Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

The Orange Girl has a new Home

I've been blogging for almost a decade, and this has been one of the things I am most thankful for for the Internet. Andami kong stories na share, mga bagay na di ko nasasabi verbally. This has been a comfort place I go to to unload hate and be able to move on. Somehow, blogging became my therapy to live a peaceful life. Now, I decided to try something new..a new platform to share more things, such as my journey in baking, questions about life, after life,aliens, and many things inside our planet. Baka sakaling mas mainspire pa ako isulat yung mga contents na naisip ko pero laging napput off, mainly because of work,other hobbies, and many more distractions. I am not taking this down permanently, because I still want to look back and be able to reminisce those times I wrote my lonely and happy entries here. I know that my future self could still learn from my old self. Especially, I could use inspiration from my previous entries! Para akong mag mmove on ulit, makikipag gettin...

Another Poem for Someone I Haven't Met Yet

My heart misses you in all earthly and godly ways possible It never fades, it just mellows down The love I know lies in a place where no one have set foot on, Even my wildest dreams can't reach the zenith of where my love takes place The love I know is not within the confines of this universe, It lies beyond now and forever, in the boundaries of magic and disbelief You were my love, my eternity in this world and in the next But I guess, this is a different kind of love A love designed to be alone, To love someone without the person knowing We were soulmates meant to be apart, To marry someone else, and die loving each other in different worlds A string connecting our hearts, but tied down in the middle by a rock Destined to meet, but intended to go on separate ways Yes, that kind of love For in this life, I was the one who knows about us And in the next, I wish to be the same We may be of different species, but this love will never cease I hope in the next b...

Update 1876 on my Weight Loss Journey

Since successful yung diet modification challenge natin. We are leveling it up to a notch. Cardo, cardio pala! :p Dahil kaya ko naman sya gawin, pero hindi consistent. Why not try it 1 straight week, and see if I can continue from a week to another and another and another? Tandaan, kelangan natin magkasya sa one piece rashguard na binili natin online by end of December! Plus, may susunod na tayong challenge pag naging successful 'to. Solo travel. Dahil tumatanda na tayo, it would be a liberating experience, and a must try in one's life. Next year natin gagawin yan. Pero naisip ko, wag summer, kasi madaming tao, wag din masyadong mabagyo months. So di pa tayo sure, kung gusto ko ba talaga hamunin ang sarili ko sa gantong usapin. Ang skin! alam mo na! Feeling mayaman. Akala mo me pangbili lagi ng mamahaling pamahid. Nag end yung train of thought ko dito, this was supposedly an October entry. Pero yaknow naman your tita, mabilis ma distract. ------------------------hep, hep...

Getting sick, Getting old

Charot lang! I don't think getting old is an excuse to get sick. Nagkataon lang talaga na mahina yung immune system ko that time, and I got sick! Pero sobrang galing kaya ng body ko for so loooong na may ubo't sipon officemates ko, di ako nahahawa. I am pretty sure, nakuha ko to sa swimming pool, dahil may kadiring nag miming na kasabay ko non na may sipon! Nakita ko sya suminga!Ohmaygaaaaaad. at naisip ko na lang yon, nung bed ridden na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Tagal ko na kaya di nagkakatrangkaso. And, pagbalik ko ng office, ang sinasabi nilang culprit eh yung diet kong hindi katulad ng diet nila. I've been eating clean, with occasional cheats dahil may okasyon. Although, not sure if I still want to call it cheats, kasi di ko naman feel na pinapahirapan ko sarili ko with eating more greens, grains and carbs. I still eat bread and cookies though..di ko kaya tanggalin yan! Siguro, ayan na lang ittry ko tanggalin for a week ulit! See if kaya ko. Wala namang ...

A 2PM-ish Star Wars Landi

What if we can all travel through time? Journey to space and go field trip to parallel universes? What if we can distort timelines and change the tides of events? Would you still be my friend? Will there be a teeny tiny chance that I can be more than that? Or would you change your past, that would ripple to not meeting me at all? But let's say, I can be a master of time, be one with the force of the universe,I'd like to fast forward, and marry you in another lifetime, in a distant galaxy; by the beach, at the edge of the moon, by the forest, at a deserted island, in an ancient church in another era. Utimately, I wanted to give you your dream wedding. Our special union, by the cliff, with light sabers in our hands, Vader as our priest, Padme Amidala as your maid of honor, and the last Jedi beside me. First Order and Resistance unite to witness our first kiss, the seal to infinity together But that's just a make-believe created in my head since the last millenium. T...

