pero may mga taong nagmamahal sakin na gusto icelebrate yung araw ko. Utang ko sa kanila to..hindi pwedeng sarili ko lang diba..

Huminto bigla yung train of thoughts..lumakas yung tunog ng kantang Killing me Softly sa tenga ko..:) reggae shit..mas maganda pala 'to version na to. :)

Kelangan ko na simulan yung project Happiness ko. Kelangan ko na ibalik yung tranquility ng buhay ko. yung stability ng thoughts ko at ang coolness in me. 

Comments

Anonymous said…
https://soundcloud.com/shireboundbusker/waltz-of-four-left-feet
RV said…
thank you sa link..pinakinggan ko. masyado kong na feel..:') paano ako mag mmove on kung me ganyang kanta anoynymous?

"handa akong harapin ang kasinungalingan,
kung wala ka sa aking buhay
walang kakulangan.
...hindi ko ata tanggap ang buhay,
kung hindi ko mahahawakan ang iyong kamay.
handa akong harapin kawalang katiyakan
kahit na takot sa maaring kasagutan.."

haaaaaaay
Anonymous said…
Glad you liked it, and sorry at the same time ��

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...