Hula the the Title

Yesterday, I went out for a movie with a friend. Habang nanonood ng Venom na funny..possible palang malungkot ka while watching a funny movie, tapos masarap naman yung popcorn. Nagsisi lang ako dahil cheese ang gusto kong flavor sa popcorn, pero bbq binili ko. Why did I do that? Weird. I promised not to post anything about him anymore..well,technically, this isn't. I just feel sad, alone..and as if the world revolves faster than it should be. Lahat na lang nagmamadali,ang bilis ng mga araw, pero yung pakiradam ko, wala namang nagbabago.Malungkot padin, gusto ko na lang mahiga, magbasa, magsulat, kumain ng patatas, chaka manood ng Star Warsand HIMYM. Gusto ko na lang maging halaman, maging kabute na cute sa kahoy sa labas ng bahay namin. Gusto ko sana tumigil muna kahit saglit yung oras,kung pwede lang na makapagpahinga muna kahit sandali, na walang iniisip na kahit na ano. Pwede ba yun? Gusto ko na makarinig ng hampas ng alon sa dalampasigan,damhin ang lamig ng simoy ng hang...

Last time you will be here

There I was, thinking I was already ok, after 3 months of not being with him. Hindi pala.. Akala ko mahirap para sayo na umalis,  Akala ko yung mga dahilan na sinabi mo, bakit na natin dapat itigil lahat, ay totoo. Akala ko lahat ng mga pinakita mo, sinabi mo totoo. Akala ko ako yung mali. Akala ko kawalan ako para sayo. Akala ko nahihirapan kadin katulad ko. Akala ko nararamdaman mo din na mahirap mag move-on. Akala ko katulad din kita na hindi kayang magmahal o kahit lumandi agad. Akala ko lang pala lahat. My friends told me to stop being mabait, and be the first to turn her back. Kasi ang weak, always talo. After all the things I have learned about you, I felt weak, I felt betrayed, I felt irrelevant. Pero ayaw ko na talaga sya i emote. Pakiramdam ko naubos na lahat ng ieemote ko para sa kanya. I just felt na di nya magagawa sakin yun. Maybe, I didn't know him that well. Ayoko ng magsulat ng tungkol sayo. Ayoko ng maisip kung ok ka lang ba, nalu...

The Art of Creating a Decent Caption

We are living in an era when everything in life are recorded on the internet. Madaming bagay ang nakapost, from baby making, pregnancy, child birth, to puberty, to first keme, to early pregnancy, to becoming a first time parent, to being a tita/tito, to becoming ninong/ninangs, to becoming a lolo/lola to death, kulang na lang pati after life chaka reincarnation. Dahil sooooobrang dami ang naglipana sa internet na pictures, kaakibat nito ang caption! Sobrang iba iba din ang uri ng caption. From wala, to one word, to quotes, to song lyrics, to poems, to letter, to stories, to minsan nobela na besh. Hindi maiiwasan, ang mga taliwas sa paniniwala mo ang mababasa mo. Isang paniniwala na sobrang sikat ay, pagppost ng selfie na kita cleavage, pero ang caption eh bible verse. Puchangama! Anong konek ni papa God sa dede mo? Aber? Bago tayo makerid away. Himayin natin ang iba't ibang uri ng captions: 1. Unahin na nating ang mga gumagamit ng bible verses. Mahirap tong okrayin, dahil ma...

what they call 'diet-ing'

Three weeks ago, I decided to skip rice for a week, to test my mental capabilities. I just thought that, we always use the saying 'if you put your mind into anything, nothing is impossible'. So I made up my mind and  test it out on my food choices. For a week, I skipped white rice and depend mostly on my momma's home cooked ulams, still eating my occasional junk food.  When I was successful, but realized that Im a fat feelingerang frog, (nagkita kasi kami ng friends ko at may pikchur kami ng maganda kong frenny, payat nya! antaba ko)I decide to extend the challenge and shifted to greens, grains, and rootcrops. I still ignore white rice, but there was 1 time I have to give in. 2 mouthfuls, I already feel full. Di ako nag eexaggerate, I felt my body adjusting. So yun nga, the 2nd week, I only ate lettuce, pulled chicken, corn, iklok paminsan and spiced potatoes. May variety naman, kaso parang break up lang, naumay ako mamsh. Kaya mga after 3 months na lang siguro kami mag ...

Scripts and Random things

On a hot September Saturday, I stayed home, got in front of my laptop, and enjoyed the gift of silence. Just like any other love song, It starts with a smile, kilig, and sunny, giddy dances, Just like any other love song, It stays with you, warming your tummy in a cold rainy weather, Just like any other love song, It fades, and leaves traces of you and him. ~ I can weave words and sentences to clothe you with love I can burn a garage just to keep you warm and snug I can destroy houses to build bridges..just so to see those beautiful brown eyes over and over again ~ No words are ever made to describe love Because love is not born to be spoken, It is to be shared with warm hugs, sloppy kisses and many things in between. ~ I'm writing you this letter, not to tell you I miss you, I'm writing you this letter, to thank you for teaching me what really letting go looks like, for giving up someone without fighting for her. I'm writing you this l...

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Pseudocardiovascular collapse

Good day, from the Philippines na currently hinahagupit ng Typhoon Marukhit, a.k.a. Ompong. Or baka nakaalis na sya sa PAR, wala pang balita si NDRRMC, na nagka lablayp na kaya wala na paramdam. Bakit kasi hindi nila bigyan ng magandang pangalan yung mga bagyo? Laging hindi kagandahan eh. Di man lang, Zoraida, Segunda, Josefa. Yung classy, para kahit ang pangit ng panahon, ansaya padin tawagin ng pangalan nung bagyo. May lambing. May landi, pwedeng mahalin, para umalis na sya. Kasi ganon yon, pag minahal mo, iiwan ka. Hugot sa intro palang! What do I feel about writing today? Dahil nasa bahay lang ako, I might just work, and singit reading, writing, and hopefully a couple of beers just to cap off a gloomy night. September na, malapit na naman matapos ang taon, malamig na naman ang ating pasko! So again, the topic for today, mga bata, ay tungkol sa hopeless kong lablayp! hahaha. Ewan ko ba, bakit hindi ako nagsasawang utuin sarili ko na baka someday, balang araw in tagalog, ...

Sensible Ways to Move-on (Extended Version)

Last year, may entry ako dito entitled,  Para sa mga Gaga: The Most Sensible Way to Move-on..nang Maganda padin Note para sa mga mahilig manghusga, ilan sa mga sasabihin ko dito, inulit ko lang sa previous post ko, tapos dinagdagan/binago ko lang, para applicable sa lahat na ng genders. So ieextend natin ang lecture natin sa mga kaibigan nating kalalakihan at iba pang gender na naimbento, na sinusubukan lakbayin ang daan ng moving-on. Sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng matinong alien na maahalin. Nasabi kong alien, kasi parang foreign na ngayon  makadaupang palad ang mga taong sincere umibig. Pero ang nakapag tataka, andaming humahanash online na sawi sila, at bakit sila malas sa pag-ibig eh mabait naman sila. Hindi kaya, nasa virtual world na lang ang mga gantong tao? Di na sila lumalabas, parang Jumanji, nahirapan na sila lumabas sa game! Ah basta, saka ko na iisipin yan. Ang focus natin today ay ang pagmmove on. MAGMOVE-ON, CAPS LOCK PARA INTENSE!! Isa...

What Booze can Do

Late upload. Haha. Nasimulan ko na to last month, di ko lang matapos because lagi ako na ddistract ng ibang ideas. Hindi ako mangungutya ng kahit sino sa post na 'to.  Dahil alam kong ang alcohol ay magical potion na madaming wonders na kayang gawin. :) At hindi ko din kaya mabuhay ng walang alcohol sa mundo. I love beer, and naddistinguish ko na differences ng mga lasa nila, according sa presyo nila. charot! According to studies, at according na din sa sasabihin kong example, ang alcohol ay nagpapababa ng social inhibitions, nagbabaon sa lupa ng social withdrawal, at nagbibigay ng powers of confidence and kahit anong uri ng alak. Iba iba tayo ng tolerance, so di na ako magbibigay ng sukat kung ilan iinom ng bawat isa satin, bago magkaron ng wonder powers to talk with anyone. A few weeks ago, nag birthday yung kapatid ko sa isang hotel sa Ortigas. Inimbita nya yung friends nya from highschool, college and workmates. Syempre hindi sila magkakakilala. Nung dinner palang, hindi...

A year older, but not wiser

The day I was born was cloudy with a chance of meatballs. Last Tuesday, it was raining cats and dogs and frogs and turtles. I was not exactly in the festive mood to celebrate, for reasons I can't share yet, or baka nga na share ko na nung mga nakaraang taon. Alam mo na ma-emote tayo sa gantong mga okasyon. I don't have a lot of sensible things to say, but I have a million reasons to be thankful for, and realizations that helped me get thru series of storms. Alam kong swerte ako sa buhay, hindi man ako kasing yaman ng iba, hindi man ako kasing successful ng iba, alam kong mas maswerte padin ako sa iba. Meron akong bahay na tinitirhan, pink na kwarto, asong mabalahibo, pagkain na for sharing, oven na pang bake, ref na madaming tubig, malambot na kama, elektrikpan na maingay, chenelas at sapatos, damit na minsan nakukulangan pa ako, mga laruan na kinolekta ko from Mcdo happy meals, maraming libro na masaya kong pinamimigay, minsan bnbenta ko para di magalit mama ko, may tra...

A Carpool Story

Minsan, gusto ko naman talaga mag bus. Kaso hindi na kaya ng pasensya ko at ng kaluluwa kong makipagbakbakan sa ganun araw araw. Kaya kahit gumastos ako ng magkano, kakaririn ko na lang magtipid sa ibang bagay. Gusto ko man dalhin yung sasakyan namin, mahal naman ang parking. Dito nagsimula ang grab stories ko. Gusto ko silang tawagin fieldtrips. Kasi bawat trip, para akong pumupunta out of town. Maliban sa trapik, iba iba yung nakakasama ko. Me special trip/ grabcar, merong  fieldtrip/grab share. Kasi may mga makakasabay ka sa sasakyan na same route mo, pero syempre magkaiba kayong bahay! Kung sino mas malapit, sya mauuna. So sa mga na experience ko, minsan ako nauuna, pero madalas ako yung huli. Kaya pag me nagkamali sakin, alam ko na bahay mo tol! Charot lang. Polite mga nakakasabay ko. :) Iba ibang passengers na din nakasabay ko. Merong mag jowa na sabay papasok ng office, magkapatid na papuntang mall, kuya na may sipon pero papasok padin, ate na ang tagal mag make up, ate...

Another Sad Poem on a Sunless Day

There I was, in a desolated room, staring at a flickering, nearly busted light bulb, I know, I'll lose the light, but I just stared at it, Like a soldier ready to face death and darkness. But deep down, I'm like everyone else, afraid to be cold and solitary, To be there, in that same deserted place, alone kissing melancholy. That's how life turned out, after struggle comes joy, and in a flash, it led me to this chamber named after agony. Maybe to ponder on my life's slips, or maybe, this could be a sign; a prelude to what's coming next. It could be happiness, or it could be another miserable chapter. It could be neither. As I sat there, not knowing what to do or where this darkness will take me, I scooped out my glass of pixie dust. I've always kept one to share with others, to light up freezing, gloomy days, to pinch a smile on their faces. But it was just like my heart, empty. I wept, sang a thousand sonnets, begging the light to come back, un...

On a more serious note..Let's talk about Rape

Nabasa ko lang to kanina sa FB, si senator alampay Hontiveros nagsabi, "Instead of teaching our women how to dress 'appropriately', and limit our choices, our police forces should help in educating our public, especially men, that forcing themselves upon women is unacceptable and constitutes rape". Ang masasabi ko lang, hindi lang 'to sa kababaihan, para to sa lahat ng tao, regardless of the sex or gender, public awareness to the nth level. Maraming kaso ng rape na hindi naisasama sa istatistiko, lalo na sa mga probinsya, liblib na baryo na hindi naaabot ng awtoridad. May alam akong kwento na nagmula sa mismong babae na nakaranas ng rape, sa mismong tatay nya. Nung kinwento nya 'to samin na ilang kasama nya ng oras na yun, nanlumo ako. Sobrang gaan lang yung iniwan ako ng tatay ko, at nagpakasal at nagkaron ng ibang pamilya, kaysa, magkaron ng ama na paulit ulit syang ginahasa nung bata pa sya. At hindi lang sya, pati ate nya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, ...

Rainy Days brought Rainy thoughts

Some time last week, my emotions are everywhere. Work was a ok,just the normal adjustment period. Tryna settle in, and build a nest of my own. Family is ok, room is getting a make over, thus all my things are literally everywhere, thus again, I can't fully arrange all my books to be kept, and to be given away. Business is kinda not ok, I'm losing some of my network, I have to have consistency in this. Although, I can't focus on that, if I am still tryna be good at my new job. So, it takes a lot of my time. Especially my thinking time. Then, what else is there more cliche than love,to talk about? Ano na naganap? Ayun ang problema,walang nagaganap. I tried to fight, to make this work...Pero, feeling ko nagkatotoo na yung sinulat ko before, na paano ka lalaban sa giyerang hindi pa man nagsisimula, meron na agad sumuko. Hindi pa man nagbibigay ng hatol ang tadhana, bumigay na sya at nawalan ng pag-asa. I was confused. Ano ba ginawa ko para hindi piliin? Ako ba ay laging le...

Living with Facebook again

Sa totoo lang, wala pa ako masyadong natututunan sa FB ngayon. Maliban sa sobrang daming naglipana na mga videos na hindi ko bet and mga content. Alam mo yun, kahit konti palang naman friends ko don, yung mga na sshare na di ko gets bakit natatawa sila. Like, mga tao sa probinsya na tinatawanan nila, mga videos kung saan na unaware yung tao. Yep, pwede ikwento, pero yung i eexpose mo sila sa mundo ng mapanghusgang social media, without them knowing..di ko alam kung gusto ko pa to. Masyado ako nakekerid away. hahaha. Anyway, iniisip ko na lang yung main reason why I went back to fb..network! Naghahanap ako ng mga open minded. char! hahaha. Pero ang nakakaloka, yung mga friends kong alam na wala akong fb, minemessage ako, may poser daw ako. windang mga friends! Feeling ko famous ako sa level na yun. Wala yun lang talaga gusto ko sabihin. Nacculture shock pa ako sa mga ganap sa FB. Diko na alam paano gamitin yung ibang features. So saka na ulit. Bbye. :p

Napapikit ako...sabi ng utak kong title: "Yayamoyay"

I wouldn't consider myself kind. I wouldn't consider myself as forgiving. But I consider myself understanding. Why am I writing this? To conclude a chapter, I didn't realize I left hanging. Kaya ko na ba? I've written several, well, a lot of blogs about that one friend turned lover. Or so I thought. Actually hindi ko alam sasabihin ko. Ang alam ko lang, kelangan ko lang sya ilagay dito para tapusin yung mga masasakit na pangungusap na nasimulan ko. Yung mga alaala na sa tuwing magugunita ay parang sugat na pilit binubuksang muli. Masakit padin. But the questions, the hate, the regret...they are all gone. I've come to terms with the idea that people make choices that are convenient for them, those decisions that would make them feel better about themselves. Kasi, at the end of the day, it's always our view about ourselves that matters. And if you don't see yourself as walang kasalanan, you will end up like me, staring at my ceiling thinking, how misera...

I found the Elixir of Life

Also known as Elixir of Immortality, o kaya Sorcerer's stone, o kaya philosopher's stone. Parang nasa Harry Potter 1, yes. Pero ayon sa mahiwagang libro ng wikipedia, ito ay potion, na pag ininom ng sinuman, magkakaron sya ng walang hanggan na buhay at kabataan. Sino nga ba ang hindi maghahangad neto? Simula pa nun ancient times, madaming hari na ang nagpadala ng ekspedisyon kung saan saan, para lang mapasakamay ang cocktail na ito. Di pa kasi uso bars non besh. Sa tinagal tagal na nabubuhay ang human beings sa planetang ito, wala pang naitatala na nahanap na ang elixir of life. Nakalimutan na siguro ng mga tao ito, archaeologists, salamangkero at mga kulto na lang ata ang naghahanap neto.  Ano na nga ang pananaw natin tungkol sa elixir of life? Kapag nagtanong ka sa kung sino, "ano ang maaring makapagbigay ng walang hanggang buhay at kagandahan/kabataan sa mundong ito?". Mabilis ang sagot nyan! "Si BikiBelo!" Kung medyo may seryoso na sasagot, ...